17 - Her Reason

17K 510 96
                                    


Gulat na gulat si Hiro nang lumuhod ako sa harapan nya habang humahagulgol. Base sa nakikita ko, mukhang hindi nya alam kung anong gagawin nya. Nasa mukha nya ang guilt at pagkalito sa nangyayari. Umatras sya pero umabante din naman agad. Hindi nya rin alam kung itatayo ako, hahawakan, pakakalmahin, o ano. Alam kong hindi sya ang tamang tao na dapat lapitan sa nga pagkakataong to. Pero wala na akong choice. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong kaawa-awa sa harapan nya. Ang mahalaga lang sakin ngayon ay ang matulungan nya ako.

"H-Hiro please..." pakiusap ko sa kanya sa kabila ng paghagulgol.

"A-Ano bang p-problema mo? T-Tumayo ka nga dyan!" Hinawakan nya ang magkabila kong balikat para itayo ako pero ikinagulat nya lalo ang pagyakap ko sa tuhod nya.

"Tulungan mo ko..." Itinago ko ang mukha ko sa tuhod nya para mapigilan ang malakas na tunog ng pag-iyak ko.

Itinayo nya ako at inalog-alog ang balikat ko. Nanatili naman akong nakayuko habang nakatakip ang dalawa kong palad sa mukha ko.

"What's wrong? Tell me." seryoso nyang sabi habang nakahawak sa balikat ko.

Nag-angat ako ng tingin at pilit na pinigilan ang pag-iyak. Pero sa ginawa kong yun ay lalo lang sumikip ang dibdib ko. "Parang awa mo na. Tulungan mo ko..."

*****

Walang ibang maririnig sa loob ng kotse ni Hiro kundi ang paghikbi ko. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko para pigilan ito pero hindi ko pa rin maiwasan ang pagtakas ng ilang mga hikbi dulot ng pag-iyak ko.

"Oh." Hinagis nya sakin ang isang panyo. Kinuha ko naman ito at saka pinunasan ang mukha ko. Sinulyapan ko sya. Diretso lang syang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. "Sabihin mo nga sakin, ano ba talagang problema mo ha?"

Napayuko nalang ako at mahigpit na hinawakan ang panyo. Sobrang kaawa-awa ko na sigurong tingnan kanina kaya pati si Hiro na kinamumuhian ako ay nagawang pagbigyan ang pakiusap ko na ihatid ako.

"P-Pasensya ka na." ang tanging nasambit ko. Naiiling lang sya at hindi na rin naman ako tinanong pa. Muling nabalot ng katahimikan ang kotse. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay makakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan ng katahimikan naming dalawa. Pero dahil sa may bumabagabag sa kalooban ko, nahulog na ako sa malalim na pag-iisip hanggang sa hindi ko na namalayang huminto na pala kami sa destinasyon namin.

Nang matanaw ko ang ospital ay agad kong inayos ang sarili ko. Pinunasan ko ang luha ko at tumikhim para masiguradong maayos ang boses ko. Tumingin ako kay Hiro at pilit na ngumiti. "H-Halata bang umiyak ako?"

Kumunot ang noo nya at binigyan ako tingin na parang nagsasabing 'matapos mong humagulgol ay tatanungin mo ko kung halata bang umiyak ka?' Binigyan ko nalang sya ng matipid na ngiti at saka lumabas sa kotse. Nagmadali naman akong tumakbo papasok sa loob. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay lalo namang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Nagbabadya na namang umagos ang mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilan.

"Ano ba talagang nangyayari ha?" Nasa likod ko pala si Hiro at tumatakbo din kagaya ko. Pero hindi ko sya sinagot. Wala akong panahon para magpaliwanag ngayon. Dumiretso ako sa reception area at nagtanong.

"Room 304 po." sabi ng receptionist.

Dumiretso naman agad ako sa sinabi nyang room number. Hagdan nalang ang ginamit ko sa halip na elevator. Nanatili namang nakasunod si Hiro. Alam kong naguguluhan sya kung bakit kami nandito pero nanatili nalang syang tahimik. Singbilis ng hangin ang pagtakbo ko. Ewan ko ba pero hindi ako nakakaramdam ng pagod sa mga sandaling ito.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon