Epilogue

313 4 1
                                    

You are at the end of this story.

Maraming salamat dahil umabot kayo dito.

-----

Ang Malanding Pagwawakas

"We're here!"

Kulay ginto ang langit dahil sa malapit na paglubog ng araw.

Puno ng maliliit na mga lampara ang islang bababaan namin. Patungo iyon sa mapuno na daan. Sa medyo mataas na bahagi ng isla ay tanaw ang isang mailaw na mansyon o hotel nga ba ito?

Nakakapagtaka rin na walang ibang tao akong makita maliban sa dalawang tao sa dalampasigan na nagaabang sa amin.

Dahil naging abala ako sa paglibot ng paningin sa kabuuan ng isla ay nahuli akong bumaba sa yate. Ang dalawang kasama namin kanina ang naroon na lang.

"Nasaan po si Brent?" tanong ko sa isa.

"Bumaba na po. Dala na ang mga gamit niyo." aniya.

Tingnan mo iyon! Hindi man lamang ako hinintay?!

Nagmadali akong bumaba mula sa yate. Tanaw ko si Brent na naglalakad na patungo doon sa masukal na daan. Isa na lamang ang naghihintay doon.

"Nakita niyo po ba iyong lalaking kasama ko?" tanong ko.

"Opo. Nauna na po." anang babaeng natira sa baba.

"Tsk! Asawa ko iyon. Hindi man lang ako hinintay." maktol ko. Panay lang ang tawa niya.

"Halina po kayo." aniya.

"Ay! Saglit lang. Pwede mo ba akong picture-an? Sayang outfit ko eh." sabi ko sa babae. Binigay ko sa kanya ang aking cellphone. Inayos ko ang puting lacey dress ko na sumasayad sa buhangin at ang dalampasingan bilang ang aking background. Hiniling ko rin na magselfie kami.

"Salamat! Tara na!" yaya ko sa kanya pagkatapos.

Makitid ang daan nang nasa mga puno na kami. Buti na lamang at medyo maliwanag pa. Meron din namang nakakalat na poste ng ilaw doon. Medyo may kahabaan din ito. Maging doon ay hiniling ko sa kasama ko na kunan ako ng litrato.

"Pasensya na 'te ah. May fb ka ba? Ita-tag kita. Iuupload ko ito. Hashtag CloseToNature. Ganern!" panay lamang ang ngiti niya.

Nang makarating kami sa dulo ay tanaw ko ang dalampasigan na maraming ilaw.

Sa dadaanan ko ay may nakaayos na ilaw at patungo iyon sa harap ng isang punong puno ng bulaklak na arko. Kasama ni Brent doon si James at ang isang medyo may katandaang lalaki.

Isang malaking monitor naman ang nasa gilid ng likod ng arko kung saan nakikita ang pagmumukha ko.

Mga tao na nagtipon-tipon sa gilid ng altar kung saan naroon si Brent. Isa-isang naging pamilyar ang mga iyon. Nasa likod malapit sa akin ay mga mas batang miyembro ng pamilya nina Brent. Sina Iara, sina Yui at iba pa. Sa gitna ay ang mga kasama namin sa shop, sina Kevin at sina Briana ay nakangiting tinitungnan ako. Nasa gitna naman ng daan ang aking kapatid na si Rojun.

May dalawang babaeng lumapit sa akin. Ang isa ay nilagyan ako ng floral crown. Ang isa ay binigyan ako ng bouquet. Bahagya nilang inayos ang ang aking buhok.

Napatakip na lang ako sa bibig nang mapagtanto ang nangyayari.

Biglang lumapit sa akin si Rojun. Kinuha niya mula sa kamay ko ang hawak kong cellphone at sling bag.

"Antagal mo! Picture-picture pa kasi." aniyang nakangiti ngunit nakakunot ang noo.

Nagsimulang tumahimik nang may tumugtog na musika.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon