07 - Dinner Disaster

19.1K 573 46
                                    

TIK TOK TIK TOK

Muli akong tumingin sa orasan na nakasabit sa pader. 7:06.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pintuang nasa harapan ko at tinitigan ito ng masama. Kung kaya lang sigurong wasakin ng tingin ko ang pintuang ito, siguradong sira na ito.

TIK TOK TIK TOK

Muli akong tumingin sa orasan. 7:09. Argh! Nakakainis na. Nakahanda na ako para pumasok sa klase pero hindi pa rin bumabangon ang bungong to. Dapat sa kanya ay dalhin na sa sementeryo! Dun sya nababagay!

Maya-maya ay bumukas na ang pintuan. Saka bumungad sa akin ang bagong gising na si Hiro na nakasuot pa ng pajama. Nagsalubong ang kilay nya nang makita ako.

"Well," ngumisi sya. "Look who's here."

Pero sa halip na sumagot ay tiningnan ko lang sya ng masama habang nakacrossed arms. Sana nga nakakamatay nalang ang tingin.

Umiling-iling sya saka ako hinawi sa daraanan nya. Tinamaan pa talaga ang ulo ko.

"Hoy!" sigaw ko dahil muntikan na akong matumba.

"Oops. Not my fault PG. Paharang-harang ka kasi sa daan." sabi nya saka nagsimulang maglakad papunta sa cr. Agad ko naman syang sinundan.

"Hoy Hiro! Wag ka ngang nagmamaang-maangan dyan! Akala mo ba nakalimutan ko na ang nangyari kahapon?"

Hinarap nya ako bago pumasok sa loob. "May ginawa ba akong masama?"

Halos lumabas na ang usok sa ilong ko dahil sa kinikilos nya. Ganun nalang ba yun? Ni hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sama ng tyan ko tapos ganito ang ipapakita nya sa akin? Nang-iinis ba talaga sya?

"Bakit mo ginawa yun ha? Hindi ko akalaing ganun ka pala kasama! Well, hindi na rin siguro ako magtataka kung kaya mong makapatay ng tao!"

"Good. At least now you know." pumasok sya sa loob. Isasara na sana nya ang pinto pero agad rin akong pumasok sa loob.

"Hey!"

"Ganun nalang ba yun? Hindi ka man lang ba magsosorry?"

"Leave." mariin nyang sabi.

"Nang-iinis ka ba?"

"Get lost you stupid PG!"

"Tigilan mo ko dyan sa kakaenglish mo ah! Baka tanggalin ko yang ngala-ngala mo!"

"You know what? I really don't like you! So you better pack your things and leave now! Or else, I'll make your life a living hell!"

"Walang dahilan para umalis ako. Hindi ko sasayangin ang opportunity ko rito sa PAU nang dahil lang sa isang katulad mo!"

"May balak ka bang sabayan akong maligo?" nagsmirk sya sa harap ng salamin habang nakatingin sa akin. Saka nya tinanggal ang pagkakabutones ng damit nya.

Shemay!

Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin nya ang damit nya. Hindi man lang nahiya. Alam naman nyang may tao. Kung sa bagay, wala naman talaga syang dapat ikahiya kasi...

Nevermind.

Agad naman akong tumalikod sa kanya saka nagsimulang tumakbo palabas ng cr. Mahirap na baka kung ano pang isipin ng bungong to.

*****

"T-teka lang po. Padaanin nyo ko."

"Sagutin mo muna ang tanong namin."

"Oo nga. Ayon sa reliable source ng PAU'S VOICE, napapayag mo daw ang OIC ng PAU HEIGHTS na magstay sa dorm 143."

Dinudumog ako ngayon ng mga 'reporters' kuno ng PAU. Mula nang makalabas ako sa dorm, hindi na ako tinigilan ng mga members ng organization nilang PAU'S VOICE kung saan sila daw ang in-charge sa paghahatid ng latest and hottest news sa PAU. Ang akala ko pa naman ay makakatakas na ako kay Hiro. Pero hindi pa pala dahil sa mga to.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon