Fourteen

168 2 0
                                    

MASHAKET

Hindi na ako nakatulog simula noong nangyari kanina. Knowing na andiyan sa kabilang kwarto si Rosean. Pinapasok pa niya kanina si Brent pero hindi rin nagtagal. Samantalang ako ay panay ang sorry text ko kay Jake. Aniya ay naiintindihan naman niya kung bakit ko iyon nagawa. Sana nga lang ay hindi ako mailang sa kanya kapag nagkita kami.

Maaga akong nagbukas dito sa shop. Pero mas hindi ko inaasahan na madatnan si Brent na nag-aantay sa tapat ng maindoor. Naka black v-neck ito at jersy shorts na gray. Naka-sports shoes din ito. Mukhang magwowork-out yata. Madilim ang mukha niya. Kulang din ba ito sa tulog?

"A-ang aga mo ata?" Lakas loob kong sinabi sa kanya nang malagpasan siya. Hindi naman siya sumagot. Kinuha ko ang susi at mabilis na binuksan ang pinto.

Dumiretso ako sa kusina matapos buksan ang mga bintana. Naabutan kong gumagawa ng kape si Brent.

"A-ako na diyan." Pagpresinta ko. Ngunit itiniloy niya pa rin ang pagpipindot sa kung saang parte ng mini coffeemaker. Nilapitan ko siya at pilit na nakialam sa ginagawa niya ngunit tinapik lang niya ang kamay ko.

"Aray naman! Ano bang problema mo? Tuturuan nga kita eh. Nasa baba ng handle iyong on and off botton." Nanatili akong nakatingin sa kanya. Padabog niyang pinindot iyon at nakapamaywang na humarap sa akin.

Napatuwid ako ng tayo. Hinihintay ko kung ano ang gagawin o sasabihin niya pero wala naman siyang imik. Umirap lang siya at tumingala. Nakarinig ako ng tawag galing sa diner kung kaya nakahanap ako ng dahilan para makaalis sa harapan niya.

Kaya ba maaga siya ngayon ay dahil may usapan sila? Sumalubong sa akin ang nakangiting si Rosean. Gaya ni Brent ay nakapang work-out din ito na damit. Mukhang magjojogging yata sila. Sinabi ko sa kanya na nasa kusina si Brent at nag-excuse para tawagin siya. Naabutan ko siyang nagsasalin ng kape sa dalawang disposable cups.

"N-nasa labas si Rosean." Sinabi ko iyon ng hindi lumingon sa kanya. Kunwari ay may kinukuha ako sa cabinet  para hindi ko makita ang reaksiyon niya. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa kusina. Hudyat na umalis na siya.

Laking pasasalamat ko na kaunti lang ang customer ngayon dahil naasikaso ko ang kukunin namin ni Glenn bukas sa kasal ng kaibigan ni Brent. Nauna nang umuwi si Glenn sa akin. Nagpaalam na ako kila Gail na maaga ang out ko ngayon. Simula kaninang umaga ay hindi na bumalik si Brent. Nag-ayos ako sandali sa restroom bago sana umuwi ngunit habang nasa loob ako ay narinig ko ang pagpasok nila Brent sa pantry. Rinig ko ang tawanan nila lalo na si James.

"Ewan ko pre. Mukhang effective naman. Lumalayo na siya. Hindi na rin ako kinukulit." rinig kong sabi ni Brent.

"Si Rosean lang naman pala ang katapat para tigilan ka na ni Rensy eh." hula ko ay si Randy iyon.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Iyong kahapon, kaninang madaling araw at kaninag umaga. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Huwag nga kayong nagsasalita ng ganyan. Baka mamaya marinig ni Rensy." si James.

"Nakauwi na raw sabi ni Gail." Brent

"She's just our employee. She's nothing special. Nagkataon lang na kaibigan siya ni Briana. Kaya nasosobrahan iyog pagiging close sa atin." si Randy ulit. Tinutop ko ang bunganga ko para mapigilan ang hikbi. Kailanman siguro ay wala na akong puwang sa pagkakaibigan nila. Bakit nga ba kasi pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanila lalo na kay Brent. Empleyado lang ako. Nagtatrabaho ako para sa kanila. Hanggang doon lang dapat ako.

Kinapa ko ang bulsa ng jeans ko. Inilabas ko ang headset ko at isinuksok sa aking tenga. Mabawasan man lang ang pandinig ko sa usapan nila. Kaunting tawanan pa at narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Hinintay kong tumahimik muna bago ko pinagpasyahang lumabas ng restroom. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nang makitang ayos na ay pinihit ko na pabukas ang pinto. Halos tumalon ako pabalik ng banyo nang madatnan ko si Jake na umiinom ng juice. Maging siya ay nagulat kung kaya't bahagyang natapon ang iniinom nito.

Pililit kong kumilos ng normal. Kunwari ay tinanggal ko ang headset sa aking tenga at binati si Jake.

"H-hi." halos mawalan ako ng hangi sa katawan sa sobrang pagpipigil ng hininga. Naalala ko ang nangyari kaninang madaling-araw. Dumiretso ako sa lababo para kunawari'y maghuhugas ng kamay.

Naramdaman ko siya sa aking gilid. Inilapag niya ng marahan ang baso sa gilid ng lababo. Nagpresinta akong hugasan iyon. Sa minsang pagsulyap ko sa kanya ay parang nagpipigil siyang magsalita. Sa isa pang pagsulyap ko sa kanya ay kagat-kagat na niya ang labi niya. Naramdaman kong nawala sa tenga ko ang headset. Kinuha iyon ni Jake at inilagay din sa tenga niya. Kumunot ang noo niya, siguro ay nagtataka kung bakit wala namang maririnig na tugtugin doon.

"Wala akong narinig kung iyon ang inaalala mo." sinuluapan ko siua at pili na nginitian. Hinatak ko ang headset mula sa kanya. Agad akong umalis sa harapan niya. Kumuha ako ng tissue para punasan ang kamay ko.

"Mauna na ako." kinuha ko ang bag ko sa mini office at nilagpasan siya. Pilit kong pinapasaya ang boses ko. Sa fire exit ako lumabas dahil alam kong andoon pa sila sa harapan. Dinig ko pa rin kasi ang mga boses nila. Pero maling choice ata dahil nasa labas ng pintuan si Randy na naninigarilyo. Kita ko ang bahagyang pagkagukat niya nang makita akong lumabas sa pintuan. Pinilit kong maging normal ang pakikitungo ko sa kanya.

"Bye po Sir, Uwi na ako." bati ko sa kanya at nagmamadaling naglakad.

Habang naglalakad ako ay panay ang buntong hininga ko. Pinipigilan ko ang mga luha sa gilid ng mata ko. Baka isipin ng mga tao ay napapraning na ako. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto.

Alas nueve na ng gabi. Hindi na ako nakababa para maghapunan. Wala akong gana. Tulala lang ako na nakahilata sa kama ko habang umaagos ang mga luha ko. Pang-ilang katok na ni Rojun pero hindi ko binubuksan ang pintuan para kumain ng hapunan. Lagi ko siyang sinasabihan na busog ako. Gustong - gusto ko na rong matulog pero kada pikit ko ay bumabalik sa akin ang mga narinig ko kanina.

Masakit. Sobra. Pero kailangan ko na siguro talagang bitawan kung ano man ang nararamdaman ko kay Brent. May Rosean na siya. At wala naman akong laban doon. Mas siya sa lahat ng bagay kaysa sa akin. At higit sa lahat, tanggap siya ng mga kaibigan niya.

------------------------------------------------------

2nd update for this month.

Hopyalayket
-Jel

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon