Twelve

183 5 0
                                    

CONFIRMED

Pinulot ko ang inihagis niya at diretsong hinugasan. Okay? This is awkward. Ilang minuto ang nakalipas at nakatalikod ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ng mukha niya.

Nilabas ko mula sa ref ang mga ginawa kong mousse at puding kanina bilang sample sa pinapagawa niya sa akin.

"A-ahh, ito na iyong mga samples. After lunch magsismula na ako sa mga cupcakes at iba pang mga desserts. Isasama ko na si Glenn mamaya sa paggawa." nilagay ko sa tapat niya. Tumango siya at umupo na. Nilabas niya ang isang papel at ballpen at nagsimulang tikman ang mga gawa ko. Pinapanood ko lang siya at hinihintay ang mga magiging reaksiyon niya.

"This is too sweet for my taste." aniya sa choco-caramel mousse. Inurong niya ito papunta sa akin gamit ang likod ng palad niya. Kumuha ako ng kutsara upang tikman ulit. Kahit tinikman ko naman ang mga ito kanina at ayos naman sa akin ang lasa ay ginawa ko ulit. Hindi naman kasi pare-parehas ang panlasa ng mga tao. Lalo na at boss ko ang nagpupuna ngayon.

Tumango lang ako at hindi na nagtanong kung ano ang gusto niyang mangyari. Inilabas ko na lang ang recipe book ko at iniadjust ang recipe ng cho-caramel. Binawasn ko na lang ang mga pampatamis sa recipeng ito.

"Bakit ang tahimik mo?" Aniya habang tumitikim pa rin. Hindi niya inilipat sa akin ang tingin.

"W-wala naman akong sasabihin." pilit kong maging normal ang tunog ng pananlita ko.

"No! Hindi ka ganyan." aniya.

"You're too quiet."

"Hindi kita maramdaman. Ilang araw na."

"I miss your loud voice. It's irritating pero I like how you open a conversation."

"And this?" kinuha niya sa harapan ko ang cho-caramel.

"Honestly it tastes good. Tama ang tamis, ang lasa. Sinabi ko lang na its too sweet. Akala ko kasi magrereact ka na 'Okay naman ah!' ganoon. Pero wala ka man lang kahit anong sinabi." masyadong calm ang boses ni Brent. Hindi ko alam kung nagagalit, naiinis na siya sa akin. Pero hindi ko kayang matagalang umupo dito at katabi siya. Alam kong nakatingin siya sa akin. Gustuhin ko mang tingnan siya ay ayaw gumalaw ng katawan ko.

"Now, tell me your problem. Alam kong may problema ka kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi ako sanay na ganyan ka Rensy. If it's about George, please lang Renz, I've known her since birth. At kahit na pangit ang mga nangyari sa amin, she's still my friend."

"W-wala Brent. Wala naman akong problema. Pagod lang siguro ako these past days." narinig ko ang buntong hininga niya. Halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Do you need to take a break? Hindi bale, ilang araw na lang naman. Pagkatapos ng kasal you can take a leave. Three days, 1 week, it's up to you." aniya. Walang gana siyang tumayo at kumuha ng maiinom. tumayo na ako pagkatapos tingnan ang oras.

"Anong gusto mong kainin for lunch?" tanong ko sa kanya. Nakasandal ito sa sink habang umiinom. Umiling lang siya.

"I'm going out for lunch." walang gana niyang sagot. "With George and... her friend." Tumango na lang ako at lumabas para tanungin kay Glenn kung ano ang gusto niyang pagkain. Sinubukan kong balewalain ang narinig ko. Pinigilan ko ang umuusbong na sakit sa loob ko.

Bago kami magsimulang maglunch ni Glenn ay umalis na sina James at Brent. Ibinilin niya sa akin na si Jake daw ang makakasama ko sa shop habang wala siya. Nawalan na rin ako ng gana ngayong araw kaya maaga kong tinapos ang mga gawain ko para maturuan na si Glenn sa mga gagawin namin para sa kasal. Mabuti at madaling turuan ang bata kung kaya ay maaga rin kaming natapos.

Pag dating ko sa bahay ay nandoon si Rosean. ang sabi sa akin ni Tita ay naghahanap daw ito ng kasama para i-meet ang mga kaklase noong highschool. Dala na rin ng lungkot ko ay sumama na lang ako, sa sumund na gabi at sa sumunod na gabi ulit ay sinamahan ko siya. Hindi rin naman pala masamang magliwaliw kahit minsan, kapag kasi sumasama ako kila Yana ay nakaupo lang ako sa gilid habang binabantayan si Brent. Sa ilang gabi, pakiramdam ko ay malaya ako.

Sa tatlong gabing pagsama ko kay Rosean ay mas lalo ko siyang nakilala. Hindi ko naiwasang i-share sa kanya ang problema ko. Sabi niya ay naranasan din daw ang sitwasyon ko. Mahirap daw talaga na magkagusto sa taong hindi ka gusto kaya sinukuan niya ito noon. Marami pa siyang naikwento tunkol sa buhay niya sa Singapore. Nabanggit pa niya na mukhang hindi na siya babalik sa Singapore. Balak na kasi niyang magsettle daown daw dito. At bakit hindi? Maganda naman ang takbo ng online baking business niya at ang alam ko ay mayroon din silang restaurant ni George na pinamamahalaan. At higit sa lahat ay may natitipuhan na raw siyang lalaki. Ang kaso ay hindi pa raw niya alam kung gusto rin siya ng lalaki.. Hindi naman malayong magustuhan din siya ng kung sino man iyon dahil maganda siya, matalino at mukhang marunong naman sa buhay.

Katulad nga ng sabi ni Brent noon ay araw-araw ring nandoon sa shop si Jake para tulungan ako. Itong araw na ito rin ang dating ni Brent dahil kinabukasan na iyong kasal. Hanggang sa paghahanda ko ng gamit para bukas ay tinulungan ako ni Jake.

"Sama ka mamaya ah. Punta tayo sa bahay nila Yana." Jake.

"Oh sige. Nareceive ko rin ang text niya. May dinner daw sila. Iyon talagang babaeng iyon, buntis eh ang hilig magbiyahe."

Ilang box pa ang nilagyan namin ng gamit.

"Tara na? Okay na ba lahat?" sinundan ko lang si Jake hanggang sa makarating kami sa parking lot. "Salamat." ani ko nang pagbuksan niya ako ng pintuan tsaka iginaya sa loob.

Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi katulad ni James ay hindi mapagbiro at hindi mahilig makipaglaro itong si Jake. Seryoso siya pero may sense of humor din naman ito. Tahimik siya madalas pero grabe rin namang mang-alaska sa mga kaibigan. Ni minsan ay hindi ko rin siya nakitaan na may kahalikang babae kapag sumasama ako sa mga lakad nila. Hanggang kandong lang ang mga babae sa kanya.

"Jake?"

"Hmm?"

"May girlfriend ka na ba?" out of no where ay natanong ko. Saglit na kumunot ang noo niya.

"Wala." umiling ito at tsaka ngumiti. Mukhang cool naman siya sa narinig niya. Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkabigla. Hindi ko naialis ang tingin sa kanya. Masiyado akong namamangha sa lalaking ito. Siguro kung sa ibang pagkakataon...

"Siguro kung hindi ko alam na patay na patay ka kay Brent, iisipin kong gusto mo ako."

Sa isang iglap ay nabatukan ko siya.

"Grabe naman iyong patay na patay." pangongontra ko sa kanya. Ngumiti lang ito nang bahagya.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila Briana. Mula sa labas ay rinig namin ang ingay na naggagaling sa loob ng bahay. Maraming mga sasakyan ang nakapark sa bakuran nila. Mukhang maraming bisita.

"Andiyan na siguro ang mokong!" rinig kong sabi ni Jake habang inaakay ako papunta sa loob.

Mokong = Brent.

Naabutan namin sila Briana, James, Randy, Paul, at Ron sa sala. Nandoon din ang mga magulang ni Paul. Mukhang tama nga ang iniisip ko. Namanhikan na siguro itong si PAul Paolo kay Briana. Dapat lang! Kinargahan na niya ang kaibigan ko eh.

"Ano ba iyan! Late na kayo." ani Briana sa amin. Napakabugnutin ng buntis na ito. Limang buwan na pero mukhang naglilihi pa rin siya. Hindi ko alam kung ako lang iyon pero napansin ko yatang nanahimik si James nang makita ako. Patungo na kami sa kusina nang makasalubong namin ang matagal nang kasambahay nila Briana.

"Oh! Iho. Doon na kayo sa kusina. Naandoon sila Brent kasama ang girlfriend." nakangiting bati ng kasambahay nila Briana. Ninanamnam pa lang ng tenga ko ang narinig nang marinig ko ang tawanan na nanggaling sa kusina palapit sa kinaroroonan namin.

"Rensy!?" agad akong lumingon sa tumawag sa akin.

"Rosean!" halos pabulong kong sabi.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon