27 - The Man

12.3K 402 71
                                    

"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko kay Kite. 

"Waley na. Itech lang naman ang nasa listahan diba Patty?" sagot nya at saka tumingin kay Patty.

"Oo. Yan na lahat yun. Tara na sa counter." sagot naman ni Patty. Pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili ni Kite. Nandito kami sa National Bookstore kasi gaya nga ng sabi ko kay sasamahan ko sila.

Matapos mabayaran ang mga items ay lumabas na kami. Naglibot-libot muna kami saglit sa loob ng mall. At nang mapagod na kami at wala na kaming magawa ay nagpasya na kaming umuwi. Doon kami dumaan sa may parking lot para short cut.

"Uy Sam! Kelan mo ba kami papapuntahin sa PAU?" tanong ni Kite habang naglalakad. Yan na naman sya. Lagi nalang akong kinukulit nyan na gusto nya daw makita ang Polaris Arts University.

"Hay naku bakla! Asa ka pa dyan kay Sam." sabi naman ni Patty.

"Kahit hanggang gate man lang sana." nagparinig na naman si Kite.

"Oo nga. Pero mas masaya kung sa loob ng campus na." dagdag ni Patty. Ang dalawang to talaga.

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang sinabi dahil isang senaryo ang nakaagaw sa atensyon ko. Napahinto ako sa paglalakad samantalang yung dalawa naman ay patuloy lang sa paglalakad at kung anu-ano ang pinagsasabi. Hindi rin nila napansin ang paghinto ko dahil siguro sa kakadaldal nila.

Mayroong dalawang lalaki akong nakita. Nakasuot sila ng itim na leather jacket at humihithit ng sigarilyo. Sinundan ng mga mata ko ang napakatalim nilang tingin sa isang lalaking nasa early 40 siguro ang edad. Base sa pananamit nito, mahahalata mong isa syang mayamang tao. Nakaformal attire pa sya at may dalang supot na may tatak na National Bookstore. Naglalakad sya mag-isa papunta siguro sa kotse nya. Mukhang wala syang kamalay-malay sa dalawang pares ng mga matang matalim na nakatingin sa kanya. Sino ba tong dalawang to? Alam kong may masama silang binabalak dun sa mukhang businessman. Hindi kaya magnanakaw sila? Kidnappers? Holdaper? Murderer?

Pinagmasdan ko lang sila. Wala akong ibang taong nakikita sa mga sandaling ito maliban sa amin. Mukhang hindi naman nila ako napapansin dahil nakatago ako sa likod ng isang van habang sumisilip sa kanila. Ano kayang balak nila? Naku naman Sam! Gumagana na naman ang pagiging pakialamera mo.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at marahang tumango sa isa't isa. Mukhang nagkaintindihan naman sila. Tinapon nila ang sigarilyo at saka ito tinapakan para mamatay ang apoy. Isinuot nilang pareho ang helmet at sumakay sa isang motor. Dinig na dinig ko ang tunog nito nang bigla nila itong pinaharurot. Teka! Wag nyong sabihing...

SHOCKS!

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon