Thirteen

170 3 0
                                    

DESPERATE

"SURE KA BA? Sasama ka talaga?"

Kanina pa ako kinukulit ni Jake tungkol sa pagyaya sa akin ni Rosean kanina matapos kumain. Birthday daw kasi ng kaibigan nila ni George. Nagkataong isinama lamang siya ni Brent sa dinner bago sila magpunta doon. Which is, kasama rin si Brent doon dahil isa ito sa mga circle of friends nila. Magkakilala rin si Jake at ng may birthday, ayon sa narirrinig ko kanina.

"Ewan ko. Hindi ako makatanggi kay Rosean.," tamad kong sagot habang umupo sa fountain ng garden nila Yana. Naiwan sa loob sila Brent at Rosean. Pagkatapos kasing kumain ay naabutan namin sa sala ang parents nila Yana. At bilang saling pusa lang sa circle nila, nararapat na lumabas na lamang ako. Pero itong si Jake ay sumunod.

"You know hindi mo naman kailangang puntahan kung ayaw mo. Huwag mong pilitin. Masasaktan ka lang." aniya. Isa pa ito sa mga living witnesses sa pagkabaliw ko kay Brent. Kinamot ko ang gitna ng mga kilay ko. At pilit na itinataboy ang lalaki.

"Eh kung pumasok ka na lang sa loob. Ikaw na lang ang kulang doon oh!" inginuso ko ang mga nasa loob na nagtatawanan. Sinuklian ako ni Jake ng isang matalim na tingin bago hinila patayo.

"Eh, kung sabay na tayong pumasok!" aniya. "Jaake!" pinilit kong hilain ang kamay ko sa kanya habang sinisigawan siya. Napalingon ang mga nasa sala sa amin. Nakita kong nakangising umiiling-iling si James tsaka inipit ang pisngi ko sa dalawang palad niya.

"Hoy! Huwag mong reypin si Renz." sigaw nito. Bumalik ako sa pagkakaupo habang patungo naman sa loob si Jake. Eh, kung umuwi na nga lang talaga ako? Matapos akong kumbinsihin na huwag nang sumama , heto at iniwan naman ako. Maya-maya pa ay lumabas ulit si Jake at tumungo sa akin.

"Halika na! You are excused." Aniya. Hinila niya ako habang papalabas na ng gate. Nang madaanan namin ang pintuan ng sala ay kumaway doon si Jake. Nakita ko ang pag thumbs-up ni Rosean habang nakacross-arm lang si Brent sa tabi niya. Si James naman ay nagtatangkang habulin kami pero hindi naman siya umabot sa labas.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Jake nang pinapapasok niya ako sa kotse. Bago pa magsara ang pinto ay nagmadali na siyang umikot. Ilang minuto na kaming bumabyahe ay hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Hindi ko na rin siya pinilit. Nagkasya na lamang ako sa pagtingin ng mga street lights na nadadaanan.

Inihinto niya ang sasakyan sa isang pamilyar na parking lot. Ang alam ko ay isa ito sa mga restobar niya. Minsan na akong nakapunta dito. Kaso matagal na. Ito ang unang bar na napuntahan ko nang napasama ako sa grupo nila.

"Saglit Jake!" hinabol ko siya papasok ng bar. Hinigit ko ang braso niya. Tinanguan lang niya ang bouncer at patuloy na pumasok. Ikinawit ang kamay ko para hindi na niya ako maiwanan. Tuloy-tuloy kami sa paglalakad hanggangsa makarating kami sa counter.

"Jake?!" Pinilit kong abutin siya nang tumalikod siya at naglakad.

"Anong gagawin ko dito?" Ngumisi siya sa akin. Sinadya niyang layo pa ng kaunti para di ko siya tuluyang maabot.

"Ano ba dapat ang gawin...ng taong nasasaktan?" Aniya. "You know, just drink and don't mind everything. Ako muna ang bahala sa iyo ngayon." Then, he's gone to the crowd. Paglingon ko sa counter ay may isang bote na ng alak at baso sa harapan ko. Nginitian ako ng nandoon bago tumalikod para maasikaso ang ibang customer.

I was totally blank. Pakiramdam ko ay wala akong maramdaman. Ni ayaw kong gumalaw. I can't feel everything around me. Hindi ko rin pinapansin ang mga taong kumakausap sa akin. Ang tanging kilos ko lamang ay ang magbuhos ng inumin sa baso at inumin lahat ang laman nito.

Nagtaas ako ng kilay nang makitang wala nang laman ang bote na hawak ko. Hinanap ng mata ko ang nasa counter pero busy siya sa ibang customer. Lumingon ako sa mga taong nagsasayaw sa gitna. Parang slow motion ang pagindak nila. Gusto ko ng ganoon. Parang masaya. And just one second, nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipagsayawan sa kanila.

Ang gaan.. Ang bagal.. Gusto ko ito. Ayaw ko ng may inaalala. Kahit ngayon lang. Sigurado kasi bukas madudurog na naman ang puso ko.

Pakiramdam ko ay oras ang tinagal ko sa kakasayaw. Tumingin ako sa orasan ko. Hating-gabi na pala. Hinanap ko si Jake sa paligid. Hindi ko siya makita kung kaya'y pumunta muna ako sa restroom para ayusin ang sarili ko. Malakas ang hilong nararamdaman ko. Sapo ko ang aking ulo palabas nang makarinig ako ng boses ng lalaki at babae nagtatalo. Hinanap ko kung nasaan sila. Nakita ko si Jake at isang babae na nakatalikod sa direksyon ko.

"No! You don't have to explain. Matagal nang tapos yun. Matagal mo nang tinapos. So, it's nothing to me anymore." Ani Jake at nilagpasan na ang babae. Bigla akong nataranta nang patungo si Jake sa akin.

"Tara na!" Aniya. Hinila niya ang kamay ko. Nilingon ko ang babae na sumunod sa amin. Tinatawag niya si Jake habang sinusundan kami. Nagtinginan ang ilan sa mga nadaanan namin. Nakarating kami sa parking lot na nakasunod pa rin ang babae at patuloy na tinatawag ang pangalan ni Jake.

"Sino ba yan?" Tanong ko kay Jake pero hindi pa rin niya ako nililingon.

"Sumakay ka na lang." Aniya. Nakakunot ang noo niya habang binuksan ang pintuan ng kotse.

"Sino ba itong sunod ng sunod sa iyo?" Padabog kong sinarado ang pinto na hawak niya. Bahagya siyang nagulat. Maya-maya pa ay napalitan na ng pagkainis ang ekspresyon niya. "Pwede bang sumakay ka na lang para makaalis na tayo." Aniya. Akmang bubuksan na naman noya ang pinto pero pinigilan ko siya.

"Hindi. Sasabihin mo kung sino itong babaeng ito." Sagot ko at tiningnan ang babae. "Sino ka ba?" Tanong ko sa babae. Nag-aalangan itong magsalita at palipat-lipat ng tingin sa akin at kay Jake.

"Ahm, Janine. Ahm. K-klasmates kami noong elementary until second year college. We just bump inside. N-nagkakamustahan lang. A-are you Jake's girlfriend?"

Nalipat ang tingin ko kay Jake. Magsasalita sana ako pero hinigit niya ako palapit sa kanya. Hindi ko pa alam ang nangyari bago siya nagsalita.

"Don't be jealous. Ikaw lang naman. Tara na."

Nagpatianod ako sa pahila niya sa akin papasok ng sasakyan.

"Oh my gosh! Did you just kiss me?"

Iyan ang gusto kong itanong sa kanya. Pero mas pinili kong manahimik at hintayin siyang magsalita. Hanggang sa biyahe ay hindi siya umimik. Nagmadali akong lumabas ng sasakyan niya nang tumigil siya sa gate ng bahay namin.

"Rensy. Wait lang." Hindi pa ako nakarating sa gate nang naabot niya ang isang braso ko.

"I'm sorry. I-i didn't mean to kiss you. I'm just in desperate situation." Aniya.

"That's fine." Iyon lang ang sagot ko. Napalingon kaming dalawa sa padating na kotse. Ibinalik ko ang tingin kay Jake nang makita kung sino ang mga bumaba mula sa kotse. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko. Kinuha ko ang mukha ni Jake at hinalikan siya sa labi.

"I-i'm sorry. I'm also in desperate situation."

------------------------------------------------------------

Hopyalaket
-Jel

Happy New Year!!

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon