67 - The Face behind that Eyeglasses

10K 392 54
                                    

Una sa lahat, salamat po sa mga nagbabasa. Pangalawa, kung nacoconfused, try niyo pong ianalyze ang mga pangyayari. Malay niyo mabuo niyo ang puzzle at maunahan niyo pa ako bago ko ihain sa inyo. ;) Pangatlo, nagbago na ang username ko. Haha. Sa mga may pakialam, @MirahPatricia na ho. (dating @mirahpat) Salamat sa mga nagfofollow at nagmemessage. :) Pang-apat, oops! Dejk. Basa na. XD

*****

"Kian?" sambit ko nang siya nga ang tumutok ng baril sa sentido ko. Kaba, takot, at pagkabigla ang naramdaman ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Ang dulo ng baril na kanina ay nasa sentido ko, ngayon ay dumadausdos na papunta sa noo ko nang harapin ko siya. "K-Kian? I-Ikaw si Kuya Xander? Ikaw ang kuya ko?"

Nanginig bigla ang boses ko, isang senyales ng nalalapit na pagbagsak ng luha ko dahil sa halo-halong emosyon.

"T-Teka. Ano to? Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ni Shan. Lalapit na sana siya sa amin pero dalawang lalaki ang agad na pumigil sa kanya. "Bitiwan niyo nga ako! Ano ba!" Nagpupumiglas siya pero mas lalo lang siyang hinawakan ng mga lalaki.

"Anong palabas to ha?!" sigaw ni Hiro na nanginginig na sa galit. Mariing nakakuyom ang mga kamao niya at nang tangkain niyang sugurin si Kian ay agad din siyang napigilan ng mga nakablacksuit. "The hell! Get off me! Fvck!"

Sumenyas si Xyra. Agad na hinawakan ng mga lalaki sina Kei ay Rain. Walang nagawa ang pagpupumiglas nila dahil sa malaking bilang ng mga ito.

Napapikit ako ng mariin habang pilit na pinapasok sa utak ko ang mga nangyayari. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ito pero nang buksan ko muli ang mga mata ko, isang Kian Barameda pa rin na may hawak na baril na nakatutok sa noo ko ang nakita ko.

Umiling-iling ako habang nakatingin sa mga mata niyang natatakpan ng eyeglasses. "Hindi. Hindi totoo 'to. Hindi pwedeng maging ikaw ang kuya ko dahil hindi niya kelanman gagawin 'to. Hindi niya ako sasaktan."

Ngumisi siya, na nagpataas ng balahibo ko. Bumaba sa bridge ng ilong ko ang dulo ng baril, pababa sa labi ko, papunta sa baba ko. Halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot. Lalo pa nung bumaba pa ito at huminto sa dibdib ko, kung saan nakatapat ang puso ko. "Talaga? Hindi naman kita pinipilit na maniwala e. Pero para lang malaman mo, patay na yata ang Kuya Xander na tinutukoy mo. Dahil ibang Alexander Ortega na ang nabubuhay ngayon sa mundo."

Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi ko. Tatlong tao ang nakikita ko sa lalaking kaharap ko ngayon---si Kuya Xander, si Kian, at isang nakakatakot na lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung sino sa tatlong yun ang paniniwalaan ko.

"Hoy Kian! Ano bang nangyayari sayo?!" Naagaw ang atensyon namin ng sigaw ni Rain. Pilit siyang kumakawala sa mga lalaking nakawak sa kanya pero hindi sapat ang lakas niya.

Binaba ni Kian ang baril na nakatutok sa dibdib ko. Sinuklay niya pataas ang buhok niya gamit ang mga daliri sa kamay. Bigla nalang niya akong nilagpasan. Umakyat siya pataas ng hagdan at iniwan kaming lahat doon na wala man lang kahit anong salitang binitiwan.

"Ikulong yang mga yan." utos ni Xy sa mga tauhan niya habang pumapanhik si Kian. Sumunod naman ang mga ito. Dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko. Gustuhin ko mang kumawala alam kong imposible rin. Magsasayang lang ako ng pagod.

"Don't you fvcking touch her!" Nagwawala si Hiro sa mga kamay ng nakahawak sa kanya. Pero kagaya ko wala rinsiyang---silang---magawa kundi ang hayaan nalang na hatakin nila kami paakyat sa hagdanan. Nakarating kami sa third floor. Magara ang daan maging ang hallway na may iilang pintuan sa magkabilang gilid.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon