Twenty Nine

181 3 1
                                    

Counter Blow

" Hello, Kevin. Tatapusin ko na lang ito. Kaya mo pa bang humabol? Okay lang kung hindi mo ako masasamahan. Basta gawin mo iyong mga kailangan mong gawin?"

Bibisita ulit kami kina Yana at baby Nicolo. Sobrang tuwang-tuwa ako nang nakita ko ang bata. Napakalusog. Ang kaso ay umuwi rin ako agad. Dahil na rin sa nangyari. Jake went too far.

"Okay Kevs. Tawag ka na lang." excited kong tinapos ang sandwiches na dadalhin ko kay Yana. Ininvite ko rin si Kevin. Yana was very eager to see him again. Kevs is our former classmate noong nagtetraining kami sa culinary. Kaso ay hindi niya tinapos dahil bumalik siya sa Australia. Kaya naman nang ma-meet ko siya ulit sa Cebu ay isa siya sa naging una kong nakapalagayan ng loob.

"Ayan! Tapos na." sabi ko sa sarili.

"Ate. Hindi kaya maumay si Ate Yana diyan sa ginawa mo?" Nandito na naman si Rojun. Walang ginawa kung hindi ang mang-inis.

"Ano ka ba? Vegetarian iyon. Magugustuhan niya ito. Alis ka nga dito! Mang-iinis ka lang eh."

Isa-isa kong inilagay sa bag ang mga pagkain. Tumunog ang gate sa labas at maya-maya ay may kumatok na. Tumakbo si Rojun doon para pagbuksan iyon.

Isang pamilyar na boses ang bumati sa kanya. Napatigil ako saglit sa ginagawa.

Ano kayang kailangan niya?

"Hi Rensy." nasa hamba na siya ng pintuan sa kusina. Kasunod niya si Rojun.

"Hi." maiksi kong sagot. Hindi ko siya maharap dahil inaayos ko pa rin ang mga dadalhin ko.

"You're visiting again?" patanong pero may bakas ng kasiguraduhan sa tanong niya. Ano kayang ginagawa niya dito? Dapat bukas pa siya nagliliwaliw dahil bukas pa kami magpapalitan ng shift.

Tss! Oo, bago ako umuwi kahapon ay kinausap ako ng tukmol na si Brent na kailangan nila ng katulong ngayon sa shop dahil nga sa panganganak ni Yana. At iyon nga. Totoong mukhang walang balak na paalisin si Rosean. So, ang ending ay salitan kami ng schedule.

"Oo." maiksi ko ring sagot. Pinigilan ko ang iritasyon sa boses ko.

"Well then." aniya.

"Kukunin ko lang ang mga iniwan kong gamit dito." aniya at naglakad palabas ng kusina.

"Aalis ka Ate? Babalik ka ba ng SG?" gulat na tanong ni Rojun.

" Ah no. Lilipat ako ng titirhan. Lilipat ako sa condo ni Brent." aniya. Nakaharap siya kay Rojun pero pakiramdam ko ay sa akin niya iyon sinasabi. Bumigat ang pakiramdam ko. Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-aayos ng mga pagkain. Tipid akong huminga para hindi lumaki ang butas ng ilong ko.

Tss! Kailangan bang ipagkalat iyon?

"Si Kuya Brent na Ferrer?" hindi makapaniwalang tanong ni Rojun.

"Yup! My boyfriend." aniya.

"Boyfriend?" maingay na tanong ulit ni Rojun. Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

"Yes! Bakit sobrang gulat mo yata?" si Rosean kay Rojun.

"Ahh. Wala naman. Exag lang. Haha!" hilaw na sagot ni Rojun. Tumuloy sa paglakad si Rosean. Nang marinig namin na nasa taas na si Rosean ay lumapit agad ang kapatid ko.

"Ano?" inunahan ko na siyang magsalita.

"Anong nangyari? Nabasted ka ni Kuya Brent te?" aniya. Inasahan ko na ang sinabi niyang iyan.

"Bakit niligawan ko ba iyon? Fling fling lang iyon no!" pabiro kong sabi.

"Mashaket?" aniya. Tipid na lang akong ngumiti. Halata sa mukha niya ang pagtataka.

Tapos ko nang inayos ang pagkain. Hinihintay ko na lang ang tawag ni Kevin kung makakasama siya. Para makapunta na ako sa S&T. Panay naman ang tanong ni Rojun tungkol sa pagpunta ko sa Singapore.

Higit isang oras din ang tinagal ni Rosean sa taas.

"I'll go ahead." paalam niya. Tumango lamang ako. Inihatid naman siya ni Rojun sa labas.

"Wala kang service Ate? Nasaan si boyfriend?" dinig kong tanong ni Rojun habang papalabas sila.

"Wala. Magta-taxi na lang ako. Busy iyon sa shop." sagot ng isa. So the coast is clear. Hindi ko makikita sa ospital si Brent.

"Pagkalipas ng ilang minuto ay tumakbo papasok ng bahay si Rojun.

"Ate may bisita ka." aniya.

"Kevin daw ang pangalan."

Sumunod ako sa labas. Nasa labas pa rin si Rosean at kausap si Kevin.

"Kevs." habang papalapit ako ay lumingon ang dalawa.

"Hi!" aniya.

"So this is Kevin." ani Rosean.

Hindi ko siya sinagot. Bakit pa, eh paalis na siya. Instead, tinawag ko si Kevin para pumasok.

"Halika Kevs. Pasok." hinawakan ko ang kamay niya at hinila papasok ng gate. Medyo nagulat pa nga ito sa ginawa ko. Habang si Rosean naman ay iniwan namin doon na nakasunod ang tingin.

"Kanina ko pa hinihintay  ang tawag mo. " sabi ko sanya.

"Actually, I'm on my way when we're talking." aniya. Napanguso ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi? Paano mo nalaman ang bahay namin?" takang tanong ko.

"Ah, I went to Sweeties and Tweeties Bakeshop. Sabi nila wala ka pa raw. Kaya hiningi ko na lang ang address mo. They were too kind to even give me a sketch."

May ibinigay siyang papel at totoong sketch nga iyon patungo dito sa bahay.

Napatawa na lamang ako.

"Tara!"

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon