Twenty Three

159 2 0
                                    

This Is It

It was a miracle na kahit hindi ako nag-attend ng one month training ay nakapasok pa rin ako sa top 15 na pagpipilian para makadalo sa Singapore.

"Not yet Jake. Top 15 pa lamang. Bukas at sa makalawa ang finals."

Masaya akong nagkukwento kay Jake sa lahat ng nangyayari sa akin dito. Anyway, siya lang din naman ang nangangamusta sa akin. Bukod kila Papa. Kahapon ay nagpunta sila Papa at Tita Reg. It was really ironic na pagtawag sa pangalan ko sa top 15 ay nakita ko silang kumakaway sa akin.  I felt really blessed that I'm not alone with this.

I'm going to Singapore. I'm in!

Iyan ang laman ng chat message ko kay Jake. Hindi ko siya macontact kanina pa. Simula nang tinawag ang pangalan ko na isa sa mga nakuha ay hindi na ako makapaghintay na sabihin ito sa kanya. Baka abala na naman ito sa paghohost ng party.

Well, then maybe, it's not right to think that he's really interested to know about all of these. After all, I'm just in second degree of friendship with him.

If you know what I mean. Iyon bang hindi kayo totally friends. It's either may iba kang circle of friends at ganoon din siya but then you are also friends because you know each other.

Naghanda na ako para sa celebration. Buti na lamang at may dala akong mga damit. Ang ilan ay bigay sa akin ni Briana. Nami-miss ko na rin ang kakulitan ng babaeng iyon. Sa loob ng tatlong buwan ay lalabas na ang baby niya. Sana ay magmana iyon sa mga mababait na kalahi nila.

Black dress na lang ang napili kong suotin. Habang papunta sa hall ay Binuksan ko ang reply ni Jake.

Bad news, then.
07:30pm

Huminga ako ng malalim sa nabasa. He's just teasing me. Alam ko ang ipinupunto niya. Hindi ko na iyon pinatulan at nakihalo na lamang sa mga kasamahan ko.

"Ms. Rensy dela Cruz?"

Anang isang babaeng mukhang mas bata sa akin.

"Yes? Bakit?"

Ngumiti lamang siya sa akin. Hinila niya ako sa bar counter habang humahagikgik.

"Ate Rensy, hindi mo ba ako natatandaan?"

"Alexa. Ako si Alexa. Ano ka ba?"

Alexa?

"Alexa? As in iyong kap... Kapatid ni James?"

"Oo! Oo ako nga iyon! Natatandaan mo na ako?"

"Ha?! Ikaw na ito? Halla! Ang laki ko na! Dalaga ka na!"

Si Alexa. Bunsong kapatid ni James.

"Anong ginagawa mo dito? Buti nakilala mo ako."

"Paano naman na hindi kita makikilala eh lagi kong nakikita iyong mukha mo sa feeds ni Rojun. Baka hindi mo alam na pinipicturan ka noon. Meron ka ngang picture na tulog, habang sumusubo, nanonood ng tv, gumagawa ng cupcake, nakasimangot, nakanguso. Mga ganoon. Kaso hindi ka ata niya tina-tag kaya hindi kita ma-add."

Naku! Loko talaga iyong kapatid kong iyon ah.

"Nagwowork ako dito. Isa ako sa mga cook. Nabanggit nga ni Kuya Jake na kasali ka sa competition eh. Kaya inabangan talaga kita."

"Ay! Ganoon ba?"

"Congtrats Ate! Pasok ka sa pupunta ng Singapore."

"Hay! Oo nga eh. Salamat sa Kuya Jake mo. Buong training ko, siya iyong tumulong sa akin."

" Naku! Baka type ka nun!? May boyfriend ka na ba?" aniya sabay hagikgik.

"Wala pa! Ano ka ba!? Malabo iyon! We're just friends, you know! Hindi katulad ko ang magugustuhan niya."

" Who knows? Hindi natin masasabi iyan. Si Kuya Jake, may pagka-torpe iyon! Baka hindi lang niya maamin pa sa iyo. Hindi mo ba siya type?"

"Alexa. Hindi. Promise. Imposible iyang sinasabi mo."

Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Kinuha namin ang contact number ng isa't-isa at pati mga social media accounts.

Nang magsimula ang programa ay tsaka lamang kami nagkahiwalay.

"As we present our Top 6, let me also present to you our three judges that will be with us in Singapore. Each judge will choose two from the top 6. The judges will handle them all through out the competion."

Halos humaba ang leeg ko nang isa-isang tawagin sa gilid ang mga guest judges.

Habang papalapit sa harapan namin ang mga tinawag, dalawang bulto ang unti-unting naging pamilyar sa akin.

Please welcome, Ms. Aiko Lee, Mr. Ron Chua, and Mr. Luis Gerbacio.

Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang lalaking tinawag.

Si Ron Chua, isa siya sa mga kaibigan nila Brent. Ang huli kong balita sa kanya ay nagpunta siya sa Paris para mag-aral. Ilang taon na ba noong umalis siya, isa, dalawa?

At itong si Luis, ito iyong kasama lagi ni Georgina. Sa party, sa race. Lumingon ako sa mga tao sa hall. Pero hindi ko nakita si Georgina. Hindi ba niya ito kasama?

Iniwas ko ang tingin nang sumulyap sa akin iyong Luis. Naalala ko ang huling eksena ko sa lalaking ito. Ainabi niyang kamukha ko raw ang namatay niyang asawa. T*ngna! Mapapatrouble na naman ba ako dito. Sana lang ay hindi ako ang piliin niya. Bigla ko tuloy naalala ang isang taong pilit ko nang kinakalimutan.

So, Ms. Aiko, Mr. Ron and Mr. Luis, you can now choose your team.

Kumalabog ang puso ko. Huminga ako ng malalim.

Kahit kanino ako mapunta ay pagbubutihin ko. Wala na 'tong atrasan. This is it!

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon