Thirty Six

186 2 0
                                    


Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pinto ng aking kwarto.

Hindi ako makapag-isip ng sasabihin kay Brent. Anong uunahin kong gagawin?

I wasn't sure of what I feel. Ako? Mahal niya? Tama nga siguro siya. Kung sa kanya ko narinig ang mga sinabi nila Papa ay malamang nasapak ko na siya. Mukha kasing kalokohan iyon. Actually, kalokohan nga iyon.

Pinunasan ko muna ang bakas ng luha ko sa aking pisngi bago tuluyang pumasok. Naabutan ko siya sa aking kama na nakahilata habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.

Nang marinig niyang nagsara ang pinto ay tsaka siya lumingon at bumangon.

Masyado siyang pakipot, iyon pala fall na fall din sa akin ito. Pinatagal pa ng ilang taon. Kung kailan nasaktan na ako at nagmove-on.

Nakatingin lang din siya sa akin.

Ano ba Rensy! Mag-isip ka ng sasabihin.

"Pwede ka nang umuwi. Tapos na kaming mag-usap nila Papa." Nagtaas ako ng kilay habang sinasabi iyon.

"Hindi mo ba ako kakausapin? Hindi ka ba magtatanong?" aniya. Inayos niya ang pag-upo niya.

"I'm not going home. Kung nasaan ka, dapat nandoon din ako. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. You're my wife now. Ilang beses ko bang sasabihin iyan?"

Aba! Siya pa may ganang magganyan? Marahan akong pumikit bago siya tiningnan ulit.

"Kung ayaw mong umuwi, lumabas ka dito at magpapahinga na ako."

Bumuntong hininga siya bago tumayo at lumapit sa akin.

"Is that what you feel for me now? So, you hate me now? Hindi ka ganyan dati sa akin. Masaya ka kapag tayo lang dalawa sa iisang kwarto. Madalas sa kwarto ko. You take advantage of me everytime." alanganin siyang tumawa.

"Inaasahan mo ba na ganoon pa rin pagkatapos ng lahat?" mayabang kong tugon.

"Sige na. Magpahinga ka na." dumampi ang labi niya sa aking noo. Saglit lang iyon. "Goodnight Rensy."

Hindi na ako nakagalaw. Sobrang pagod ang hitsura niya. Ilang minuto akong nakatayo. Nang marinig ko ang makina ng sasakyan niya ay tsaka lamang ako natauhan.

So umalis nga siya?!

Ano ba!? Hindi ba iyon naman ang gusto ko?!

Pabaling baling ako sa aking higaan. Iniisip ko ang mga nangyari sa buhay ko ngayon.

Nagmahal, nasaktan, lumayo, nagmove-on, tapos pagbalik ko, kasal agad sa taong dahilan kung bakit ako nagmahal, nasaktan, lumayo at nagmove-on?

Maliwanag na sa labas ng dalawin ako ng antok. Paggising ko ay alas onse na ng umaga!

Nagmadali akong mag-ayos ng sarili. Bago bumaba.

Sa hagdan pa lang ay amoy ko na ang nilulutong pagkain. Sinilip ko ang kusina at nakita ko si Brent na siyang nagluluto. Nakasando, naka-apron, at naka-shorts ito. Pagharap niya sa mesa ay nakita niya akong nakasilip. Sumimple akonng tindig at diretsong nagtungo sa banyo. Nanatili ako doon para lang tanungin sa arili kung bakut aiya nandito. Umuwi ba ito? Parang wala rin sila Papa.

Pagkalabas ko ay diretso pa rin akong naglakad patungong sala. Sa malaking sofa ay nakita ko ang nakatuping kumot at isang unan doon. Natulog ba siya dito?

Binuksan ko ang tv at tumugtog ang themesong ng isang sikat na noontime show.

Nakatutok lang ako sa panonood ng tv pero pinapakiramdaman ko ang galaw nung isa sa kusina. Naririnig ko ang kalingking ng mga plato. Bigla ko namang naramdaman ang aking tiyan na parang nagnamakaawa nang kargahan. Hindi nga pala ako nakakain kagabi.

Nadala ako sa pagpapatawa ng host sa pinapanood ko nang naramdaman ko ang paghalik sa akin sa likod ng ulo ko.

"Tuwang-tuwa ka diyan ah. " ani Brent na nasa likuran na pala ng sofa at tiningnan akong nanunuod.

"Nakakatawa kasi iyong punchline niya." wala sa sarili kong sabi.

"Come on. Let's eat. I cooked your favorite." aniya. Mabilis siyang umukot sa sofa para makaharap sa akin. Tinanggal niya ang unan sa kandungan ko at marahang hinila ang mga kamay ko para makatayo. Nakahain na ang kanin at kare-kare sa mesa. Bigla akong natakam sa hitsura nito. Kaya naman nang matapos lagyan ni Brent ng pagkain ang plato ko ay kumain ako agad.

"Nasaan nga pala sina Papa?" tanong ko habang kumakain. Pansin kong tahimik kasi ang bahay.

"Umalis sila kagabi to attend an overnight party. Nagpaalam si Rojun kanina. Pupunta daw kina Rigel." aniya habang tuloy-tuloy lang din ang pagkain.

Hindi na ako nakaisip pa ng tatanungin. Hindi ko alam kung paano siya kausapin.  I honestly don't know how to start. I don't know what to say.

"Ikqw lqng nagluto nito? Ang sarap!" kumento ko sa pagkain.

"I learned with your books." maikli niyang sagot.

"Ah." tumango-tango ako at nagpatuloy sa pagkain.

"That's what I do everytime I miss you so much. I read your menus and learn how to do it until it taste like you."

Napaawang ang labi ko nang marinig iyon.

"I-I mean... Until it taste the same as how you do it."

"Gail assisted me. When Rosean decided to left, siya iyong tumulong sa akin."

"Ano? Kailan ba umalis si Rosean? At bakit ba siya umalis?"

"2 months after you left."

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon