Thirty Three

172 2 1
                                    

I Do

Halos pudpod na ang mga kuko ko sa kamay sa sobrang kaba habang papunta sa simbahan.

Hindi na ako nakatulog dahil sa pag-uusap namin ni Brent kagabi. Ayan tuloy at late na ako bumangon.

Ano ba kasi iyong sinasabi niyang runaway runaway? Ano ba kasi ang nagawa ko?

Nangangatog ang tuhod ko sa sobrang nerbiyos nang bumaba ako sa taxi. Tanaw ko na ang mga taong labas pasok sa simbahan. Nang may nakita akong pamilyar na bulto ay agad ko itong tinawag.

"Jake! Jake!"

Lakad takbo ang ginawa ko para agad na makalapit sa kanya. Sa sobrang lakas ng tawag ko ay sigurado akong narinig niya iyon pero kahit minsan ay hindi siya lumingon. Nang makalapit na ako sa pintuan ng simbahan kung saan siya naroon ay bigla siyang umalis papasok sa loob. Maya-maya ay dumating na rin si James at si Ron. Nakangiti ako sa kanila habang papasok sila ngunit agad ding nawala nang nilagpasan lang din nila ako. Buti pa si Ron na nag-hi sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Itong magpinsan na ito!

Maraming pamilyar na mukha ang naroon na sa loob. Pero nag-aalangan akong pumasok. Pakiramdam ko ay estranghero ako sa mga kakilala ko. Nakita ko si Gail kanina. Nginitian lang din ako pero hindi kinausap.

Umupo na lamang ako sa pinakadulong upuan habang hinihintay sina Briana. Iginala ko ang tingin sa loob ny simbahan.

Ang bongga naman ng binyag na ito? May orchestra, may red carpet, may flower flower.

Hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng mga sunod sunod na pagtigil ng mga sasakyan. Sa unang dalawang sasakyan ay bumaba ang mga batang pinsan nila Briana. Maingay ang mga ito habang panay ang pagkuha ng pictures.

"Ate Renz!" magkasunod sina Glenn at Iara na lumapit sa akin at yumakap.

"Ang gaganda niyo naman!"

"Sumeksi ka Ate Renz." si Iara.

"Naku! Matagal na. Ito naman. Nasaan na sina Briana?"

"Andiyan na po. Magkasunod lang kami." aniya.

"Grabe? Walang gustong mauna. Talagang dapat sabay-sabay? Entourage ba ito?"

" Ayan na sila!" mabilis na inisa-isa ng mata ko ang mga taong dumadaan papasok ng simbahan. Napako ang tingin ko sa umiiyak na si Baby Nicolo. Nagwawala ito. Nilapitan ko sila at agad na iniabot ang kamay ko sa bata.

"Briana! Akin na muna ang baby.
" sabi ko. Tinitigan muna ako ng matagal ng bata bago inabot ang kamay ko. Nakatingin lang siya sa akin. Siguro ay kinikilala ako.

"Ikaw ah! Bad! Pinapahirapan mo si Mommy."

"Sa iyo muna Renz. Kausapin ko lang sina Father." aniya. Tumango lang ako. Sumunod lang din si Paul sa kanya at ang Papa niya. Nasa bandang gitna na kami na upuan.

"Oo. Ako iyong lagi niyong kausap sa phone." pag-aalo ko kay Baby Nicolo. Patuloy pa rin siyang nakatitig.

Ang mata niya ay parehas ng kay Brent. Mapupungay at bakat ang eyelashes na nakapalibot sa mata.

"Ang pogi-pogi mo! Siguradong kamukha mo siya paglaki mo." bulong ko sa kanya.

Habang tinititigan ko siya ay nailang ako. Pakiramdam ko ay may nakatingin din sa akin. Nagpalinga-linga ako sa loob ng simbahan ngunit puro busy na mga tao ang nandoon.

"Nasaan kaya iyang baliw mong Tito?" bulong ko ulit kay Baby Nicolo. Bigla naman itong humagikgik at nagsalita ng hindi ko maintindihan.

"Oo baliw iyon." bulong ko ulit. Mukhang parehas kami ng tingin ni Baby Nicolo para sa Tito niya.

"Halika na. Five minutes,then start na raw." ani Briana. Tumayo na ako. Kinuha naman ni Paul si Baby Nicolo. Tumayo ako at inayos ang damit ko. Habang sumusunod ako sa kanila ay naiilang ako sa pagsulyap sa akin nina James. Lalo na nang tinawag ako ni Ron para umupo sa tabi nila. Dahil no choice ay tiniis ko na lamang.

Hanggang matapos ang binyag ay hindi pa rin ako iniimikan nina James. Minsan ay sinasadya kong tapakan ang paa niya pero wala man lang siyang reaksiyon. Kinikiliti ko siya sa tagiliran pero hinahawi lang niya ang kamay ko. Talaga yatang tinotoo niya ang sinqbi niya sa aking kalilimutan na niya ang friendship namin. Pero hangang sa pagkuha ng pictures ay hindi ko siya nilibayan.

Akala ko pagkatapos nun ay tapos na pero nagtataka ako kung bakit hindi pa rin umaalis ang mga tao. Halos matunaw ako dahil nakatingin silang lahat sa akin.

"Yana. Ano pang susunod na gagawin? Hindi pa ba tayo pupunta sa venue?" tanong ko kay Yana habang nilalaro ang kamay ni Baby Nicolo.

"Mamaya. Pagkatapos niyo ni Brent." aniya.

Medyo mabagal ang pagproseso ng utak ko. Ano daw?

Laking gulat ko nang nagpatugtog bigla ang pianista ng isang pamilyar na kanta.

'Cause it's you and me
And all of the people
That nothing to do,
Nothing to lose.

Pagkaabot sa bahagi ng kantang iyon ay biglang dumating sina Papa, Tita Reg at Rojun. Nakangiti silang lahat habang papalapit sa akin. Kasinod nila sa likod ay si Brent na nakasuot ng pormal na amerikana.

May hawak na isang bungkos ng bulaklak si Tita Reg. Iniabot nya ito sa akin at tsaka hinalikan ako sa pisngi. Sumunod ay si Papa.

"Congratulations anak." maluha-luha niyang sabi.

Sumunod ay ang umiiyak ko nang kapatid.

"Ang daya-daya mo. Hindi mo sinabi sa akin. Hindi ako nakabili ng mapormang damit." aniya. Hinila siya ni Papa para makabitiw sa akin.

"Ano po ba ang nangyayari? Hindi ko po maintindihan." tanong ko.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila. Naguguluhan ako sa mga taong nakatingin sa akin.

"Yana! Ano ito?" isa-isa kong tinanong ang mga kakilala ko ngunit walang nagsasalita. Nakangiti lang ang mga ito sa akin. Pakiramdam ko ay tatakasan na ako ng hininga.

Niyakap ako ni Briana.

"Sis kahit na anong mangyari, just say yes. I know you'll be happy." mas dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang sinabi niya iyon.

Just say yes?

Bumaling ako sa nakalapit na na si Brent.

"Brent ano ito?" sabi ko sa kanya. Mahina na ang boses ko dahil nanghihina na rin ako. Pakiramdam ko any moment ay mahihimatay na ako.

May sinabi si Brent kay Papa bago niya kinuha ang kamay ko sa kanya.

"Like what I told you 9 months ago, I'll take care of her for the rest of my life." aniya.

Bumaling siya sa akin na seryoso ang ekspresyon.

"Hindi sabi ko sa iyo, hindi ka na makakatakas sa akin. Pananagutan mo ako ngayon sa nangyari sa atin bago ka umalis." aniya.

And there,  bigla kong naalala ang huli naming pagkikita.

Patay!

"Father! Ready na po kami." aniya. Lalo lamang nagulo ang utak ko.

Ikakasal na ba ako? Hindi. Dapat ay kanina ko pa naisip iyan. Pero habang nagsasalota ang pari ay wala akong marinig na kahit anong ingay. Hindi ako makapagisip ng tama.

"Rensy. Please. Just say yes." niyugyog niya ang kamay kong hawak-hawak niya.

Inulit ng pari ang tanong niya. Magsasalita sana ako pero walang lumalabas sa bibig ko.

Father hindi ito tama!

"Hoy! Sis! Pwede bang magyes ka muna bago ka himatayin diyan?" dinig kong sigaw ni Briana. Sumunod sina James sa pagkantiyaw.

Bahala na!

"Ye-yes father I do." pagkatapos nun ay mabilis ang pangyayari. Naramdaman kong may isinuot sa akin si Brent.

Ang huli kong naramdaman ay ang paglapat ng labi ni Brent sa akin.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon