Thirty

184 2 0
                                    

Tino La

"Hiiii! Baby Nicolo!" excited kong bati nang nakarating kami sa kwarto ni Briana. Mukhang kakatapos lang magdede dahil nakadungaw pa doon si Nanay Luz. Nagulat pa nga si baby sa pagbati ko. Nakasunod lang sa akin si Kevin.

"Hi Briana." bati niya.

"Oh! Hi Kevin. Nice to see you again." bati rin ni Briana.

Nilapitan ko si Paul para ibigay ang hinanda kong sandwiches. Agad naman itong gumawa para kay Briana.

Si Briana ay kausap naman si Kevin na nakaupo lang sa sofa.

"Kumusta naman ang Daddy?" tukso ko kay Paul.

"Nabuhat mo na ba si Baby?" tanong ko.

"Hindi pa. Hanggang haplos lang iyan." ani Nanay Luz.

"Natatakot nga po kasi ako. Ang lambot lambot niya." ani Paul.

"Buti nga si Brent eh. Titong Tito ang dating. Ayaw na nga niyang bitawan si Baby." ani Nanay Luz.

"Haay! Akala ko noon ay siya ang unang magkakaanak dahil siya ang lalaki." aniya.

"Nay Luz naman. Nasa tamang edad na kami. Wala nang sense kung sino ang maunang magkaanak o magkapamilya sa aming dalawa. Ikaw talaga. Mas paborito mo talaga si Brent kaysa sa akin." ani Briana.

"Hindi naman sa ganoon. Dahil nga dati ay papalit palit ng babae. Buti nga ngayon ay pumirmi sa isa. Sana nga lang ay iyin na ang makatuluyan niya." Lumipat ang tingin ni Briana sa akin na tipid ang ngiti.

"Mamaya ay pupunta ulit iyon dito kasama si Papa. Will you stay longer? Nagpadala ako ng lunch. Ayaw ko ng pagkain dito."

"Ah, hindi ko alam. Baka kasi may pupuntahan si Kevin." sabi ko

"It's okay Rensy. I can stay here after lunch. Hapon pa naman ang lakad ko." ani Kevin.

"That's great." ani Briana.

Habang naghihintay ng oras ay kung ano-ano ang napag-uusapan namin.

"So, ano nga pala kayong dalawa? Mukhang dumadalas na ha!" biglang tanong ni Briana.

Parang umurong naman ang dila ko.

"Ah-ahh. HOHOL." nahihiya kong sabi.

"Huh?"

"Hang out hang out lang. Ano ka ba?!"
Sabi ko. Seriously it's getting awkward.

"Baliw na baliw na nga si James noong nandoon ka at nakikita kaying magkatabi. Alam mo namang number 1 fan niyo iyon ni Brent."

At mas naging awkward pa dahil sa sinabi ni Paul.

And speaking of the devil and the devil shall appear.

Natahimik kami nang makita si Brent na pumasok.

" Why the stares? Are you talking about me?.....I guess you are." aniya at tiningnan kami isa-isa.

Sumunod na pumasok ang kanilang ama kasama ang personal nurse.

"Magandang araw po." Halos sabay kami ni Nanay Luz na bumati.

Lumipat agad ako sa tabi ni Kevin na nakatayo na sa gilid malapit sa pintuan. Umupo naman ang ginoo sa sofa habang nakangiting sumusulyap kay baby Nicolo. Si Brent naman ay agad na tinanaw si Baby.

Akala ko ba ay bantay ngayon ito sa shop?

Nilapag ng nurse ang isang bag doon sa mesa. Nang buksan iyon ni Brent ay mga pagkain pala ang laman nito. Ito siguro iyong sinasabing lunch ni Briana.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon