Three

308 5 0
                                    

OLD FRIEND

Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Sobrang ingay, mausok, at ang daming tao. Halo-halong amoy. Alak, usok, at sigarilyo. Hindi naman sa hindi ko pa naranasang uminom . Umiinom naman ako noong college pa ako. Pero kadalasan ay sa mga bahay bahay lang ng mga kaklase ko. Ganito ba gumimik ang mga mayayaman?

"Nasa room 7 daw sila." ani Paul at tinungo namin iyong hagdanan pataas. Hawak-hawak ni Briana ang kamay ko habang hila-hila naman siya ni Paul. Nakarating kami sa sinasabing kwarto ni Paul..

Nadatnan naming nagtatawanan ang tatlong lalaki kasama ang dalawang babae. "Hey! Briana, Paul!" tumayo ang lalaking tsinito para salubungin kami.

"Hi! And who is this beautiful lady?' kinuha niya ang kamay kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Uminit ang tainga ko nang maramdaman ang paghalik niya sa kamy ko. "Hey, Ron, bitiwan mo nga si Renzy and where is Brent?" hinampas ni Briana ang kamay ng lalaki dahilan para mabitawan nia ang kamay ko.

"He's jerking around probably!" sigaw noong isang nakaupong lalaki. Lahat naman ay nagtawanan.

"Bakit Jake, napaano na naman sila ni George? May ginawa na naman ba si George sa kapatid ko?" umupo kami sa pabilog na upuan para daluhan ang iba. Tumahimik naman ang lahat sa pahayag ni Briana. Parang nahuli sila sa kung anong bagay. Ngumisi naman si Briana na parang tumama siya ng sagot sa isang tanong.

"So may nangyari nga? And where is your cousin? Birthday niya, wala siya dito?" isa pang tanong ni Briana. "Magkasama ang dalawa. They are bestfriends. When Brent called this afternoon na hindi siya makakapunta ay hinanap agad ito ni James. They are on their way here. Now, can you introduce the lady beside you?" sabi noong Jake na nakangiti sa akin.

"Well, guys this is Renzy. Classmate ko siya sa culinary. I know she's nice so I consider her my friend. Isa pa ay gusto niya si Brent kaya gusto ko rin siya. " kinurot ko naman ang tagiliran ni Briana. "I like her too." sabi noong sumalubong sa amin kanina. "Goodluck with Brent. I'm Jake." Inisa-isa niya akong ipinakilala sa lahat ng andoon. Ang dalawang babae ay sina Sheena at Mariel.

Si Jake ang kausap niya kani-kanina lang. Si Ron ang sumalubong sa amin kanina, at si Randy na medyo seryosong nakahalukipkip lang at nakikinig sa amin. Infairness naman ay magaganda at gwapo sila. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung tama nga na makipagkaibigan ang isang tulad ko sa kanila.

I almost emptied my bottle nang magpaalam si Jake sa amin. "Andiyan na daw sila James sa baba and your brother is jerking some random girls. Tulungan ko lang si James na kaladkarin siya dito." napakunot ang noo ko.

"Jerking other girls? Ganoon ba talaga kababaero ang kapatid mo?" tanong ko kay Briana.

"Hmm. Kapag nasasaktan." aniya.

Maya-maya pa ay narinig namin ang pagbukas ng pintuan. Iyong si Jake ang naunang pumasok. Kasunod nito si Brent na may kaakbay na babae. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa kaakbay. Nasa likod naman niya ang isang lalaki. Hindi ko maiwasang tumingin ulit sa mga mukha ng lahat ng kasama ko ngayon. Lahat kasi sila ay magaganda at gwapo.

"So here's the birthday boy. The drunken birthday boy. Bakit pa pala kayo nag-aya dito kung may sariling lakad pala kayong dalawa?" Sarkastikong tanong ni Briana. Malamang ang tinutukoy niya ay sina Brent at iyong kasama niyang may birthday ngayon.

"Sino naman iyan?" Nguso niya sa babaeng kaakbayan ni Brent.

"Baka mamaya mahawa ka diyan pag may AIDS iyan. Naku Brent! Ipapasunog ko talaga ang katawan no kapag nagka-AIDS ka." Padabog na umupo si Briana sa upuan habang mukhang nasaktan naman ang babaeng kasama ni Brent at nagwalk-out. Lumakas naman ang tawanan ng lahat.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon