Thirty One

175 2 0
                                    

The Awakening

"Wake up! We're here."

Nagising ako sa pagtapik ni Brent sa pisngi ko.

Agad akong bumangon. Tiningnan ko ang orasan sa cellphone kong madaming notification galing kay Kevin. Dalawampung minuto akong nakaidlip.

Agad akong bumaba nang katukin ako ni Brent na nakababa na.

Nagtipa ako ng isang mensahe para kay Kevin bago ako lumabas ng sasakyan.

Anong ginagawa namin sa tabi ng mga unibersidad?

Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa makalapit kami sa isang construction site.

Nilingon ko si Brent sa gilid.

Nakapamaywang ito habang sumasagot sa bati ng mga nandoon. Nang matapos ang mga bumati ay huminga siya nang malalim tsaka siya lumingon sa akin.

Magtatanong pa lang sana ako pero naunahan na niya akong magsalita.

"This is our first branch." iyon lang ang sinabi niya.

"You mean branch ng S&T?" tanong ko. Sinagot lang niya akonng tango.

"Oh! Wow! Congrats!"

Hindi na ako nagtaka na makakaisip sila ng ganiti. For two years, witness ako kung paano paunti-unting lumago ang negosyo nilang magkapatid. I was there, I am a part of it kaya naman nakakatuwa.

"Ang sarap naman sa pakiramdam. Feeling sucessful na rin ako." Wala sa sariling nasabi ko iyon sa kanya.

"You're really a part of it. A big part of this, actually. Kaya gusto kong magpasalamat sa iyo by making this decision. Rensy, once this is done, you will be the one to manage this."

Halos lumuwa na ang mata ko sa bagal ng pagtanggap ng utak ko sa narinig.

"I know I made such decision. Pero wala na akong ibang maisip na humawak nito kung hindi ikaw lang."

"A-ahh, hindi ko alam ang sasabihin. Bakit ako pa. Hindi pw-?"

"I know that you have your own plans right now. I know I am being selfish. And I want to be selfish. I don't want you to leave us."

Parang may tumusok sa dibdib ko.

"You might not realized it yet by this time pero alam kong ganoon ang mangyayari."

Sa sobrang bigat ng tingin niya ay kinailangan kong yumuko. Memories with him and Yana came flooding on my mind.

Will I accept his offer? Paano nga kung gusto ko nang umalis? Paano kung gusto ko nang maghanap ng ibang opportunities? Iyon iyong gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Pinipigilan ako ng ano?

Naiilang akong tumingin sa kanya. Seeing his eyes that plead is an amazing sight to see.

"I'm sorry Brent. Hindi ko alam kung paano ito. Masyadong malaki iyang niririsk mo. Ang alam ko lang ay magluto at magbake."

"Hindi naman kita pababayaan." aniya.

"Anyway, mahaba pa naman ang oras mo para pag-isipan."

"Please Rensy. S&T will never be the same without you. Gail is not enough. No one will be." aniya. Kasabay noon ay may timawag sa kanya.

"Hello Rose."

No one? How about Rosean?

I laugh inside habang iniisip iyon. Ofcourse. Kaya niya siguro inioffer iyon sa akin to totally get rid of me. Para hindi ko na sila maistorbo ni Rosean.

How stupid am I to feel hopeful about what he said.

Sa byahe pabalik sa ospital ay iyon ang laman ng isip ko.

"See you tomorrow." paalam niya nang maihatid niya ako.

Hanggang sa pagpasok ko sa kwarto ni Yana ay hindi pa rin ako nakakamove-on.

"Hoy! Ayos ka lang ba?" tinapik ako ni Paul habang nakatalumbaba ako sa gilid ng hinihigaan ni Baby Nicolo.

"Ah. Oo. Paul una na ako. Pakisabi na lang kay Yana kapag nagising na babalik ako bukas ng gabi." paalam ko sa kanya.

"Oh! Sige. Huwag mo kasi siyang masyadong isipin. Mahal ka nun." aniya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagkaanak ka lang, naggaganyen ka na!" asik ko.

"Sige na. Uwi na ako. Tingnan mo iyang dalawa." sabi ko bago lumabas ng pinto.

Kahit sa bahay ay wala akong gana. Alam kong pansin iyon ng kapatid ko. Hindi niya ako inaasar, at hindi din siya umiimik.

"Itanong mo na kung may gusto kang itanong. Tingnan mo nga, hindi mo na nangunguya iyang kinakain mo!"

Umiling-iling lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Si Gail ang naabutan ko sa storage room.

"Ma'am Rensy!" bati niya sa akin tsaka niya ako niyakap.

"Ang aga niyong dalawa ni Sir ah!" aniya.

"Huh?"

"Nandito na rin po si Sir Brent. Fresh from the bath. Galing jogging."

Ngumuso si Gail sa bandang pintuan. Lumingon ako at nakita kong palabas si Brent sa restroom.

"Goodmorning." iyon lang ang sinabi niya at nilagpasan lang ako pagkatapos niyang ipaamoy ang halimuyak ng katawan niya.

Asar!!!

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon