32 - The Handkerchief

11.4K 337 16
                                    


"Guys, sino ang magluluto?" tanong ni Rain habang kumakain ng chips. Nandito kaming lahat sa sala. Sila ay nanunood ng tv habang ako naman ay nasa isang tabi at gumagawa scrapbook tungkol sa mga famous paintings.

"Ako nalang." Tumayo si Shan pero pinigilan sya ng iba.

"Hindi pwede. Kalalabas mo lang sa clinic eh. Diba nga rule na natin na kelangang alagaan ang sinumang may sakit?" sabi ni Kei. Ako naman ang binalingan nya. "Ikaw nalang Sam."

"Busy ako." simple kong sagot na hindi man lang tumitingin sa kanila.

"Bukas nalang yan. Nagugutom na ako eh." reklamo ni Rain. Talaga lang ah? Nagugutom pa sya sa lagay na yan? Eh sya nga lang yung maya't maya yung kain eh.

"Hindi pwede. Kelangan ko na tong tapusin." sagot ko.

"Ako nalang." biglang tumayo si Hiro. Nahinto naman ako sa ginagawa ko at tiningnan sya. Nakalagay sa bulsa ang mga kamay nya at dumiretso sa kusina. Nagvolunteer sya? Hallelujah. Palpak ka na naman Samantha! Gawin mo na yung Tip No. 2 bago pa mahuli ang lahat.

Maingat kong inayos ang mga gamit ko. Tapos ay dahan-dahan akong gumapang papunta sa likod ng sofa para pumunta sa kusina. Dahan-dahan at naging maingat ako para hindi ako makita ng ibang boys. Baka kung ano pang isipin nila pag nakita nilang pupuntahan ko si Hiro sa kusina. Kelangan ko syang tulungan. Kelangan kong magpakitang gilas. Kelangan kong ipakita na magaling din akong magluto!

"Bakit ka nandito?" kunot-noong tanong ni Hiro nang makita akong gumagapang sa sahig. Nagulat tuloy ako kaya tumayo na ako.

"Ah eh...tutulungan na kita." masigla kong sagot.

"Tsk. Umalis ka na. Hindi ko kelangan ng tulong mo." sabi nya habang kinukuha ang mga ingredients sa cupboard. Ang sungit talaga nito.

Tinulungan ko syang kunin yung mga ingredients at binalewala nalang yung sinabi nya. "Ah basta. Gusto ko ring magluto."

"Hindi ka ba nagsasawa sa pangungulit sakin? Hindi mo ba alam na nakakairita ka na?" naniningkit ang mga mata nyang sabi. Kinuha nya ang kutsilyo at binalatan ang sibuyas. Ginaya ko naman sya. Kinuha ko rin ang sibuyas at binalatan ko ito.

"Sinabi ko naman sayong hindi ako madaling sumuko diba? Hindi ako titigil hangga't hindi mo ko napapatawad. Hindi ako titigil hangga't hindi bumabalik ang lahat sa dati." determinado kong sagot. Binilisan ko ang pagbalat ng sibuyas. Sa ngayon ay hinihiwa ko na to. Nakakaisa palang sya pero ako ay nakakaapat na!

"Sh*t!" bigla nya nalang tinusok sa karneng nasa harapan nya ang kutsilyo. Sa sobrang pagkabigla ko ay para akong naestatwa habang sinasalubong ang matalim nyang tingin. May nasabi ba akong masama?

"Ano bang ginagawa mo? May balak ka bang mag-ulam ng sibuyas? Bakit ang dami nyan?" nanggigigil nyang tanong. Dun ko lang napansin na ang dami ko na palang nahiwang sibuyas. Malalaki pa naman yun kaya pumuno na sa isang plato.

"Ay sorry. Hindi ko namalayan eh." paumanhin ko na may kasama pang peace sign. ^__^V

Napailing nalang sya. Bawang naman ngayon ang ginagawa nya. Maghihiwa rin sana ako pero pinigilan nya ako.

"Wag ka na ngang makialam sa ginagawa ko! Yan nalang sayo!" tapos ay hinagis nya sakin yung carrots. Buti nasalo ko.

Hindi ko na pinakialaman si Hiro. Nagfocus nalang ako sa paghihiwa ng carrots. Syempre nilagyan ko ng art.

"Hiro, ang cute diba?" pinakita ko sa kanya yung heart-shaped na carrots.

"Tsk. Panget." komento nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Kahit kelan hindi talaga marunong mag-appreciate ang taong to.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon