Twenty One

155 3 0
                                    

Convinced

G*go talaga! Iyong jowa mo kaya ang nagparegister sa akin! Pucha! Pag-untugin ko kayong dalawa eh.

"Hindi ba nasasabi ni Rosean sa iyo? Siya ang nag-recommend sa akin doon."

"What?! And why would she do that?"

Kasi gusto ka na niyang masolo at matali sa iyo.

"Huwag ka ngang ganyan. Don't roll your eyes on me. Naiinis na ako Rensy!"

"Kailan ka ba hindi naiinis? Lagi-lagi ka ngang naiinis sa akin. Dapat nga natutuwa ka sa balak kong pag-alis. I always make you feel irritable, uncomfortable. Why don't you just let me go? "

It's not a good idea na lumabas si Yana sa kwartong ito. Mas lalong hindi lang kami magkakasundo ng g*agong ito eh.

"I'ts not that easy to let you go."

Tangna! Alam mong may malisya ang pag-iisip ko. Ang sarap sanang pakinggan kaso hindi iyon ang ibig sabihin.

"Kasama ka naming nagsimula dito. You are important."

Tangna! Tama na! Dinudugo na ang utak ko.

" Sana naman naiisip mo rin ako. Kami ni Yana. Personal kang kinuha ni Yana at nagtiwala ako kasi alam kong may tiwala siya sa iyo. And you never failed us. Meron tayong hindi napagkakasunduang dalawa. Pero don't you see it? Lagi kitang hinahayaan. Pinagbibigyan. That's how I trust you. You're a good.. friend."

Sinungaling!

"Bakit ba kasi naisipan mo iyon? Give me a valid reason."

Gusto ko nang magmove-on, tanga ka ba?

"Kasi walang forever." hindi ko mahanap ang sasabihin ko. Ipinikit ko ang mata ko dahil alam kong pagagalitan na naman niya ako dahil sa sagot ko.

" Tsk! Seryoso ito Rensy. We need to settle this. May nagawa ba ako?"

Meron.

"May nasabi ba akong hindi maganda?"

Marami.

"Kasi napapansin ko, tumatamlay ka na. Masyado ka na bang nabibigatan sa trabaho mo? I'm sorry. Yana needs rest. Do we have to hire someone to help you?"

"Si Rosean. Pwede naman na siya ang kapalit ko 'di ba? Nagawa niya ng isang linggo. Magagawa niya iyon ng isang buwan pa o higit. And I've heard she suggested to expand S&T and offered her help. Ibig sabihin, makakatulong siya sa iyo to grow. I think we all need to grow."

"So, ibig sabihin ba niyan ay itutuloy mo talaga iyon?" nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

Wala sa sariling napatango ako. Uminit ang gilid ny mga mata ko.

"Okay then." tumango-tango siya at inalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa naging reaksiyon niya. He looked dispappointed and broken.

"What if you failed. Paano kung... I'm sorry. I'm just thinking of the possibilities."

" Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung papaano na kapag hindi ako naging successful sa training camp. Pero manalo man o matalo ay sigurado naman na madaragdagan ang kaalaman ko. I'll just do my best. Then,maybe, I need to try to look for other opportunities. Siguro naman, kung hindi ako palarin doon ay magiging sapat iyong mga matututunan ko para sumubok sa iba."

Matagal kaming natahimik na dalawa. Nakatingin lang sa isa't-isa.

"Alright! Ganito. I will let you attend that training. Pero after niyan you'll have to come back. Hindi ko tatanggapin iyang resignation mo. I'll wait for you, sucessful or not, after a month. Then we will decide if I can let you go on your own."

Mas lalo akong natahimik sa sinabi niya. He's not smiling. He's not frowning. He looked serious. Damn serious.

"See? That's how much I want you here. Me and Yana. We need you here. So please come back." nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Ganyan natapos ang usapan namin. I was left with nothing to say.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon