Seven

191 2 0
                                    




Pagkatapos kong magtuhog ng hotdog at marshmallow kasama si Gail, ang kahera namin ay pumunta na kami sa bonfire sa labas.

"Ate Rensy!" bati sa akin ni Yui. "Oh! Bakit nandito ka?" tanong ko habang hinahaaang kunin niya sa akin ang mga hotdog. "Boring sa kabila." aniya at nauna ng lumabas.

"Gail, Pakikuha na lang ung mga marshmallow na tira." sabi ko. Nasa labas na ang mga kasama namin. Si Briana naman ang nakatoka ngayon sa labas. Bumuo kami ng bilog sa paligid ng bonfire. Napagdesisyunan kasi ng lahat ng taga S&T na magkaroon ng open forum. Si Jake ang nagmungkahe nito. Para naman daw mas maging matatag at maayos ang mga trabaho namin. Si Jake ang partner nila Briana at Brent sa Sweeties and Tweeties. Paminsan-minsan ay siya din ang pumapalit kay Brent sa pagbabantay kapag umaalis ito papuntang Tokyo para bisitahin ang ama nila doon.

Maayos at talagang marunong sa mga gnitong bagay si Jake. Nakakamanghang sa edad na 24 ay involve siya sa management ng limang resto bars, at dalawang resort maliban pa dito sa S&T at sa West Point, isang sikat na bar na pag-aari niya.

"So Guys! Let's do this. Alam kong dahil sa agwat ng mga edad natin ay paminsan-minsan, hindi tayo nagkakaunawaan.. So, sana maging open tayo sa isa't-isa ngayon. Ilabas niyo kung ano man ang galit, inis, tuwa. Kung anong nararamdaman nating lahat towards our work or with our workmates. Magkakasakitan tayo, pero hindi pisikalan. Don't be scared. Kasi nandito tayo para ayusin kung anuman ang dapat ayusin, at tanggapin kung ano man iyong masasabi sa atin wether it's good or bad, positive or not. We can forget this night when it's done. Okay?" ani Jake. 'So, who wants to start?" aniya pero walang nagboboluntaryo.

"Kuya Jake, para maganda, heto. Spin the bottle para walang pilitan kung sino mauuna." biglang singit ni Yui. Nag-agree naman ang lahat.Puro tawanan lang ang nangyari dahil sa mga biro na kuwari ay sumbong. Hindi naman naging mabigat ang sitwasiyon dahil wala naman talaga kaming problema sa samahan sa trabaho.

Sa buong activity na iyon ay iniwasan ko si Brent. Sa totoo lang ay nahihiya pa rin ako sa nasabi ko kanina. Pero mas nangingibabaw pa rinang sama ng loob ko sa nangyari. Nakadalawang bote na ako ng beer nang maramdaman kong may tao sa likod ng batong inuupuan ko. Lilingon na sana ako nang magsalita ito na siyang ikinatigil ko.

"Eherm! Ah-ahmm. It's already cold. Pasok ka na."

My heart beats wilder nang maramdaman kong tumabi siya sa akin. Amoy na amoy ko ang yummy-ness niya. Jusko Lord!!.

"Ah-ahh. Dito lang muna ako. Nagpapahangin lang." Halos mapugto ang hininga ko sa pagpipigil na yapusin siya at amoy-amuyin. 'Jusko naman Rensy! Wala ka na talagang natitirang hiya sa katawan!' Puna ko sa sarili.

"Ahm. Renz, tungkol sa sinabi ko kanina. Ahm, wala akong ibig sabihin doon. Ang sa akin lang ay, magkakagusto ako sa kanino ko gusto." Mabilis na humugot ako ng hangin. Para bang naramdama kong may nabasag sa loob ko.

"Busted na ba ako?" Wala sa sarili kong nasabi. Kumunot ang noo niya.

"Sabi mo, gusto mong magkagusto sa taong gusto mo talaga. Meaning, choice mo kung sino ang magugustuhan mo. Parang ako rin naman. Ikaw ang gusto ko. Kahit alam kong iba ang gusto mo." napangiti siya ng mapait.

Inubos ko ang laman ng huling boteng iniinom ko at tsaka ako tumayo. Aalis ako. Ayoko nang marinig ang sasabihin niya. Papatigilin na naman niya ako sa pagsunod sa kanya. Hindi ko kasi kaya. Masakit kapag nakikita ko siyang may katabing ibang babae.

"H-hindi ko naman sinabing hindi mo ako pwedeng magustuhan. HIndi ko naman kontrolado ang feelings mo. Hindi naman kita pinipigilan. Baka kasi mamaya...."

I was holding my breath waiting for his words.

"Baka kasi mamaya, magustuhan din kita."

Hindi ko na namalayan ang sarili ko na tumatakbo na pala pabalik sa kanya. Nakita ko nalang ang sariliko na hinahalikan siya. Ramdam ko ang pagkabigla niya ngunit nang magtagal ay tumutugon na rin siya. Nalasahan ko agad ang magkahalong pait at anghang at tamis sa bunganga niya.

"Hihintayin ko ang araw na iyon Brent."

Masaya ang tulog ko nang gabing iyon.Dala-dala ko sa pagtulog ang saya. Pero nagising ako dahil sa ingay sa labas ng rest house. May naririnig akong mga hagulgol. Agad akong bumangon at tumungo sa labas. Kasama nila Brent ang mga pinsan nila at may tinitingnan na kung ano sa cellphone ng isang kasama nila. Lumapit ako kay Briana na yakap-yakap ang pinsan niyang si Iara. Bukod kay Iara ay nakita ko rin ang ilan sa mga babae ang umiiyak din at mukhang balisa. Tinipa ko ang balikat niya.

"Anong nangyayari friend?" Marahan kong tanong. "Si Yui kasi. May pinost siyang picture ng isang car accident sa fb account niya. Siguro ay nadaanan niya kanina. Nagkataon kasing pamilyar ang kotse. Sa kaibigan nilang si Gian daw yata iyon. Pinuntahan nila Jake at Randy iyong lugar. Buti nasabi pa ni Yui kung saang banda iyon." Aniya. Narinig kong nagsalita si James at tinatawag ang atensiyon naming lahat.

"Guys, sa Calatagan District Hospital daw itinakbo ang mga naaksidente. Papunta na doon sila Jake. Pulis na lang daw kasi ang naabutan nila."

"Come on. Pack your things at pupuntahan na natin sila." si Brent. Agad kaming kumilos. Lahat ay natataranta at balisa nang nasa biyahe kami. Kasama ko ang isa nilang pinsan na si Jhinno sa sasakyan ni Brent. Panay ag mura niya ng mhina sa likod. At halos mamula na ang mata sa pagpigil ng emosiyon.

"Relax brother. Malapit na tayo. Just pray that they are all in good conditiion." pang-aayo ni Brent sa pinsan.

Magkasabay na dumating ang sasakyan namin at ng sasakyan nila Iara. Nalaman naming tatlo ang biktima sa aksidente. Kumpirmadong dead on the spot ang isang babaaeng kaibigan nila habang nire-revive ang lalaki. Ang isa naman ay nasa recovery room. Halos magkagulo ang lahat sa kung kanino pupunta. Sinamahan ko sina Briana sa kwarto ng kaibigan niyang naaksidente. Si Brent at si Jhinno naman ay humiwalay.

Nadatnan namin ang isang babaeng umiiyak habang kinakausap ang nakapikit na dalaga. May sugat ito sa ibabang bahagi ng sentido niya at my benda ang isang braso. "Tita Len." "Hindi pa siya nagigising." Aniya kay Iara nang lumapit ito sa kanyang kaibigan. Maya maya pa ay nagsidatingan na rin ang ibang mga kasama nila kanina.

Hindi ko kinaya ang sitwasyon sa loob kaya lumabas muna ako saglit. Hindi nagtagal y nakita kong papalapit sina Brent. Kasama nila ang lalaking nakita ko noon sa party. Na kamukha ni Damon Salvatore. Malungkot ang mga mata nito. Tinipa ni Brent ang balikat nito bago pumasok sa kwarto. Umupo naman ang aky-akay ni james na isang banatilyo.

"Kuya, wala na si Gian." aniya kasabay ng pag-iyak niya.

'Diyos ko! Ang babata pa nila.' Iyon ang una kong nasabi nang nasa harap ako ng maliit na altar ng ospital. Umalis muna ako doon dahil hindi ko talaga kinaya ang paligid. Naaalala ko kasi ang mama ko. Hindi ko man lang siya nakita noon. Sa litrato ko lang siya nakikita. Kabaligtaran naman ang sitwasyon ngayon. Magulang na namatayan ng anak. Hindi ko lubos maisip kung papaano ang nararamdaman ngayon ng mga magulang ng mga batang ito. Siguro iba ang sakit dahil galing sa iyo ang nawala.

Nang makauwi ako ng bahay ay agad akong humiga sa kama ko. Ramdam ko ang pagod ko sa buong araw na ito. Hindi na ako nagpahatid kay Brent dahil alam kong tutulong silang mag-asikaso. Kinabukasan pagkapasok ay sinabi sa akin ni Briana ang lahat ng nangyari tungkol sa aksidente at tungkol sa mga involve sa aksidente. Sa kanya ko nalaman na magkapatid pala ang naaksidente at iyong isang babaeng namatay ay girlfriend noong si Gian at ex ng pinsan nilang si Jhinno. Si Glenn na kapatid noong si Gian ang nakaligtas. Kilala ko si Glenn dahil nagpupunta iyon dito sa shop kasama si Iara o minsan ay si Jhinno.

"So friend, confirm! May forever!" sabi ko kay Briana. "Naku! Ayaw ko naman na ganun ang magiging khihinatnan ng forever ko. Di pa nga ako natsutsuktsak." baliw talaga itong Briana na ito.

"Ma'am Rensy! Hindi kayo pumasok kahapon. Sayang! Hindi niyo nakita si Sir Brent." pambungad sa akin ni Gail.

"Ano! Dumating na ang gagong iyon?!" Sa tindi ng pagkagulat ko ay napamura tuloy ako.

"Are you calling me?" sabi ng isang boses na narinig kong puamasok sa pintuang pinasukan ko kanina. Agad ko siyang nilingon.

"Brent!?" halos hindi ako makapaniwala na dumating na siya. Nagpunta kasi siya sa Japan tatlong linggo na ang nakakaraan at ni isang minuto ay wala siyang tawag kung kailan siya babalik. Wala man lang pasabi sa kahit sino dito. Tapos sa hindi naman inaasahang pagkakataon at hindi ako nakamake-up ay susulpot siya.

"Don't worry. Namiss din kita. Konti lang." hindi pa man ako nakakapagtanong ay nakakuha na ako ng sagot.
-----
hopyalayket
Jel

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon