10 - Nova Café

17.4K 507 30
                                    

"Ikaw pwede ngayon pasok dito. Ako tawag ikaw pag ito Café kulang tao. Pero ikaw trabaho mabuti. Pag ikaw mabait at magaling, ikaw gawin ko regular pag pwesto meron bakante. Ikaw ba kuha sabi ko?" sabi ni Mr. Chong Go, ang chinese na may ari ng Nova Café na papasukan ko bilang part time job.

"Opo. Naiintindihan ko po. Marami pong salamat Mr. Chong Go." sagot ko. Pagkatapos nun ay isinama ako ni Xy papunta sa isang kwarto para daw makapagpalit na ako ng uniform dito sa café. Ngayon na rin kasi ako magsisimula. Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming dumiretso rito.

"Narinig mo naman siguro si Mr. Chong Go. Pagbutihin mo lang dahil pag nagkaroon ng bakanteng pwesto, baka pwede ka ng maregular dito." sabi ni Xy na nagpapalit ng uniform nya.

"Sana nga eh. Malaking tulong talaga to sakin." sagot ko naman. Sumilip ako sa pintuan. "Totoo ngang maraming PAUnians dito. Siguro dahil masarap ang kape noh?"

"Hindi lang yun." sagot nya. "Entertainment café din to. Inaabangan kasi nila ang performance ng mga singers gabi-gabi."

Tumango-tango nalang ako. Kaya pala. May mga kumakanta pala dito.

"Tama na nga ang satsat. Tara na." aya nya. Nauna syang lumabas sa kwarto at sumunod na din ako.

Paglabas namin ng kwarto, naghiwalay na kami ni Xy. Pumunta ako sa table ng customer at kinuha ang kanilang order. Tinuruan na rin naman ako ni Xy ng mga dapat gawin kaya alam ko na.

Lalo akong naging determinadong magtrabaho ng mabuti nang maalala ko ang usapan namin ng pinsan kong si Kite sa telepono kagabi nang tawagan nya ako. Sinabi nyang luluwas daw sila ng syudad ni nanay at dun sila tutuloy sa bahay nina Patty, pinsan ko rin na anak ng nakakatandang kapatid ni nanay. Sya yung dapat na kikitain ko nung linggo na hindi naman natuloy dahil nagkaroon daw ng emergency sa kanila.

Napapangiti ako kapag naaalala kong magkikita ulet kami ni nanay. Hindi pa man ganun katagal ang lumipas mula nang huli kaming magkita pero pakiramdam ko napakatagal na panahon na ang lumipas. Miss na miss ko na sya. Masaya akong magkikita na ulet kami. Pero sa tuwing maiisip ko ang dahilan kung bakit kailangan nyang pumunta rito, hindi ko maiwasang malungkot. Kaya kahit mahirap, kelangan ko pa ring magpakatatag.

"Iced choco latte and cappuccino." inilapag ko sa table ng customer ang order nila.

"Thank you." sabi nung babae. Matapos yun ay inabutan nya ako ng tip. Ayos pala dito. Sabi kasi ni Xy uso daw dito ang nagbibigay ng tip. Whoo. Ang swerte ko naman.

Nagpasalamat ako at saka sila tinalikuran para asikasuhin naman ang ibang customers.

"Witwiw!"

Napalingon ako sa sumipol. Madali ko namang nakita ang table ng pinanggalingan ng sipol na yun dahil nagtaas ng kamay ang isa sa limang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sinu-sino ang nasa table na yun. Alam kong hindi na ako dapat pang magtaka pero nagulat pa rin talaga ako nang makita ang GALAXY. Hallelujah. Kahit siguro magpunta ako sa butas ng karayom ay makikita ko pa rin tong mga to eh.

Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang hawak kong tray saka sumilip mula rito at nilibot ang tingin ko. Pero sa kamalas-malasan ko, busy lahat ng waitress. Mukhang wala na akong choice dahil bukod sa ako nalang ang walang ginagawa, sakin pa talaga nakatingin si Kei na sigurado akong siyang sumipol kanina.

Hindi nila alam na may part time job ako. Kahit kay Shan hindi ko sinabi. Wala naman kasing sense kung sasabihin ko pa sa kanila eh.

Teka, naisip ko lang. Bakit nga naman ako magtatago sa kanila? Eh ano naman kung makita nila ako dito sa cafe diba? Eh ano naman kung nagtatrabaho ako? As if naman may pakialam sila. Hay naku, baliw ka talaga Samantha.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon