02 - Second Time is Worse

23.5K 626 51
                                    

After 123456789 years ng pagsisikap, nakuha ko rin ang bag ko. Kinailangan ko pa talagang maghanap ng panungkit para maiahon yun. 

Nakuha ko nga kaya lang basang-basa naman. Kasalanan to nung bungong yun eh! First time ko makaencounter ng taong ganun. Pano ba nabubuo sa mundo ang mga ganung klase ng tao? 

Hinding-hindi ko makakalimutan yung nangyari kanina. Oras na muli kaming magkita, ipapakita ko sa kanya kung paano maghiganti ang isang probinsyana! Humanda sya!!! Pagsisisihan nya ang ginawa nya sa akin!

Anyway, nasaan na ba ang dorm? Kelangan ko ng maayos ang gamit ko. Gusto ko na ring magpahinga muna dahil pagod na pagod na ako.

Ang laki kasi ng campus. Ang daming buildings. Hindi ko alam kung nasaan ba yung dorm. Nakasama kasi dun sa bag kong tinapon sa lake yung mapa ng buong university. Yan tuloy, nalusaw. Hmm. Makapagtanong na nga lang.

"Umm, excuse me...May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung nasaan yung dorm?" tanong ko dun sa tatlong babae.

Tiningnan nila ako mula dandruff sa ulo hanggang ingrown sa paa. Sabay-sabay pa silang nag-cross arms at tumaas ang kilay.

"How dare you ask us?! Mukha ba kaming customer service?" sabi nung nasa gitnang babae. "If I know, we're the muses here! So if you don't want your life to be miserable, then, you better vanish!" tinuro nya pa yung gate ng PAU.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nilayuan ko nalang yung tatlong yun. Sungit! Ang dami pang sinabi. Pwede namang simpleng 'hindi' lang diba? Pa-english-english pa! Sa iba na nga lang ako magtatanong.

Lumapit ako sa isang lalaking nagbabasa na nakaupo sa isa sa mga benches dun.

"Umm... excuse me." sinubukan ko munang kunin ang atensyon nya pero sa kasamaang-palad,  hindi nya ako pinansin. Nakatuon lang sya dun sa binabasa nya.

"Excuse me. May itatanong lang ako."

Pero hindi nya pa rin ako pinansin.

"Itatanong ko---" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla nalang syang tumayo at naglakad palayo. Bastos! Kinakausap pa eh!

Naghanap nalang ako ng ibang mapagtatanungan. Ah! Dun sa babae. Mukhang mabait naman yun.

"Umm. Excuse me. Pwede bang magtanong?" 

Pero sa halip na sumagot ay tiningnan nya lang ako ng nakakunot ang noo.

"Umm, alam mo ba kung nasaang building yung dorm?" tanong ko.

Tumango-tango sya. Oh! Buti nalang at may pumansin sa akin.

"I gireul ttara ttokpparo gamyeon oreunjjoge isseoyo."

Loading...

Loading...

Loading...

EEEENNGGKKK

ERROR.

Napakunot naman ang noo ko. Ano daw?

"H-Ha?"

"Oh. Mianhe." bigla nalang syang nagbow sa harap ko. At saka umalis.

Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Wala ba akong makakausap ng matino? Akala ko ba maganda ang university na ito? Pero bakit daig pa nito ang school ng mga special children? Hallelujah!

Nasan ba kasi si Shan? Sabi nya sya ang magga-guide sa kin dito? Pero bakit hanggang ngayon hindi pa sya tumatawag?

RIIIIIINNNNGGGGG!!!

May tumatawag. Nilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung sino. Speaking of Shan...

"Hello Shan! Ba't ngayon ka lang tumawag?"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon