Nine

175 5 0
                                    

NEVER BELONG

"Ano naman sa iyo kung kinausap ako ni Luis? Kahit pa sabibin nating muntikan na kaming magtsup-tsupan. Dapat hindi ganoon ang ginawa mo. Malay mo naman may ibubulong lang siya o ano. Masyado ka!"

"Edi bumalik ka doon!! Sige makipag tsup-tsupan ka sa hayop na iyon!"

Napanga-nga ako sa narinig. Ang isa sa mga kilala kong tao na napakaseryoso ay marunong magsabi ng tsup-tsup?

Humagalpak ako sa tawa. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan akong yumuyuko na sa sobrang tawa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Ulitin mo nga iyong sinabi mo?" halos hindi ko na masabi dahil tawa pa rin ako ng tawa.

"Tumigil ka nga! Hindi ka ba titigil?" aniya. Umigting ang panga niya."Baba!" mas pagalit niyang sabi.

Pinilit kong umayos  bago bumaba sa kotse niya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa driver's seat nang hindi pa ako nakakalayo.

"Hoy! Hoy ano!? Babalik ka nga?" sigaw niya.

"Sabi mo makipagtsup-tsupan ako eh." patay malisya kong tanong at pinipigilan ang pagtawa. Tumalikod ako at bahagyang tumakbo.

"Rensy!" naririnig ko ang pagtawag niya ng ilang beses.

"Ang tigas ng ulo mo." aniya nang halod ay magkapantay na kami sa paglakad takbo.

"May ulo bang malambot?" wala sa sarili kong sabi. May kung anong pumasok sa utak ko. Ang halay! Tsk! Nakita kong namula ang dulo ng kanyang tenga.

"You just made it hard." nakangisi niyang sabi. Tsaka ko lang napagtantong nakatingin pala ako sa bababg bahagi ng katawan niya. Ngayon ako naman ang namula.

Iisipin ko sanang nagseselos siya noon. Kaso... Sige.. Iisipin ko na lang na ganoon nga.

Alas diyes na ng gabi pero medyo puno pa rin itong shop. Narinig ko kanina sina James at Brent na pupunta sila sa bar nina Jake.
Birthday kasi ni Randy.

At dahil si Randy iyan, edi nganga ako. Kahit kailan talaga ay hindi kami magkasundo. Ewan ko ba kung bakit.

Lumipas ang isang oras. Nakaidlip pala ako. Nagising lang ako sa tawag mula sa aking phone. Nakita ko ang pangalan ni Briana sa screen bago huminto ang tawag. Agad kong pinulot ito para ibalik ang tawag pero naunahan niya ako.

"Hello friend?"

(Sis! Sunod ka dito. Nandito si George. And I think nilalandi na naman niya ang kapatid ko.)

Whaaaaaat!!!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

"Gail. Ito ang susi. Kayo na lang ang magsara. Check mo lahat bago mo ilock ha. Tawagan niyo muna ako bago kayo magsarado." paalam ko kay Gail na agad namang tumango.

Hindi ko na rin  kinuha ang sukli ko sa taxi at nagmadaling pumasok sa bar. Agad kong nakita sina Briana na kausap si Randy na parang may pinagtatalunan. Nasa gilid niya si Paul na nakahawak sa braso niya na mukhang pinipigilan ang girlfriend.

Nagmadali akong lumapit sa kanila.

"That's okay Bri, I know my cousin. And wala namang masama kung nilalapitan niya si Brent. May pinagsamahan naman ang dalawa." kibit balikat na sabi ni Randy kay Briana. Sasagot ulit si Briana nang nakita niya ako.

"Rensy! "

Kaagad na lumipat ang tingin nila sa akin. Nakita ko ang pagbabago ng reaksiyon sa mukha ni Randy. Napalitan ito ng inis.

"Asaan si Brent?" tanong ko agad kay Briana. Tinuro niya kung saan namapwesto sa dance floor si Brent.

"Why are you here? You're not invited." singit ni Randy.

"Don't be rude dude." rinig kong sabi ni Paul.

"Happy Birthday pero sorry, hindi ikaw ang pinunta ko dito. At sorry na rin in advance dahil kakalbuhin ko ang haliparot mong pinsan." sagot ko at nagmadaling nakihalo sa dance floor.

Si James ang unang nakakita sa akin. Hinila niya ako at sumayaw sa harapan ko. Nakita din ako ni Jake at bineso bago nagpatuloy sa pakikipagsayaw sa mga kakilala. Sinikap kong mapalapit kila Brent at George na mukhang ginawang bonding ang pagyakap sa isa't-isa. Sinadya kong banggain sila para makuha ang atensiyon.

Shock na shock ang lola mo nang tiningniya kung sino ang bumangga sa kanila. Si Brent naman ay parang kinikilala pa ako dahil sa kalasingan niya.

"What the fuck girl!" inis na baling sa akin ni George.

"Oops! Sorry. Ang likot kasi ni James." aniko with patay malisya effect at sumayaw sayaw din sa harap ni James.

"Renz?" sa wakas ay nakilala na ako ng ugok na lalaking ito.

"Yes Sweetiepie?" unti-unti akong lumapit sa kanya at pinalitan ang pwesto ni George na walang nagawa kung hindi ang mapaatras. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg ni Brent. Umigting ang panga niya. Umakyat ang isa niyang kamay at hinawakan ang braso kong nakapulupot sa leeg niya. Kinalas niya iyon at ibinaba ngunit hindi niya ito binitawan.

Sa isang iglap ay nasa isang sulok na kami ng bar. Iyong hallway papuntang cr.

"What are you doing here?" inis na tanong niya.

"Huwag mo nga akong watwatin diyan?! Ikaw, anong ginagawa mo? Nagpapalandi ka na naman sa babaeng iyan. Konteng kembot niya lang, ano magpapaloko ka na naman? Kita mo na ngang may ibang kalandian na iyan. Malandi iyan. Hinding hindi siya makokontento sa iisang lalaki. " ani ko.

"Wha-... What are you saying? Kaibigan ko si George. Kaibigan namin. Pinsan ni Randy. Normal lang na andito siya. Normal lang na makasama namin siya dito. Ano na naman ba ito? Tinawagan ka na naman ng paranoid kong kapatid?" medyo malakas ang boses niya at napapatingin ang mga dumadaan.

Hindi lang inis ang nakikita ko sa mukha niya. There is something more.

"Walang ginagawa sa iyo si George kaya huwag kang magsalita ng mga ganyan tungkol sa kanya. And why are you here anyway? Hindi ba ay binilin ko sa iyo ang shop kanina?" aniya. You are just my employee pero masyado ka nang nakikialam sa buhay ko!

Masyadong marami akong narinig sa kanya na ayaw tanggapin ng utak ko. Tsaka ko lang nalaman nang hindi pala ako humihinga nang kinailangan ko na ng hangin. Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"S-sorry Sir." iyon na lang ang tangi kong nasabi. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Pilit ko iyong inaalis sa paglunok ko.

"Brent!"

Nakita ko ang papalapit na si George galing sa likuran ni Brent. Kasunod nito si James, at Randy. Hinawakan niya ang balikat ni Brent na siyang naging dahilan ng paglingon nito. Bigla ay parang nakaramdam ako ng hiya. I felt indifferent. Pakiramdam ko ay hindi dapat ako nandito. Hindi dapat ako nakikisama sa kanila.

May ibinulong si George sa kay Brent bago sila umalis sa harap ko. Si Randy lang ang natira at tumabi sa akin. Sa sobrang lakas ng music ay kinailangan pa niyang ilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"You know what, katulad nga ng laging sinasabi ko sa iyo. I don't like you for Brent. You don't deserve our frienship." Cool pa rin na sabi niya.

"I'm not belong here..." halos pabulong ngunit patanong na sabi ko.

"Never." sagot niya at umalis na rin. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang kasabay ng pagpatak ng luha ko.

----------------

Hopyalayket

-Jel

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon