19 - Sumpa

19.1K 875 257
                                    

Unti-unting bumukas ang mga mata ko. Kisame na naman ang bumungad sa akin. Maliwanag ang paligid. Ilang saglit akong nakatitig sa itaas habang hinihintay na gumana ang utak ko. Nagising lang ang diwa ko nang may biglang sumagi sa isip ko. Elevator.

Naalala ko ang lahat. Nawalan ng power ang elevator. Na-trapped kami ni Hiro sa loob. Nakaramdam ako ng panghihina. Inalagaan nya ako habang nasa loob kami. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang lahat.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Maayos naman ang pakiramdam ko. Hindi ako nahihilo. Nilibot ko ang paningin ko habang nakahiga pa ako sa malambot na higaan at natatakpan ng kumot ang kalahati ng katawan ko. Maliwanag at kulay puti ang paligid. Malayong-malayo sa madilim na elevator. Napangiti ako. Tama. Panaginip lang ang lahat. Sinasabi ko na nga ba eh. Imposible talagang mangyari ang ganun. Buti naman at hindi totoo ang lahat ng yun dahil pag nagkataon, baka mabaliw pa ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng lahat kapag kinuwento ko sa kanila ang panaginip kong yun? Haha. Siguradong pagtatawanan nila ako. Kahit ako natatawa kapag naiisip ko yun eh. Kakalimutan ko na nga lang ang lahat. May mga panaginip talaga na hindi natin inaasahan.

"Sam! Buti gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Bigla nalang sumulpot si Shan sa harap ko. Bigla nalang akong napaupo dahil sa pagkagulat sa kanya.

"S-Shan? A-Anong ginagawa mo dito? P-Pano ka nakapasok?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Ang alam ko kasi ay nilolock ko ang pinto ng kwarto ko kapag natutulog ako eh. At saka, bakit ganyan ang mukha nya? Bakit mukha syang nag-aalala?

"Bukas naman lagi tong clinic kaya ako nakapasok eh. At saka nandito ako para alagan ka." sagot nya.

"Clinic?" Nilibot ko ang paningin ko. Nasa clinic nga ako.

"Oo. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?"

Biglang bumukas ang pintuan kaya pareho kaming napatingin ni Shan. Pumasok sina Kei, Rain, at Kian na may kanya-kanyang dala. Hawak ni Kei ang isang napakalaking pink na teddy bear. Kay Rain naman ay napakaraming balloons na iba-iba yung shape tapos may nakasulat na 'Get Well Soon'. Dala naman ni Kian yung isang basket ng prutas.

"Oi Sam! Gising ka na pala." agad na lumapit sa kin si Rain. Itinali nya yung dala nyang balloons sa headboard ng kama.

"Nagiging suki ka na dito sa clinic ah." sabi naman ni Kei at binigay sa kin yung dala nyang teddy bear. Mukhang mas malaki pa sakin to eh. Pero ang cute.

"Para san naman to?" tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang malambot na pisngi ng teddy bear.

"Para gumaling ka agad. Nakakatawa kasi ang itsura ni Shan kapag nag-aalala sya sayo eh. Haha."

"Kung magsalita ka parang hindi ko naririnig ah." Tiningnan ni Shan ng masama si Kei.

Nilapag ni Kian ang dala nyang basket ng prutas sa mesa na katabi ng kama. Kumuha sya ng ubas at saka nilagay ito sa platito at binigay sa akin. "Kainin mo. Makabubuti yan sayo."

Kinuha ko naman ito. "Salamat."

"Sam, usog ka konti. Tabi tayo." Biglang umakyat si Rain sa kama at tumabi sa kin. Umusog nalang ako para makahiga rin sya. Pareho naman kaming slim kaya kahit papano ay nagkasya naman kaming dalawa. Habang nakahiga ay magka-share kaming kumakain nung ubas. Yung tatlo naman ay nakatayo lang sa tabi ng kama kaya ang sama ng tingin sa kanya.

"Mmm...Ang sarap pala ng buhay dito sa clinic. Sana magkasakit din ako." sabi ni Rain habang ninanamnam ang ubas. Natatawa nalang ako sa itsura nya eh.

"Asa ka dude. Pag nagkasakit ka, hindi ka namin dadalawin." pang-aasar ni Kei.

"Hoy Rain! Umalis ka nga dyan. Si Sam lang ang dapat na nahihiga dyan! Alis!" Hinila ni Shan si Rain paalis pero nagmatigas sya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon