Eighteen

173 3 0
                                    

Opportunity

Tatlong araw na simula nang magkasakit ako. It was Jake. Siya iyong huli kong nakita bago ako mawalan ng malay. He was the one who brought me to the hospital. I was allowed to be released morning after. Good thing, bumaba agad ang temperatura ko. Dala ng puyat at pagod daw kaya nagkatrangkaso ako.

I'm fine now. Brent told me to just rest for two more days pero nabubugnot ako sa bahay. Kaya, heto bibisitahin ko lang ang shop.  Hindi naman ako magtatrabaho. Well, a little help for service siguro pwede naman.

Nang pumasok ako sa shop ay lumapit agad ako sa cashier.

Mukhang nagulat ang lahat nang makita ako.

"Oi, andiyan ba si Brent?" tanong ko sa kanya.

"Opo." aniya at sinabayan niya ng magkakasunod na tango. Aakma sana akon pumasok nang pigilan niya ako.

"Ay, mam. May nagpapabigay nito sa iyo."

Isang calling card ang iniabot niya sa akin.

"Bigay po iyan ng mag-asawang kano. Hinahanap po kasi nila iyong mga nagbe,-bake daw ng mga cake at cupcakes. Eh kaso, nasa palawan pa po kayo noon. Nagtake-out pa nga po sila ng isang buong blueberry cheesecake eh. Sabi po nila, tawagan niyo daw kung interesado kayo sa pacontest nila. " mahaba niyang sabi.

Tinitigan ko lang ito.

"Ah, sinong tao sa kusina? Andito ba si Briana?" tanong ko. Naririnig ko kasi ang kalabugan at tili na nanggagaling doon.

"Sila Sir Brent po at si Miss Rosean." simpleng sagot nito.

"Puntahan ko lang." paalam ko sa kanya.

Habang papalapit ako sa pintuan ay mas lalong lumalakas ang tilian at tawanan sa loob. Kasbay din nito ang paglakas ng pintig ng puso ko.

Nang nabuksan ko ang pinto ay tsaka ko lang hinayaan na makapasok ang sakit na kanina ko pa pinipigilan.

Ang makita silang masayang nagbabatuhan ng dough, puno ng mga icing sa katawan. Naghahabulan. Habang tila pabagal nang pabagal ang ikot ng mundo.

Masakit lalo na iyong feel na feel mo na iyong kabiguan mo nang may bumagsak sa mukha mong dough.

"Aray ko po!"

Natigilan ang dalawa at napatingin sa akin.

"Renz? Sorry! Sorry!" tumakbo si Brent palapit sa akin. Hinahawi niya ang kamay kong nakatakip sa ilong kong tinamaan.

"Grabe! Noong isang linggo pa ata itong dough na ito." sinabi ko sa kanya. Pinilit kong magmukhang totoo ang pagtawa ko. Sa pagpipilit ko nga ay gusto ko nang maiyak.

"Sorry!" ulit nito. Nasa likod na niya noon si Rosean.

"Sinabihan kitang magpahinga muna ah!" aniya.

"Oo, namasyal lang naman ako. Naglakad-lakad, ganyan. Kaya dumaan na lang din ako dito." paliwanag ko. Magsasalita pa ulit sana siya ngunit pinigilan ko na ito.

"Don't worry, aalis naman na talaga ako. Sumilip lang ako dito."

"Sige, una na ako. Sorry... Nakaistorbo ako sa...landi- esta sa moment niyo." sabi ko.

" Sabi ko sayo magpahinga ka muna. I have Rosean here. Siya muna ang tumutulong sa baking." aniya.

"After two days, babalik ka na dito." umiwas ng tingin si Rosean ng marinig ang sinabing iyon ni Brent.

" Ah.. Gusto ko pa nga sanang i-extend eh. Pwede pa ba akong makahingi ng three more days na leave?" that was a joke.

"Ganoon ba? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" aniya.

"It's okay. I can volunteer for a few more days. Kahit nga isang buwan eh. It would be great for the both or us." ani Rosean. Kay Brent siya nakatingin. That was supposed to be a joke also. Pero pakiramdam ko ay may guatong ipahiwatig si Rosean sa sinabi niyang iyon.

"I think that's too long. Three more, that's long enough." ani Brent.

"Sige, if that is what you want. I will give you three more days. So bale limang araw ka pa leave. So, kailan ang balik mo? Next Monday na. Deal na iyon ah!" aniya.

"Sa-lamat. Sige mauna na ako." bumaling din ako kay Rosean para magpaalam.

Nang makabalik ako sa bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto. Habang nakahiga ako sa kama ay andami kong iniisip.

Oo, sinusubukan ko naman na kalimutan na ang nararamdaman ko kay Brent. Pero sadyang masakit lang talaga. Mahirap siyang kalimutan. Kapatid niya ng bestfriend ko, boss ko sa trabaho, halos araw-araw na kasama.

Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon. Kung dati ay pwede kong harangan ang mga babaeng lumalapit sa kanya, ngayon ay hindi na ganoon.

Personal na niyang pinakilala si Rosean sa pamilya niya. Nagkagusto siya sa isang babae ng hindi oo man lang nalaman. Malamang ay hindi niya talaga pinaalam sa akin. Sinekreto niya. Prinotektahan niya iyon.

Siguro nga ay tama si Randy. Hindi ako magugustuhan ng kaibigan niya. Halos nagpapakawala na nga ako kay Brent. Halos lahat gusto ko nang ibigay sa kanya. Pero wala eh. Dahil kung meron man akong chance sa kanya ay sana noon pa.

Gabi na nang bumangon ako sa kama. Narinig ko rin ang pagbukas ng pintuan sa baba. Malamang ay si Rojun na ito.

Habang nagpapalit ako ng pambahay ay may nalalag ba papel galing sa bulsa ng pantalon ko.

Ito iyong card na binigay sa akin ng bagong cashier kanina. May kasama itong ad para sa isang competition?.

Camp Rockwell Cuisine
Summer Competition
(opens on May 25 to Jun 25)
(venues: Pan Resort Cebu City on May 25 - Jun 15, Camp Rockwell Restaurant Singapore on Jun 17-25)

------------

Hopyalayket

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon