11 - Raining Bills

15.8K 474 15
                                    

Marahan akong naglalakad. Lumulubog na ang araw kaya maya-maya lang ay magdidilim na rin ang paligid.

Katatapos lang ng klase namin. Papunta na kami ni Xy sa Nova Café. Tinawagan kasi ako ni Mr. Chong Go na kailangan daw nila ng tao sa café ngayon. Laking pasasalamat ko naman kasi may pagkakakitaan ako ngayong araw. Sana nga maregular nalang ako eh.

Sobrang ingat ng paghakbang ko. Nakatingin ako sa likod ni Xy na nasa harapan ko naman. Hangga't maaari ay ayokong lumapit sa kanya. Natatakot kasi ako na baka may magawa o masabi akong hindi nya gusto. Baka matulad ako kay Rain. Nakita ko pa naman kung gaano natakot si Rain sa kanya.

Huminto sya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Pinagmasdan ko lang sya habang nakatalikod sa akin. May kinuha sya sa bulsa ng backpack nya na nakasabit sa kanang balikat nya. Inilabas nya ang isang stick ng sigarilyo at lighter saka ito sinindihan at sinimulang hithitin. Nagpalabas sya ng usok mula rito.

Napalunok naman ako. Ewan ko ba pero sobrang takot ang nararamdaman ko sa mga oras na to habang pinagmamasdan sya. Tulad pa rin ng dati ang ayos nya--magulong buhok na natatakpan ng nakalihis pakanang sumbrero, gusot na uniform na nakataas ang sleeves hanggang siko, bukas na vest at puno ng panlalaking burloloy ang braso.

Napaatras ako nang lumingon sya sa akin.

"Ba't ba ang bagal mo? Gusto mo bang malate tayo ha?" tanong nya.

"Umm... ah..." natuyo na ata ang lalamunan ko. Natatakot talaga ako sa kanya eh.

"Psh. Bakit namumutla ka dyan?" kunot-noo nyang tanong.

Umiwas ako ng tingin. "A-Ah w-wala to."

"May sakit ka ba?"

Agad naman akong lumayo nang humakbang sya palapit sakin at akmang ilalagay ang kamay nya sa noo ko. Nagsalubong naman ang kilay nya. Nagulat siguro sya sa naging reaksyon ko.

"A-Ah...okay lang ako." nakayuko kong sabi. Naku naman. Pano kung magalit sya sakin? Pano kung bigla nalang nya akong sakalin?

Ngumiti sya ng matipid na sya namang ikinagulat ko. "Wag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan." Tapos ay tumalikod sya at nagsimulang maglakad.

Nakaramdam naman ako ng guilt. Yun bang parang nakagawa ako ng kasalanan. Para kasing nasaktan ko sya.

'Baliw ka talaga Sam. Wala namang ginagawa sayo yung tao tapos pinag-iisipan mo ng masama. Eh kung tutuusin dapat ka pang magpasalamat at magsorry dahil nadamay pa sya dun sa mga nang-away sayo eh.'

"Sandali!" tawag ko sa kanya at saka sya hinabol. Naabutan ko naman sya. "Pasensya ka na Xy."

"Naiintindihan ko kung natatakot ka sakin. Pero gusto ko lang malaman mo na kaibigan mo ko. Hindi ako papayag na magtagumpay yung mga malalanding babaeng yun." muli syang humithit ng sigarilyo.

Napangiti naman ako. "Salamat. Kung ganun, magkaibigan na tayo?"

"Isumbong mo lang sakin kung merong nambubully sayo. Reresbakan natin agad." sabi nya at sinuntok pa ang palad ng kanyang kabilang kamao.

*****

PATUNGO sa practice room ang GALAXY. Kagagaling lang nila sa Nova Café at ngayon ay mag-eensayo na para sa nalalapit na kumpetisyon sa PAU.

"Mukhang seryoso talaga si Sam dun sa part-time job nya ah." wika ni Kei.

"Oo nga. Panu nya natitiis na makisama sa gangster na yun? Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo Shan. Hindi ka ba nag-aalala na baka bigla nalang syang bugbugin ng gangster na yun?" wika ni Rain na may halong pag-aalala ang boses. Kahit na papaano ay kaibigan na rin naman ang turing nya kay Sam at nag-aalala sya sa paglapit nito sa tinaguriang 'Gangster' ng kanilang unibersidad na si Xyra. Kilala kasi ito bilang warfreak at walang pinapalampas pagdating sa pakikipag-away kahit na mga lalaki.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon