55 - Kidnapped

11.5K 378 37
  • Dedicated kay Rolinda Caballes
                                    

Niyakap niya ako.

Niyakap ako ni Hiro.

Oo, niyakap niya ako.

WAAAAAAAAHHH!

Nababaliw na ako. Nababaliw na ako. Nababaliw na ako!

Hindi talaga ako mapakali dahil sa nangyari. Kanina pa ako pabalik-balik dito sa tapat ng christmas tree. Si Hiro kasi eh. Ano bang problema niya?

Napaupo ako dahil pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko. Lalo na ang dibdib ko. May sumapi ba sa kanya? Bakit bigla niyang ginawa yun? Eh akala ko ba galit sya sa akin. Akala ko ba ayaw niya sa akin?

Nakakainis. Narinig pa niya yung dapat ay sasabihin ko kay Shan. Eh ano naman? Buti nga na narinig niya eh.

Pero nakapagtataka pa rin yung kinilos niya. Galit sya sa akin noon. Tapos tinalian niya ang buhok ko kanina. Tapos bigla nya akong niyakap. Anong ibig sabihin nun?

Hindi kaya...

May hidden meaning yun?

*IMAGINATION*

Habang tinatalian ni Hiro ang buhok ko...

Ako: Hiro! Anong ginagawa mo?

Hiro: Nakakainggit ang hairlalu mo girl. Sana may ganito din ang lola mo.

Ako: A-Ano? Bading ka?!

Hiro: Oo Sam. Ito ang totoong ako. Babae ako na ikinulong sa katawan ng isang lalaki. Yun ang dahilan kung bakit kita nireject! Dahil hindi tayo talo! Kaderder no. At alam mo bang naiinsecure ako sayo! Kasi nagseselos ako sa inyo ni Shan. Ako dapat ang mahal nya. Nasa akin dapat ang atensyon nya. Pero mula nang dumating ka, nagbago na ang lahat. Epal ka kasi. Bruha ka! 

Sam: Sorry. Hindi ko alam eh.

Hiro: Keri lang no. Magpapaubaya na ako. Narealize ko na sayo sya magiging masaya. *Niyakap nya ako* Humayo kayo at magpakarami. Pak na pak!

*END OF IMAGINATION*

WAAAAAH! Hindi. Hindi. Hindi. Imposible. 'Sige Sam. Subukan mong sabihin yan kay Hiro. Tingnan lang natin kung hindi sapak ang abutin mo.' sabi ng konsensya ko. Tama. Masasapak ako nito ni Hiro eh. Imposible talaga yun. Hayaan na nga. Tinotopak lang siguro yun.

*****

"Teka, san kayo pupunta?" tanong ni Rain. Nahinto sya sa paglalaro ng video game nang makita kami ni Shan na magkasamang lalabas ng dorm.

"Ah, kakain lang kami sa labas." si Shan na ang sumagot sa kanya. Tapos ay binalingan ako. "Let's go."

Pagkagaling kasi nila sa practice room ay inaya nya akong magdinner sa labas. Wala namang masama dun eh kaya pumayag nalang ako.

Nasa sala rin ang buong GALAXY ngayon. Si Kei ay nanunood ng tv. Si Rain ay  naglalaro ng video game. Si Kian ay nagbabasa ng libro. At si Hiro ay nasa isang sulok at naggigitara.

"Kayong dalawa lang? Hindi pwede. Sasama ako. Wag nga kayong madamot."

Binato naman sya ni Kei ng unan. "Kahit kelan ka talaga. Gusto mo lang makaistorbo sa date nila eh. Common sense nga."

Ano daw? Date?

Napakamot nalang ng ulo si Rain. "Whoa. Nagde-date kayo? Sabi ko na mga ba eh. Nung una palang ay may nakikita na kaming chemistry sa inyong dalawa. Bagay na bagay kayo. Kayo talaga ang the best para sa isa't isa. Good luck sa date nyo. Sana mag-enjoy kayo."

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon