Fifteen

192 4 0
                                    


MONSTER

" So everything is set. Are you both ready?"

We are ready for Palawan. Wedding day na ng friend niya. Sa Batangas kami magmumula. Ang sabi ay doon kami sasakay papuntang Palawan.

Nasa Batangas pa ang ikinakasal. Doon kasi gaganapin ang seremonya bago sila magpunta ng Palawan.

Malapit na kami sa pier nang tumunog ang telepono ko. Si Brent ang tumatawag. Tamad kong sinagot ito.

"Hello Sir!"

"Okay po copy."

"Huwag ka nang matulog. Malapit na tayong bumaba. Mauuna tayo sa Palawan." sabi ko kay Glenn.

Lumapit ako sa mga tao sa daungan para magtanong kung saan ang sasakyan namin.

Nang maituro sa akin kung saan kami sasakay ay binalikan ko na sila Glenn.

"Yatt 7. Margarita.Yun daw ang maghahatid sa atin sa Palawan."

Sumakay na kami sa Yate at nagsimila nang magayos ng kakailanganin doon para mamaya. Kaunti lang naman ang mga dala oo dahil meron naman daw mga kagamitan doon.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang muling tumawag si Brent.

"Hello? Hindi ka na nagreply.

Nakasakay na ba kayo?" tanong nito.

"Yes Sir. Nakaalis na rin kami 10 mins. ago."

"Bakit hindi ka nagsabi? Kailangan ko pa bang tumawag para malaman ko?"

"Sir naman. Malay ko ba baka busy ka kaya di na kita inistorbo!" Hindi ko mapigilang mainis. Kanina ay kasama niya si Rosean papuntang Batangas. Naiinis lang ako sa ideya na hanggang ngayon ay magkasama pa rin aila. Marahil kung sakali ay ipinakilala na ni Brent si Rosean sa mga iba pa nilang kakilala. Hindi kami nagkita ni Rosean kanina pero malamang ay alam niya na kasama ako.

"Are you raising your voice at me again?

Ilang beses ko bang ipapaala sa iyo na---"

"Na boss po kita at trabahador mo lang ako? Sorry nman po SIR! Hindi na po mauulit. Okay na po ba SIR?"

"We'll talk later! Don't you dare shout at me again!" Hindi ko na napigilang maluha sa inasta niya.

"Ate okay ka lang?"

"Okay lang ako Glenn. Hayaan mo lang muna ako. Go get some fresh air outside. Sayang ang moment. Maganda pa naman ang view sa labas. Go! I'll finish this. Magrelax ka lang muna. It will be a long day for us." inabala ko na lqng qng sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit.

"Oh! Tapos na magselfie? Ang gaganda ng kuha mo. Sana ako din nagpictu-picture. Kainis kasi yung Brent na yan eh."

After almost 3 hours ay nakarating na rin kami sa venue.

"3 pm daw start ng program. May 2 hours pa tayo to prepare. Kain muna tayo sabi ni Monster."

Pagkatapos naming kumain ay gumawa na kami ng mga desserts.

Buti na lang at natapos na ako sa cake nang tumawag na naman siya para sabihing nandito na siya.

Marami na rin nagsisidatingan sa venue.

"Ayan! tapos na. siguro naman ay wala ng masasabi ang halimaw na iyon!" bulong ko.

"Sinong halimaw?" halos mabitawan oo ang panghiling tray ng mousse.

"Rensy. Let's talk." wala akong nagawa kung hindi nagpadala sa hila niya.

"Ano na namang problema mo? May sumpong ka na naman. Why are you like this, ilang araw na. I heard you were drunk last night. Pwede nagawa mo pa ang trabaho mo." aniya nang nasa kusina kami. Nakapamaywang ito pero hindi nakaharap sa akin. Kumuha ito ng isang chocolate mousse at tsaka kinain.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon