Eight

182 5 0
                                    

Flirt Pa More

Renz' POV

Ready...

Get set....

BAAAAMMM..

Go!!!!!!!!!!!!..

"Bilisan mo!"

"Binibilisan na nga eh!"

halos matapilok na ako sa pagtakbo nang marinig ko ang pangatlong sigaw sa akin ni Brent. Paano kasi. Kasali si Georgina sa Spartan Race na ito at kasama ang hot na hot na si Luis na bakat ang muscles sa katawan. Kaya may sumpong na naman itong isa. Nasa team Maroon sila.. Meaning, kalaban namin sila.

Kinuha ko ang flag sa taas ng kawayan. Idalawang pole na lang at matatapos na kami sa fisrst station.
Buti na lang at nagdiet ako ng ilang araw. Sa awa ng Diyos ay hindi naman ako nakarinig ng reklamo kay Brent na siyang bumubuhat sa akin para maabot ang  mga flag. Halos sabay kaming natapos.

Bigla akong na-bother nang marinig ang hiyawan ng kabiilang team. Tapos na sina Luis at George. Tumatakbo na si Luis para ma-hand touch ang kanilang ka-team para sa pangalawang level ng laro.

"Fuck it!" narinig kong sambit ni Brent. Nakita niya siguro ang paghahalikan ng dalawa sa kabilang grupo. Ramdam ko ang panggigigil ng kanyang kamay sa baywang ko nang iangat niya ako para makuha ang huling flag. 'Ouch! I mentally cursed. Hanggang sa maibaba niya ako ay nakakapit pa rin siya sa baywang ko. Naaaaramdaman ko ang hininga niya sa ulo ko.

"B-brent, kailangan nating mag hand touch sa kabila." marahan kong sabi habang unti-unting tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak niya sa baywang ko. Ako na ang tumakbo at nakipagkamay sa naghihintay na team.

Dumiretso ako sa base namin at pinanuod ang ka-team namin na nagpatuloy ng laro. May ilang bumati sa akin na unang nakasami namin sa first round.

May konting sakit pa rin ang tagiliran ko dahil sa pagkakahawak ng mahigpit sa akin ni Brent kanina. Pero mas masakit ang loob ko dahil sa isang bagay na napatunayan ko....

.....na naapektuhan pa rin siya kay Georgina. May epekto pa rin sa kanya si George.

Tumayo ako para uminom ng tubig dahil sa bigat ng pakiramdam ko.Sa halos dalawang taon, ganoon pa rin pala. Napapikit ako ng mariin.

"Okay ka lang ba?" Bigla akong napamulat ng maramdaman ulit ang kamay niya sa baywang ko.

"Sorry. Kanina." Hindi katulad kanina, marahan ang paghaplos niya.

"Bakit ka nagso-sorry?" Medyo naiinis kong tanong. Nagawa kong umalis at lumayo sa kanya. Hindi ko na siya nilingon at bumalik na lang sa panonood ng race. Lumapit sa akin ang isang player at sinabihan akong kailangan na naming pumwesto sa susunod na obstacle race..

Brent's POV

I was kinda destructed  when I saw George and that Luis  together. Nakakairita! Kung kinakailangan ay papadefault ko sila. The first game was a surprise. Kung tutuusin ay madali lang ang first game. And  I could've made it but because of this two. Kailangan ba talaga maghalikan?

Iit's a little bit mysterious that George is still with that Luis. I've been hearing a lot about them being together for one year already. Kilala ko siya. Pagdating sa relasyon ay wala siyang napagtatagalan. She's kind of a girl that is adventurous when it comes to men. And i wasn't expecting that she  will stick this long. Why can't I accept it?

Mas mahirap ang sumunod at huling parte ng laro. I can see  the fire line at the end. Yun ang magsisilbing finsh line.  It's now a do or die race. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang makitang buhat buhat ng Luis na iyon si Rensy. Patungo siya sa mga medic na sumasalubong din  sa kanila. I ran toward s them.

"What happened?" tanong ko sa  kanya. Andoon din si James. 

"I'm sorry. Hinaharot ko kasi siya. Nasiko ko ang sikmura niya." James said in apologetic voice while  touching Rensy's hair.  Nakahawak si Renz sa tiyan niya at  mariing nakapikit. Nakaupo na sia ngayon  sa isang upuan.

"Bumalik na kayo sa laro. Kami na ang bahala  kay Ms. Dela Cruz." sabi ng isa sa mga medic doon kakilala ko.

"I'll stay." narinig kong sabi ni Luis habang nakatitig kay Renz.

"No bro. I'll stay. It's my fault. Kaya babantayan ko siya." sabi ni James na lumapit din kay Renz at kinamusta. Hinahaplos ulit niya ang buhok ni Rensy. Why is he so touchy? Nagmulat ng bahagya si Rensy at  kinausap si James. Si Luis naman ay nagpaalam sa kanila bago umalis. Tinanguan niya ako bago  bumalik sa race track.

Renz' POV

Tinapik ko ang braso ni James. Medyo masakit pa ang tiyan ko at panay pa ang patawa niya. Halos patapos na ang race. Hindi na rin kami nakabalik sa laro. Ayaw na rin kasi ni James na pabalikin ako at isa pang dahilan ay pagod na raw siya.

Maya-maya pa ay tumunog na ang mga paputok hudyat na may nakatapos na ng race. Nagpalakpakan ang mga taong nanunuod at mga kasali. Inaya ako ni James na pumunta at manood ng awarding.

Nagulat ako nang nakita ko si Brent na nakatayo sa flatform ng first place.  Ang pangalawa ay si George. Ibig sabihin, nanalo ang team namin at si Brent ang unang nakatapos ng race. Magaling!

Pagkatapos ng awarding ay lumapit sa amin si Luis.

"HI!" aniya sa akin. "How do you feel? Are you okay?" sunod sunod niyang tanong. Tumango na lang ako at nakinig ng speech ng mga nanalo. English eh. Hindi ko kayang tapatan.

"Ahm-.. Can I excuse you for a while?" singit ulit niya. Ano ba naman ito!? Iniiwasan na nga eh. Bulong ko sa isip. Dahil ayaw ko namang mapahiya si koya ay pumayag na ako.

Habang naglalakad-lakad kami ay panay ang chika niya sa naging buhay niya. Nalaman kong business ng pamilya nila ay talent agency na gamit ngayon sa isang sikat na television network. Doon nagtatrabaho ngayon si George. Ayon sa kanya, they met in Los Angeles nang minsan ay may event doon.

Siya naman a may sariling business. Ayon sa kanya ay may ilan siyang Spanish resto sa Manila area at kasosyo niya dito ang ilang mga kabigan.

Pero ang ikinagulat ko ay meron na pala itong dating asawa. Dati dahil namatay daw ito sa sakit na cancer.

"And you know what it surprised me, she looks like you." aniya na ikinalito ko. Hindi ko namalayang tumigil na ako sa paglalakad at nakatulala na sa hangin.  Doon ko narealise na malayo-layo na rin ang nilalakad namin mula sa event ng game.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. "You really really look like Sarah." aniya. Hindi ko namalayan na naisandal na pala niya ako sa isa sa mga sasakyan. Tumonog ito. Naalarma ako. Agad akong kumawala sa kanya para makaalis sa pagkakasandal sa kotse pero  nahagip niya ulit ang braso ko at muli akong isinandal sa kotse.

"W-wag. Saglit! Ano bang ginagawa mo?" pilit akong kumakawala sa kanya ngunit mas malakas siya sa akin.

Umakyat ang hawak niya pataas sa leeg ko hanggang sa pisngi ko habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko ay nakalimutan ko nang huminga. Napasinghap kaming pareho nang biglang tumigil ang tunog ng sasakyan. Sa isang iglap ay nawala sa harapan ko si Luis.

Tiningnan ko ang imaheng pumalit sa pwesto ni Luis. "B-br-brent!"  mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. Tikom ang kamao nito na nakatingin siya sa nakahandusay na si Luis sa damuhan at unti-unti nang bumabangon.

HInila niya ako sa loob ng sasakyan at pinaandar ng mabilis ito. Kotse niya pala ang  nasandalan ko. Mabilis ang pagpapatakbo hanggang sa nakalabas na kami ng  area. Bigla niya itong prineno at binalibag ang palad sa manibela. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"Br-Bre-...."

"Kanina si James, tapos ngayon iyong Luis naman!?

"Ano?.....

Flirt pa more?"

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon