58 - Confession

13.9K 535 161
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ingay sa paligid. Sobrang lakas na halos mabingi ako. Isabay pa ang malakas na hangin na parang ipo-ipo.

Dumilat ako upang tingnan kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Ang dilim! Wala halos akong makita. Ilang beses ko din munang kinurap-kurap ang mga mata ko para makita ng maayos ang paligid.

Muli akong napapikit nang tumama sa mata ko ang malakas na hangin. Ano bang nangyayari? May bagyo ba? Bakit ang ingay?

Ipantatakip ko na sana ang kamay ko sa mata ko dahil baka mapuwing ako pero bigla akong napatigil. Anong nangyayari? Bakit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko?

Nasa likuran ang mga kamay ko kaya agad akong tumingin sa likod. At laking gulat ko nalang nang malamang nakatali pala ang mga kamay ko! Nakaupo ako sa isang silya at nakagapos patalikod ang dalawa kong kamay. Anong nangyayari? Nasaan ako?

Kahit na nahihirapan akong dumilat dahil sa malakas na hangin, pinilit ko pa ring tingnan ang paligid. Madilim talaga. At pagtingala ko, napakaraming stars ang nakita ko! At pagtingin ko naman sa harap ko, isang helicopter ang naroon!

Gulat na gulat ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Dun ko na din sinimulang ianalyze ang kinaroroonan ko. May natatanaw akong mga ilaw sa paligid. Pero mukhang malayo. Iilang ilaw lang din ang nakakabit kaya hindi malinaw sa akin ang lahat. Mukha ring mataas na lugar ang kinaroroonan ko---

Rooftop!

Muli akong luminga-linga sa paligid. Tama. Kahit madilim alam kong nasa rooftop ako. Naalala ko ang nangyari kanina. Yung bigla nalang may humarang sa akin na dalawang taong nakaitim habang paakyat ako rito sa rooftop. Sila siguro ang nagtali sakin dito. Pero bakit may helicopter?

"Mmmph!" Tulong!, yan sana ang isisigaw ko. Pero walang lumabas sa bibig ko kundi daing. Saka ko lang din nalaman na may busal sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Idagdag pa ang maingay na tunog ng helicopter.

Lalo akong kinabahan. Nagpanic na naman ako. Ano bang kelangan nila sakin?

Hiro. Biglang pumasok sa isip ko si Hiro. Nasaan na kaya sya? Pumunta rin kaya sya dito sa rooftop? Nandito rin kaya sya? Sinaktan kaya sya ng mga yun?

"Mmmmph!" usal ko ulit. Ayoko ng ganito. Natatakot ako. "Mmmph---"

Natigil ako nang makakita ako ng isang pares ng paa na huminto sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko mula paa nya hanggang sa ulo. Nakaitim sya na leather jacket at nakasuot ng bonnet na sakop pati buo nyang mukha. Mukha syang holdaper o kaya kidnapper na napapanood ko sa mga palabas. Ganyan na ganyan. Kung maliwanag lang sana may possibility na marecognize ko ang mukha nya. Pero dahil madilim at hindi ako makadilat ng maayos dahil sa lakas ng hangin, hindi ko sya makita.

"Mmmph!" Pinilit kong makawala pero mahigpit talaga ang tali. Nakatingin ako sa kanya at nakikiusap na pakawalan ako. Naiiyak na rin ako dahil sa takot pero pinipilit kong maging matatag. Kung anu-ano na rin ang pumapasok sa utak ko. Nakakatakot.

Sumenyas ang taong nasa harapan ko habang nakatingin doon sa bandang likuran ko. Parang may kausap sya. Tapos maya-maya ay bigla nalang sumulpot ang isa pang kagaya nya na nakasuot din ng itim at may takip ang mukha. Mata lang ang nakikita sa kanila. Tama nga ako. Sila nga yung dalawa kanina.

Kinalagan ng isa ang tali sa kamay ko. Pero hindi ako nakakuha ng tyempo para tumakbo dahil nakaabang silang pareho sa akin. Bantay-sarado ako. Nang matanggal na ang tali sa kamay ko ay pinatayo ako ng isa at inakay na lumakad. Ayoko sana syang sundin pero wala akong magawa. Baka patayin nila ako dito mismo kapag gumawa ako ng hindi nila gusto.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon