03 - Dorm 143

21.2K 556 39
                                    

CHAPTER 03

*Dorm 143*

"IKAW?!" hindi na maipinta ang mukha ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yung nakakatakot na lalaking nagtapon ng bag ko sa lake!

"T-teka Sam, a-anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Shan.

"Siya! Siya yung muntik nang bumangga sa kin kanina. Siya yung nagtapon ng bag ko sa lake!" tinuro ko naman yung bag kong nasa isang tabi. "At ang tatlong yan," tinuro ko naman yung tatlong lalaki. "sila yung mga kasama nya. Tama! Sila nga."

Gusot ang mukha kong binalingan si Shan. "Kaibigan? Pano mo sila naging kaibigan eh ang sama ng mga ugali nyan?"

"Oi oi. Teka nga lang. Wag mo naman lahatin." biglang nagreact yung blonde ang buhok na nakatali ang bangs.

Hindi ko na sya sinagot dahil natuon ang atensyon ko sa mukhang bungong yun. Dahan-dahan syang tumayo at nagsimulang humakbang papunta sa direksyon ko. Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng pantalon. Bakas ang coldness sa mukha nya. Walang ngiti at tumatagos sa likuran ko ang nakakatakot nyang tingin.

Nakakainis ang itsura nya. Naiirita ako sa kanya. Ah hindi. Nagagalit ako sa kanya. Ang sama-sama ng ugali nya. Gusto ko syang gawing punching bag. Gusto ko syang ilagay sa gilingan ng arina para madurog ng pinung-pino. Gusto ko syang itali ng mahigpit sa poste at don sisimulang bunutin isa-isa yung kilay at pilik-mata nya! Tapos dukutin yung mata nya gamit ang tiyani! At bunutin isa-isa yung ngipin nya gamit ang plais! At tuhugin sya na parang litson at ihawin sa napakainit na baga at kapag tustado na ay tatadtarin gamit ang palakol!

"So, ikaw pala yung PG."

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig syang magsalita. Malaki ang distansya namin sa isa't isa dahil hindi naman sya tuluyang lumapit.

Pero teka, ano daw? PG? Ako? Patay-gutom?

"Anong sabi mo? Sinong PG ha?" pinandilatan ko sya.

"Finally, nagkakilala rin tayo. You're worse than I expected...Province Girl." saad nya na bahagyang nakangisi. "Nakakadiri ka!"

Rumagasa lalo ang daloy ng dugo ko. Nanggagalaiti ako. "Nakakairita ka talagang bungo ka!"

"What?!" nagsimula na namang maningkit ang mga mata nya.

"BINGI KA BA?!"

Napangisi sya at pagkatapos ay naging seryoso ang mukha. "Ang mga PG na katulad mo ay tatanga-tanga. Hindi ka nababagay rito. Ba't di ka nalang bumalik sa bundok at magbunot ng damo, magbungkal ng lupa o kaya ay alagaan ang best friend nyong baboy?"

"Aba't talagang..." tatanggalin ko na sana ang isa kong sapatos para pa-landing-in sa mukha nya kaya lang inawat ako ni Shan.

"Mukhang hindi maganda ang first meeting nyo ah. Mabuti pang itigil nyo na yan." saad nya habang kinukuha yung sapatos sa kamay ko.

"HUWWAAAAAA."

Nabaling ang atensyon naming lahat sa lalaking humikab, yung lalaking nagbabasa ng libro. Nag-inat-inat pa sya na parang bored.

"Tsk. Ang iingay nyo! Hindi ako makapagfocus! Pwede bang umalis nga kayo rito!" reklamo nya. Nilapag nya ang hawak nyang libro at saka nagsimulang magsuot ng damit.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Shan at basta nalang tinakpan ng palad nya ang mga mata ko.

"Teka Shan! Bakit ba? Tanggalin mo nga yang kamay mo. Wala akong makita. Ano ba?" pinilit kong alisin yung kamay nya pero mas lalo nya lang itong hinigpitan. Nasa likod ko sya at ako naman ay nakasandal sa dibdib nya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon