18 - Elevator Doctor

16.1K 513 26
                                    

Kahit na napakabigat ng katawan ko ay pinilit ko pa ring bumangon. Late na nga ako nagising eh. At kung hindi ako magmamadaling kumilos ay baka malate din ako sa pagpasok.

Ginawa ko ang mga ritwal ko bago pumasok. Kahit na masakit ang ulo ko, hindi ko pa rin gustong umabsent. Ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba to sa nangyari kagabing pagpapaulan ko o dahil kinakarma na ako dahil sa pagsisinungaling ko kina Shan? Eh ayoko lang naman silang mag-alala eh. Lalo na si Shan. Sabi nila dapat i-share sa kaibigan mo ang problema mo para gumaan ang kalooban mo. Ayoko naman nun. Gusto kong i-share sa mga kaibigan ko ang happy moments ko lang para naman maging masaya din sila. Sabi nga, 'Make your friends happy, and you will be happy too.' Hangga't maaari ay ayoko ng idamay sila sa problema ko. Ayokong mag-alala sila. Kaya mas mabuti ng sarilinin ko nalang to kesa naman maapektuhan pa ang ibang tao ng problemang hindi naman nila dapat pinoproblema.

Nang makapag-ayos na ako ay dumiretso ako sa dining area. Nandun ang GALAXY kumakain ng breakfast. Mukhang patapos na nga sila eh. Una kong napansin si Hiro. Nang maalala ko ang nangyari kagabi, parang bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

"Sam. Kumain ka na rito oh."sabi ni Shan tapos nilagyan ng tinapay, ham, at itlog ang bakanteng plato na ni-reserve nya sa akin.

Napalunok ako nang biglang tumingin sa akin si Hiro. Bakit parang natatakot akong magpakita sa kanya? "A-Ah eh...wag na Shan. Hindi naman ako nagugutom eh. U-Una na ako ah."

"Teka, ba't namumula ka? May sakit ka ba?"

"Ah wala to. Sige." Dali-dali akong lumabas sa dorm. Bakit parang hinihingal ako? At saka, sabi ni Shan namumula daw ako? Alam ko na kung bakit. Masama kasi ang pakiramdam ko eh.

Naghintay ako ng elevator gaya ng lagi kong ginagawa kapag pupunta ako sa klase ko.

20

19

18

Ang tagal naman. Gusto ko ng maupo eh.

17

16

15

14

*DING!*

Bumukas ang elevator. Isang babae at isang lalaki ang nasa loob. Papasok na sana ako kaya lang...

"Tabi nga!"

May biglang bumangga sa likuran ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Ayos to ah. Excited lang? Pero teka!

Nagulat nalang ako nang malaman kung sino ang bumangga sa akin. Ewan ko kung bakit bigla akong natulala habang tinitingnan sya sa loob. Natauhan lang ako nang makitang pasara na yung elevator kaya nagmadali naman akong pumasok.

Tumayo ako sa isang sulok. Mula nang pumasok ako dito sa PAU ay ngayon ko lang nakasabay sa elevator si Hiro na sya lang mismo. Kadalasan kasi ay kasabay ko ang buong GALAXY eh. Buti nalang at may kasabay kami. Couple ata sila kasi magkaholding hands pa sila tapos dinig na dinig namin ang sweet nilang usapan. Kahit papano ay hindi naman awkward ang sitwasyon namin.

12

Mahaba naman ang tulog ko pero bakit inaantok pa rin ako? Nakakaramdam din ako ng gutom. Dapat kasi nagbaon nalang ako ng pagkain eh.

11

*DING!*

Bumukas ang elevator at lumabas ang kasama naming couple. WAAAH! Hindi to pwede! 'Hoy! Bumalik kayo rito! Wag nyo kong iwan kasama tong si Hiro!' Gusto ko sanang sabihin dun sa dalawa kaya lang nakalabas na sila eh. Isa pa, baka isipin nilang baliw na ako.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon