Twenty Five

192 5 0
                                    

Moving On

"Ano!? Anong naisipan ng lalaking iyan at ganyan ang inirereklamo niya sa akin!"

"Sis, bakit kasi inabot ka diyan ng tatlong buwan. Ang usapan ay hanggang dalawa lang. Ano ka ba? Inabot na ako ng kabuwanan ko, wala ka pa rin!"

Umiiling ako habang kausap si Briana sa Skype. Alam naman nila ang sitwasyon ko. Dalawang buwan pa bago ako makakauwi. Ron, Luis and Ms. Aiko gave us a Trip-to-Asia consolation price. Pati ang pagbisita at kaunting tutorial sa mga kilalang restaurant around Asia.

"Pagkatapos ng tour na ito ako makakauwi. Nag-usap naman kami tungkol dito eh. Mag-antay siya kung gusto niya talaga akong bumalik. Pa-bebe iyang kapatid mo ah."

"Hindi ba pwedeng nami-miss ka na niya? Panay nga ang tanong niya sa akin, kay Jake, at kay James kung kumusta ka na diyan."

"Halla! Bakit naman niya ako mamimiss? Panay nga ang party nila eh. Nagpapalitan kaya sina James at Ron ng mga pictures nila sa mga gimik." sabi ko.

"Isa pa iyan. Bakit mukha ka nang mas close kay Ron?"

"Yana, hindi lang naman siya. Lahat naman ng mga kasama ko. Huwag ka nang magtampo. Dalawang linggo na lang naman eh."

"Bahala ka nga diyan! Kapag ako nanganak nang wala ka pa, hindi na kita kukunin na ninang. Hindi mo siya makikita kahit na kailan!"

Para sa buntis, kabuwanan na niya ay hindi pa rin natatapos ang paglilihi niya.

"Edi wow!"

"Sige na! Sige na! Bye."

Hindi na ako hinintay makasagot ni Yana. Naibaba na niya ang tawag.

Ilang beses siya sa isang linggo kung tumatawag. Minsan pa nga ay gabing-gabi siya tumatawag o hindi kaya ay skype call. Pinipilit na akong umuwi. Minsan ay pinapabayaan lang niyang nakatiwangwang ang video call. Sa S&T man o sa bahay nila. Nakakausap ko rin minsan sina Angelo, Gail at Josh kapag napapadaan sa counter.

Mukhang maayos naman ang takbo ng shop. Hindi ko lang alam kung bakit aligaga ang lahat na pauwiin ako. Hindi kaya ganoon ay para ma-formalize na nila si Rosean bilang kapalit ko? Pwede siguro. Dalawang linggo na lang din naman. Bahala siya kung ireklamo niya ako ng kung ano-ano.

Lumabas ako sa kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko sa karagatan. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Ayoko na munang magisip ng kung ano- ano dahil mas lalo lamang sumasama ang pakiramdam ko.

Patungo kami ngayon sa Shanghai. Pagkatapos ay sa Hong Kong at Macau naman. Sa susunod ay Japan pagkatapos ay balik na kami sa SG.

Sa totoo lang ay sinuwerte talaga ako. Hindi man kami nanalo sa contest ay pakiramdam ko nanalo na rin ako.

Nakarinig ako ng pagtikhim sa aking likuran.

"Hi Renz." bati sa akin ni Kevin.

"Hello!"

"You're alone? Malamig dito." aniya. Niyaya niya akong umupo. Nirereto siya sa akin ni Ron. Madalas ay kami ang pinagtatabi sa gimikan. Hanggang sa nakasanayan na ng lahat na tuksuhin kami.

"Nakakaboring kasi sa kwarto." sabi ko. "Ikaw bakit ka nandito sa labas?"

"I just talked to my sister. Ayun, umiiyak na naman. Habol kasi ng habol sa lalaking iyon. Hindi naman siya type. Kababaeng tao, siya ang nanliligaw sa lalaki."

Ilang beses na rin niyang nakwento ang kapatid niya sa akin. Somehow, may pagkakapareha kami. Hindi madaling sumuko sa mga bagay na gusto namin.

"Hayaan mo lang siya. Dadating at dadating ang oras na magsasawa rin siya. Mapapagod din iyon. Ang gawin mo lang ay bantayan mo, gabayan mo." payo ko sa kanya. I've been there. Honestly I'm still not totally got over with him.

Dalawang linggo na lang ay uuwi na ako. Makikita ko na ulit siya. Akala ko nga, dahil lalayo ako ay makakalimutan ko na siya. Pero mali pa rin ako. Patuloy pa rin akong iiyak. Isang segundo lang na sumagi siya sa isip ko ay nadudurog na ang puso ko.

Kaya as much as I can, nag-iisip na lang ako ng iba. Si Rojun, si Papa, si Tita Reg, si Briana, pagkatapos ay babalik na naman sa kanya. Haay!

Pero titigil na ako sa kakasunod sa kanya, sa kakapilit sa sarili ko sa kanya. Maybe he's not really the one for me.

"I really like you Renz." I smiled shamely.

"Kapag natapos na ito at nakabalik na tayo sa Pilipinas, I still want to see you. Ahm, can I visit you?"

"Ofcourse! Besides, I..

Like you too."

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon