Six

211 4 0
                                    

Edi Huwag

"Huwag kang mag inarte ah! Ang gando mo! Ang arte-arte mo pa eh, gustong gusto mo namang kasama ang kapatid ko!" makailang sabunot na ba ang nakukuha ko sa Briana na ito.

"Friend! Ilang beses ko na siyang nakitang nakikipagchurvahan sa kung sino-sinong babae diyan? Akala ko malala na si James, mas malala pa pala siya! Hindi mo ba iniisip na sa bawat pagkakataon na nakikita ko siyang nakikipag-untugan ng labi sa iba't-ibang babae ay nadudurog ang puso ko?!" madrama kong sabi sa kanya.

Nooong unang beses nga na makita ko siyang may  katsup-tsupan ay umiyak ako. Pagkatapos iyon ng klase namin noon at inutusan ako nitong si Briana na sabihan si Brent na hindi siya makakasabay sa kanya pauwi dahil monthsary nila ni Paul Paolo at sila ang magkasama. Naalala ko pa ang ginawa kong pag-iiskandalo noon. Sinugod ko sila at hinampas ko ng bag ko ang babae. Sinabihan ko siyang malandi habang itinutulak ko siya pababa ng bleacher. Agad namang tumakbo ang babae. Samantalang ang magaling na si Brent ay pinapanood lang akong nagwawala.

Pinalakpakan pa ako ni Briana na sumunod pala roon dahil nakalimutan niyang isauli ang menu book ko. Ang ending ay nagwalk-out ako sa sobrang hiya kay Brent. Pero nang magkita kami mga ilang araw ang nakalipas ay sinabi niyang okay lang naman daw ang ginawa ko kasi ayaw niya sa babae. Daw ah! Eh halos magkapalit na sila ng mukha nun. So ayun! Everytime na nakikita ko siyang may kalampungan ay ayon! Nagsu-super saiyan 3 ako. Okay lang naman daw sabi niya diba?

Actually, noong una ay naeenjoy ko iyong pangtataboy sa mga babaeng haliparot na gustong makascore sa sweetie pie ko. Noong minsan nga ay biglang nanahimik ang isang grupo ng mga babae nang madaanan ko ang mga ito sa corridor ng school. Nang makalagpas na ako ay narinig ko silang bumulong.

"Iyan iyong babaeng nang-away kay Maxene sa court. Sabi ng kuya ko girlfriend daw ni Brent iyan. Balita ko mas mataray pa iyan sa kakambal niyang si Briana kaya iwas-iwas muna ang pangi-stalk kay Brent. Baka mamaya makalbo tayo ng wala sa oras."

At doon ako nagsimulang katakutan. I mean hindi naman siguro ako kinakatakutan. Umiiwas lang talaga siguro sila sa  gulo. Sa tuwing kasama ko si Brent ay wala kahit isang pumapansin sa kanyang babae. Kaya siguro panay ang labas nila sa gabi nila James dahil hindi na siya makapaglandi  kapag kasama ako.

"Renz naman eh! Kasi naman! Natutuwa pa nga iyon kapag  nadoon kang binubulabog mo siya eh! " aniya.

"Anong natutuwa? Tingnan mo nga noong isang araw? Halos machop-chop na nga ako sa sobrang  talim ng tingin niya sa akin eh! Biruin mo iyon? Napakasexy at napakagandang babae na noon. Flawless ang legs, halos ka-size lang ng leeg ko ang beywang niya tapos ang boobey the! Eh talaga namang makikipagpatayan ang kung sinong lalaki para doon! Tapos! Ewan ko ba kung bakit sinunod kita at ginulo ko ang moment nilang dalawa." umiiling-iling na lang ako nang maalala ang nangyari kagabi.

"Akala ko ba gusto mong makamove-on na siya kay Georgina? Hindi pa ba iyon nakakamove-on? Isang taon ng walang paramdam." tanong ko sa kanya.

"Siyempre, gusto! At hello?, bakit ikaw? Akala ko ba type mo ang kapatid ko?" tanong niya.

"Siyempre type na type ko siya! " sagot ko.

"Iyon naman pala eh! Bakit nag-iinarte ka pa diyan?"

Napasabunot na lang ako sa sarili.

"Hindi mo ba  ako nakikita?! Malayong magkagusto iyon sa akin. Ang type niyang babae, iyong parang kagabi. Tingnan mo nga ako? Sexy ako alam ko, pero ako lang kasi nakakaalam noon eh! Haist i'm not  his type of a girl." maarte kong sabi.

"Haay! Oo na! Oo na! Iyon na nga eh, maganda ka naman at sexy, kulang ka lang sa kalandian! Gamitin mo iyang katawan mo para makuha si Brent!" aniya na siyang ikinalaki ng mata ko.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon