39 - Forest Adventure

11K 462 55
                                    

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!"

Natigilan ako sa pagtakbo nang makarinig ako ng sigaw sa forest. Pinakiramdaman ko muna ito ng maigi.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!"

Parang boses ni...

SI HIRO!!!


"LUMAYO KA!!!" muling umalingawngaw sa paligid ang sigaw. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Hiro nga yun! Boses nya yun!

Agad kong sinundan ang boses. Nandyan na ako Hiro! Ililigtas kita sa engkantong yan!


"WAAAAGGG! WAG KANG LALAPIT!"


Palapit na ako nang palapit sa boses. Sa bawat segundong lumipas ay dumadagdag ang kaba sa dibdib ko. Yung engkantong Mariquit na yun! Wag lang syang magkakamaling saktan si Hiro dahil baka mapatay ko sya!

Teka, patay na nga pala sya!

Ah basta! Humanda sya sakin kapag sinaktan nya si Hiro!


"HIRO! ANONG---" Natigilan ako. Hinihingal ako sa sobrang kaba at pagod.

Nakita ko na sya. Napatingin sakin si Hiro na may hawak-hawak na mahabang kahoy. Nakaposisyon sya na parang makikipagdigmaan.

Pero wala akong nakitang kalaban.

"HIRO---"Lalapitan ko na sana sya pero...

"DYAN KA LANG SAM!"

Napahinto ako. "Hiro..."

"WAG KANG LALAPIT!" sabi nya sakin na hawak pa rin ang kahoy at nakatingin sa lupa.

"A-Ano bang nangyayari?" tanong ko. Naguguluhan kasi ako. Gusto kong maintindihan kung bakit sya nagkakaganyan.

"DYAN KA LANG! SASAKTAN KA NYA PAG LUMAPIT KA!"

Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan. Tumingin ako sa kaliwa. Sa kanan. Sa likod. Sa harap. Pero wala akong ibang nakita kundi mga puno't halaman na nakapaligid sa amin at si Hiro na nasa harapan ko na mga 2 meters ang layo namin sa isa't isa.

Humakbang ako ng isa. "H-Hiro..."

"DYAN KA LANG SABI EH!"

Pero hindi ako nakinig. Sa halip ay humakbang muli ako ng isa. Sobra na akong kinakabahan dahil sa nangyayari. Nagtataasan na rin lahat ng balahibo sa katawan ko. Gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"WAG KA SABING LUMAPIT! SASAKTAN KA NYA!!!" sumigaw sya ng napakalakas na naging dahilan upang magliparan ang mga ibon at insekto sa paligid namin. Hindi na rin ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

Kitang-kita ko ang takot sa mukha nya. Pawis na pawis na rin sya. Nangangatog pa ang kamay nya habang hawak-hawak ang mahabang piraso ng kahoy. Ito ang unang beses na nakita ko syang ganito.

Magkahalong awa at takot ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Nakakakita sya ng hindi ko nakikita! May third eye si Hiro! Sya lang ang nakakakita sa engkantong si Mariquit!

Hiro! Manalig ka!

"HOY! LAYUAN MO SI HIRO!" inipon ko ang boses ko para sumigaw ng malakas. Namumutla na si Hiro. Talagang takot na takot na sya!

"HIRO!!! MANALIG KA!!!" Nagsign of the cross ako. "In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit. Amen. Our Father who art in heaven, hallowed be thy name---"

"SHUT UP! STUPID!!!" Napahinto ako sa sigaw nya. "BAKIT MO DINADASALAN YAN?!"

"H-Huh?" Nagtaka ako nang may tinuro sya sa lupa. Pero wala akong nakita! Kaya naman lalo akong kinilabutan. Sa sobrang takot ko ay nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lang sya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon