28 - The Cousins and The Boys

12.7K 398 22
                                    

SAMANTHA ORTEGA'S POV

"Sige na Sam. Please..."

Tiningnan ko ng masama sina Patty at Kite. Kanina pa ko kinukulet nitong dalawa eh.

"Sige na. Ngayon lang naman eh."

"Kanina pa kayong dalawa ah. Sinabi ko ng hindi pwede diba?" sabi ko.

"Bakit ba ayaw mo kaming papuntahin dun sa PAU? Gusto lang naman naming masilip eh."

"Alam mo Patty, hindi talaga pwede. Tapos."

"Eh bakit nga?"

Naihilamos ko ang palad ko dahil sa sobrang frustration. Pano ko ba sasagutin ang tanong nya? Gustong-gusto kasi nilang pumunta sa PAU eh. Kahit hanggang gate lang daw basta masilip lang nila kung gaano kaganda ang PAU. Nagsisisi tuloy ako na ikinuwento ko dati kung gaano kaganda ang school na yun. Sana pala sinabi ko nalang na ang panget panget ng PAU. Edi sana hindi nila ako kinukulit ngayon.

Hindi naman sa bawal silang pumunta dun. Kung tutuusin pwedeng-pwede naman akong tumanggap ng bisita eh. Kaya lang pano pag nalaman nilang kasama ko ang GALAXY sa dorm? Pano pag nalaman nilang limang lalaki ang kasama ko sa dorm? Baka hindi nila kayanin. Baka mapatay nila ako. Kaya hindi ko sila pwedeng dalhin sa PAU.

"Basta hindi pwede." Final answer ko.

"Kahit hanggang gate lang." -- Kite

"Bawal."

"Sisilipin lang namin." -- Patty

"Hindi pwede."

"Kaloka! Ang damot mo day!" -- Kite

"Hindi ako madamot. Bawal lang talaga."

"Hay naku. Tara na Kite. Umuwi na tayo." sabi ni Patty na mukhang nagtatampo.

"Oo nga. Gora na tayetch. At hindi na tayo magpapakita kahit kelan." sabi naman ni Kite.

"Hmp. May isa kasi dyan na porket nakapasok sa magandang school ay ayaw ng mamansin."

Hala! Obvious naman na ako ang sinasabihan nila eh. Tinalikuran na nila ako pero pinigilan ko sila. "Hindi naman sa ganun. Kaya lang..."

Hinarap ako ni Patty. "Kaya lang ano? Hmp. Sige okay lang. Uuwi nalang kami. Okay lang talaga sa amin. As in okay lang talaga."

Tatalikod na ulet sana sila kaya lang nakonsensya na ako eh. Hindi ko kayang magtampo sila. "Sige na nga. Tara na sa PAU. Pero hanggang gate lang ah."

Biglang humarap ang dalawa. Sabay pa silang ngumiti. "Oo ba."

*****

"Wow! Over pala talaga sa ganda ditey sa PAU! Ang laki mama!" sabi ni Kite na parang nalulula.

"Bakit ba kasi hindi ako dito pinag-aral ni Papa? Eh nasa abroad naman sya eh." sabi naman ni Patty na tulad kay Kite din ang reaksyon.

"Alam mo naman siguro ang sagot diba? Alam mo ba kung magkano ang tuition fee dito?" sabi ko.

Nakatingala pa rin sya sa matataas na buildings. "Hindi. At wala akong balak na alamin dahil baka ikasira pa ng ulo ko."

"Okay. Sabi mo eh." Napakibit-balikat nalang ako.

Nandito na kami ngayon sa loob ng PAU. Oo. Sa loob ng campus. Hindi natupad ang kasunduan naming hanggang gate lang sila dahil nagpumilit talaga sila. Pumayag na rin ako kasi wala naman talagang problema kung magtour sila kahit saglit lang eh.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon