Prologue

46.8K 1K 73
                                    

Author's Note:

Binago ko na yung prologue para masaya. Nakokornihan kasi ako sa dati kong gawa eh. Parang di pinag-isipan. Hahaha.

*****

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ah, ako? Gumagawa ng sketch."

"Sino naman 'yang ini-sketch mo?"

"Sila."

"Sinong sila?"

"Ang GALAXY. Ay teka. Hindi iyon 'yong sa outer space, ah. Mga tao sila kahit minsan hindi halata."

"Haha! Syempre naman kilala ko sila. Hmm. They're good-looking. Ipakilala mo naman sila sa amin on your own."

"Sige ba. Sisumulan ko na ah."

"Sure. Go on."

"Itong may eyeglasses at seryoso ang mukha habang may hawak na libro ay si Kian Barameda. Siya ang henyo ng grupo. Mataas ang IQ. Sa kilos at pananalita niya palang ay makikita mo na kung anong klaseng tao siya. Pero kahit suplado ay marami pa ring humahanga sa kanya. Ang cool niya raw kasi."

"Ito namang nakatali ang bangs at nakapeace sign ay si Reynaldo Santiago. Pero Rain ang tawag namin sa kanya kasi tumatambling yan ng pabaliktad kapag tinawag sa buo niyang pangalan. At saka mas bagay rin sa kanya ang Rain kasi ang cute cute niya. Medyo childish nga lang at madalas may pagkaweirdo. Mahilig siya sa polka dots!"

"Itong nakapogi sign naman ay si Keilan Francisco o mas kilala bilang Kei. Berde ang utak niyan at napakadaming babae! Ewan ko ba kung bakit ang daming pumapatol dyan. Ah, siguro dahil sa charm niya at sa galing magpaikot ng tao. Dangerous ang taong ito kaya dapat layuan."

"Ito namang lalaking napakasweet ngumiti ay si Shan Fernandez. Kung gaano kasweet ang ngiti niya, mas lalo naman ang ugali niya. Gentleman, mabait, mapagpasensya, maunawain, gwapo—lahat na! Almost perfect na nga siya sabi ng iba, eh."

"The last and the least, si Hiro de Leon! Nakikita niyo yang expression ng mukha niya? Nakakatakot diba? Pati iyong mata niya! Akala mo susunugin ka, eh. Parang leon! Kung ano iyong first impression mo pag nakita mo siya, ganoon na ganoon ang ugali niya. Ang sungit-sungit. Kampon yata ito ng kadiliman, eh."

"Oh, I see—Teka. Ano yung nasa likuran mo? Parang apoy!"

Agad akong lumingon sa likuran ko. Ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nagliliyab na ang paligid ng rice cooker. Tiniklop ko ang laptop kung saan kausap ko ang isang journalist ng school paper dito. Dahil doon hindi ko tuloy nabantayan ang sinasaing ko.

Pero napaisip ako. Wala naman siguro akong dapat gawin diba? Tama. Tama. Kaya naman tinitigan ko lang yung rice cooker na nag-aapoy na ang paligid.

"WAAAAAAAAAAAAHHHHH! SUNOG!!!"

Nagulat ako sa biglang sumigaw na sinundan pa ng mga yabag na parang mga kabayo. At nang tingnan ko ay nakita ko ang limang lalaki rito sa kusina na nanlalaki ang mga mata.

Magsasalita na sana ako para itanong kung anong problema nila pero bigla nalang may nagbukas ng hose na nakakonekta sa cr para apulain ang apoy sa rice cooker. Eh nagkataong nasa likuran ko yun. Kaya ang nangyari, ako muna ang unang tinamaan ng tubig bago ang apoy!

"WAAAAAAAHHH! ANO BA! ITIGIL MO YAN! BASANG-BASA NA AKO! ANO BA!" reklamo ko. Pinatay lang ni Kian ang tubig nang maapula na ang apoy. Mukha naman akong basang sisiw doon sa gitna.

"WHAT THE FUCK DID YOU DO?!" singhal sa akin ni Hiro.

"Baka nagshoshower lang ako dito sa kusina? Anong klaseng tanong yan? Hallelujah. Eh nakita mo namang binasa ako niyang si Kian, eh." sarkastikong sagot ko.

"Stupid! Ang ibig kong sabihin, anong ginawa mo sa rice cooker?!"

"Huh? Nagsasaing?" patanong kong sagot. Eh kasi naman ang abnormal ng tanong niya, eh. Para saan ba ang rice cooker diba? Hindi naman pwedeng para sa mga damit.

"NAGSASAING?! ANONG KLASENG PAGSASAING ANG GINAWA MO?!" Ano ba naman yan! Bakit ba wagas siya kung makasigaw?

"Eh kasi naman ang pangit ng lutuan niyo rito eh. Wala man lang kayong uling! Hinalughog ko na itong dorm para maghanap ng panggatong pero gas lang ang natagpuan ko. Kaya ayun binuhusan ko ng gas yung loob ng rice cooker para makapagsaing," confident kong sagot. Binato niya ako bigla ng galon ng water dispenser. Dinaplisan lang ako sa tenga dahil kahit papaano ay nakailag ako.

"GET LOST, PROVINCE GIRL!"

Aba makaasta 'to ah! Ako na nga itong binato niya eh! Kinuha ko nga yung termos at pinalipad papunta sa kanya na tila ba isang missile. Hah! Tinamaan siya sa balikat. Buti nga! At buti na rin walang laman yun.

Umusok ang ilong niya. Pagalit niyang dinampot iyong cactus sa ibabaw ng ref at saka binato sa akin.

Nakailag naman sana ako pero nadaplisan pa rin ako sa braso. Gumuhit ang dugo na nilikha ng tinik nito. Sa sobrang inis ko ay nawala na rin ako sa tamang pag-iisip. Binuhat ko ang isang palangganang punung-puno ng munggo at saka sinaboy sa kanya. "Advanced Merry Christmas and A Happy New Year! Free confetti!"

At dahil magkakasama silang lima, edi damay-damay na. Parang umulan ng munggo sa kusina. Agad naman akong tumakbo palabas doon at dumiretso sa kwarto ko.

Paglabas ko ay dala-dala ko ang isang bag na bayong na punung-puno ng damit. Papalabas na sana ako pero nahinto ako nang madatnan ko sila sa sala.

"Sam, aalis ka na?" nag-aalalang tanong ni Shan.

"‘Wag mo na ngang pigilan 'yan," ani Hiro. "Go! You better get lost!"

Siniringan ko si Hiro at nginitian naman ang apat na mukhang tinatanong kung aalis ba ako. "Hindi ako aalis, 'no. At kahit kailan hindi ko gagawin iyon."

"Eh bakit dala mo 'yang mga damit mo?" tanong naman ni Kei.

"Kapag dala ang damit maglalayas agad? Hindi ba pwedeng maglalaba lang? Pupunta muna ako sa laundry area. Tambak na yung labahan ko, eh." sagot ko. Napansin kong malapit na namang magtransform si Hiro bilang hari ng kadiliman kaya tumakbo na agad ako palabas.

Huminto ako nang nasa labas na ako ng dorm. Tiningnan ko ang pinto kung saan nakasulat ang dorm number.

Dorm 143, sambit ng isip ko. Napabuntong-hininga ako. Isa lamang ito sa karanasan ko sa loob ng dorm na kasama ang limang lalaking iyon. Disaster. Paano pa kaya ang isang araw, isang linggo, isang buwan, isang taon, o higit pa? Kayanin ko kaya?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon