Five

257 6 0
                                    

**FAST TRACK**

-----------------------------------------------------

Gentleman

Rensy

"Hoy! Anong nangyari sa iyo?" Tanong ko kay Brent nang sinundan ko siya. Umupo ako sa tabi niya. Napalingon kaming dalawa sa aming likuran nang may narinig kaming papalapit.

"Brent! Iho." sabi ng isang kasama.. napatayo ako agad nang makitang marami siyang kasama na halos kaedaran din nito.

"Tito Rich." tumayo siya at binati ang mga nagsalita.

"This is Ricky's son by the way." pakilala noong mamang nagsalita. Kamukha niya si Damon Salvatore pero mas pinatandang version siya. At instead na aqua blue ang mata ay light brown ang mga ito. Kinamusta si Brent ng mga lalaki. Tinanong din nila kung kamusta na raw ang kanyang amang nasa Japan ngayon.

"And who is this woman?" anang isang lalaki. Lumipat ang tingin ni Brent sa akin.

"Gentlemen, this is Rensy, my date for tonight." aniya at hinawakan ang likod ko. Tumango tango naman ako sa kanilang lahat. Halos lahat sila ay huminga ng marahas.

"Really? A date only? Akala ko pa naman ay may maikukuwento na ako kay Ricky pagbalik niya." sabi pa ng mamang kamukha ni Damon.

"You look good together." aniya ng halos pabulong kay Brent bago sila umalis. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Narinig ko ang pagtawa ni Brent.

" tsk! What happened to you?" balik niyang tanong. Grabe! Na-starstruck ako. "Come on. Sayaw tayo." sabi niya at hinila ako papunta sa gitna. Nakita ko sa di kalayuan sina Briana at Pao na sweet na sweet na sumasayaw.

Cause it's you and me

And all of the people

With nothing to do

Nothing to lose

Sinasabayan ni Brent ang kanta habang sumasayaw kami. Natatawa na lang ako sa kanya dahil feel na feel niya ang kumanta. Hindi ko na rin napigilan at napasabay na rin ako sa kanyang kumanta.

And I don't why

I can't keep my eyes off of you..

Napangiti ako nang matapos ang kanta. This moment. It's just feels so right. Ako habang nakatitig sa kanya at ganun din siya. Kung sana ay totoo ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya. His smile. I barely see it.

Naagaw ang atensiyon ko sa pagtunog ng kanyang telepono.

"Okay. Sige. Tawagin ko lang sila Paolo." Narinig kong sabi niya sa kausap at ibinaba na ang telepono.

"Kailangan ko nang puntahan sina Jake. Baka kung anong gawin ng magpinsan na iyon sa restobar." Sabi niya sa akin.

"Sige." Tumango ako at isa-isa naming tinawag sina Briana, Paul at iba pa.

Kinuha ko ang bag na pinaglagyan ng damit ko kaninang umaga at doon na nagpalit. Pagkatapos ay tumungo na kami sa bagong bukas niyang bar. Nagpresinta akong umuwi na lang dahil hindi sasama sila Briana pero gusto niyang isama ako. Ichecheck lang daw niya kung kamusta ang opening ng bar niya at pagkatapos ay ihahatid na niya ako  Nadatnan namin si James na may kasamang tatlong mga babae sa table niya. Habang si Jake naman ay umiiling iling na sumalubong sa amin.

"Successful naman. Kaso hindi ko alam na madaming inimbitahan 'tong gagong ito." Aniya sabay nguso kay James na lasing na.

"Tol! Ang late niyo na nakapunta. Wala! Lasheng na ako." Bati ni James kay Brent.

"Hi! Rensy!" Masyado yatang nagulat si James nang makita ako at bigla akong niyakap. Sabay kaming bumagsak sa sofa sa sobrang kalasingan nito.

"Hey! Careful!" Narinig kong sabi ni Brent.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon