Sixteen

181 2 0
                                    

Not Anymore

"Ano ba Brent! Ibaba mo ako. Nasusuka na ako!" sigaw ako ng sigaw habang pinapalo ang likuran niya. Ang hirap ng pwesto ko ngayon. Binuhat niya ako na parang sako ng bigas facing his butt. Kaunting alog pa ay masusuka na talaga ako.

Ibinalibag niya ako sa frontseat. Kamuntik pa akong mauntog sa sasakyan. Buti na lang ay hinila niya ako. Pero hindi ko iyon pinagpqpasalamat dahil brutal ang paghihila niya sa akin at pag-aayos ng upo. Kung hindi lang talaga umiikot ang paningin ko ay nasapak ko na siya.

"Just seat and behave Rensy. Ayoko ng maingay. Once I heard you talking, ibaba kita kung saan tayo abutan ng daan." He said at tsaka umikot papuntang driver's seat. At siya pa ang may ganang mainis? Samantalang nag-eenjoy ako doon eh.

"Hoy! At ikaw pa ang maiinish? Samantalang nag-eenjoy ako doon eh!" inulit ko ang nasa isip ko.

"Nag-eenjoy? Halos magpakarga ka na nga sa lalaki. Hindi ka man lang nahiya? Tingnan mo nga ang hitsura mo? Hindi ka na nga makatayo ng diretso. Bubulol-bulol ka na." aniya.

"Tumahimik ka na lang diyan. Iuuwi na kita."

"Grabe siya. Sayang naman si kuya. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya." akala ko'y nasa isip ko lang iyon pero nasabi ko pala. Biglang nagpreno si Brent. Muntik na akong masubsob sa dashboard.

"Really Rensy? Talagang pinanghihinayangan mo iyong kanina?" naniningkit ang mata niya.

"Ehh! Sayang kasi talaga. Ang gwapo niya. Ang bait pa. Ang gentleman nga niya eh. Okay na siya. " muli niyang iniandar ang sasakyan.

"Pagkakataon ko nang lumigaya eh, tapos ikaw naman, dumating ka pa kasi. Edi sana nalaman ko pangalan niya."

"Just stop talking! Naiirita na ako sa kaingayan mo." aniya.

Halos buong biyahe ay pinigilan ko ang pagsuka. Sa minalas-malas pa ng pagkakataon ay sira ang elevator. Kung kaya'y napilitan si Brent na iakyat ako sa 5th floor kung saan nandoon ang aming kwarto. Ngunit imbes ba sa kwarto ko niya ako idala ay sa kabilang pinto niya ako ipinasok.

"Teka nga! Bakit dito mo ako sa kwarto mo pinapasok?" tanong ko sa kanya habang tinipa ang card sa pinto.

"Wala pa si Glenn. Nasa kanya iyong card niyo hindi ba?" aniya. Bumagsak ako sa malambot na kama. Hibdi ko maimulat ang mata ko dahil sobra ang nararamdaman kong hilo.

Sapo ko ang noo ko habang pilit na bumabangon. Mukhang hindi magandang uminom pa ako ng ganoon karami. Mas sumama pa ang pakiramdam ko.

"Brent! Padala ako sa banyo! Hindi ko na kaya." pakiusap ko sa kanya. Ramdam kong nasa nakatayo lamang siya sa gilid ng kama. Inalalayan niya ako sa banyo. Pero andami niyang sinabi.

Niyakap ko agad ang bowl at nilabas lahat ng galit at hinagpis na nararamdaman ko. Wala na akong pakialam kung nanonood sa likuran ko si Brent. Kailangan kong ilabas lahat.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghagod niya sa likuran ko. Kinalabit ko ang flush. Tatayo na sana ako ngunit

"How are you feeling?"

Kahit gusto ko siyang lingunin ay ayaw kong makita niya kung gaano ka-hilarious ang mukha ko. Umiling ako.

"Labas ka na lang muna. Please. I can handle myself. Nakakahiya." nahagip ng mata ko ang paglabas niya. Pinilit kong tumayo at lumapit sa lababo pagkatapos ng isa pang struggle. Butil-butil ng pawis ang namuo sa noo ko at sa tuktok ng ilong ko. Agad kong inayos ang sarili ko. Nakakita ako ng toothbrush na hindi gamit at iyon ang ginamit ko. Sinigurado kong okay ang hitsura ko kapag lumabas ako.

Saktong lalabas na ako nang bumukas ang pinto.

"Ano? Okay ka na ba?" aniya. May hawak siyang t-shirt at pajama niya.

"So-sorry. Okay na ako. Ikaw na." bago ako lumabas ay nilingon ko muna ang loob para siguraduhing malinis na.

"N-no. I'ts for you. Mas gaganda ang pakiramdam mo if you freshen up a bit." aniya. Nahiya tuloy ako. Pasimple iong inamoy ang sarili ko. Pinaghalong pabango at alak ang amoy ko. Kinuha ko ang mga damit na binigay niya. Isasara ko na ang pinto nang magsalita ulit siya.

"Malinis naman iyong boxers diyan."

Mapula na kanina ang mukha ko dahil sa alak pero mas namula pa ito.

Nang lumabas ako ng banyo ay sinalubong niya ako.

"Do you feel better now?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Nawala na ang hilo ko pero nandoon pa rin iyong bigat ng pakiramdam. Kailangan na lamang ito ng tulog.

Hindi ko alam kung papaano ako lalapit sa kanya.

"Y-you can take the bed." aniya.

"Papaano ka?" tanong ko. "Baka nasa room na si Glenn. Balik na lang ako doon."

"She's with Yui. Tulog na siya sa kwarto ni Yui. Yui took the room beside her. Doon na lang din ako makikitulog. Isa iyon sa mga cottage sa baba." aniya.

"P-pwede ka naman dito." sinalubong niya ang tingin ko nang nakataas ang kaniyang mga kilay.

"Promise! Hindi kita gagapangin! Hindi na. H-hindi mo naman ako pinapatulan noon hindi ba? Edi mas lalo na ngayong.. Ngayong... may girlfriend ka na." nabigla ako sa sinabi ko pero. Maging siya ay nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

"Atsaka, hindi na ako naga-gwapuhan sa iyo. Iyong..iyong lalaki na iyon. Iyon na ang pinakagwapo sa paningin ko. " hinintay kong magbago ang reaksiyon niya. Marahan aiyang tumango-tango.

"Oh! So, wala ka ng feelings sa akin?" tanong niya. His eyes looked like like he's pleading.

"A-ah. Oo. G-good news 'di ba?" Hindi ba ay iyon ang gusto niyang mangyari noon pa? Ang mawala ang feelings ko sa kanya.

"Yeah!" aniya. I'm expecting him to looked relieved and happy pero hindi iyon ang nakita ko. His face turned serious.

"Okay!" iyon lang ang sinabi niya tsaka niya ako nilagpasan s
Papuntang kama.

"Let's sleep. Goodnight. Turn off the light, please."

Bigla akong nataranta. Nagsisisi tuloy ako dahil sinabi ko lahat ng iyon.

"Halika na." isa pa niyang tawag ay tsaka ko lang nakayang ihakbang ang mga paa ko. Maingat akong tumabi sa kanya. Buti na lamang ay hinayaan niyang nakabuksa ang ilaw sa side table kaya medyo tantyado ko ang distansiya naming dalawa.

Halos hindi ako humihinga dahil nakaharap siya sa gilid ko kung kaya'y tumalikod ako mula sa kanya. Halos malaglag na ako sa kama dahil sa consciousness ko sa distansiya namin.

"Rensy, maluwag ang kama. You can move closer here." aniya.

Wala akong magawa kundi ang umusod. Pero tinalikuran ko pa rin siya pagkatapos. Naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa tagiliran ko. Aalisin ko sana kaso pagod na ako para magmulat pa ng mata.

__________

-Jel

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon