Thirty Five

169 2 0
                                    

Dumiretso ako kanina sa aking kwarto nang makarating kami sa bahay. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito. Isang oras? O baka higit na doon. Alam kong nasa baba pa si Brent. I constantly check his car outside through the window.

Probably, he's waiting for me. Ang sabi niya ay mag-uusap kami pagkadating dito.

It seems that he is very comfortable here. Kaninang pagdating namin ay siya ang pinagtuunan ng atensiyon nila Papa imbes na ako. It's not that I'm jealous but it's surprising. Hindi naman dating ganoon. They know Brent as my boss. Ganoon lang. Although si Rojun ay masasabi kong malapit na siya noon pa kay Brent because of their interest on teasing me.

Malakas ang katok sa pintuan ko. Hindi naman nagsasalita ang gumagawa nun.

"Dinner na anak." matabang na ngiti ni Papa ang bumungad sa akin. Tiningnan ko ang oras. Oo nga naman at hapunan na. Ni hindi ko namalayan na inabutan na pala ako ng dilim dito sa loob.

Sa hapag ay tahimik lang ako. Panay lang na tango at iling ang sagot ko sa kanila habang naguusap-usap. Nagpresinta akong maghugas ng mga kinainan para makaiwas sa kanila. It was later then I realized na dapat ay hindi ko siya iniiwasan. Ang sabi niya ay mag-uusap kami tungkol sa nangyari.

Pagkatapos kong maghugas ay sinubukan kong makihalo sa kanila sa sala. Sinubukan ko ring pumasok sa pag-uusap pero tila sila lang ang nakakaintindi ng usapan nila.

Nang mag-excuse si Tita Reg ay tumabi ako kay Papa. Naputol saglit ang kanilang tawanan at nilongon nila ako pareho. Nagpahiwatig ako ng tingin kay Brent. Maya-maya ay umalis din si Papa parasundan si Tita Reg sa hinahanda niyang panghimagas.

"Akala ko ba mag-uusap tayo?" tanong ko kay Brent. Nawala ang bakas ng ngiti niya sa pag-uusap nila kanina ni Papa. Sumeryoso ang mukha niya at inilihis ang tingin sa akin.

Inirapan ko siya nang ilang sandali pa siyang nanahimik. Tumayo ako at binagsak ang throw pillow sa sofa. Nagmadali akong umakyat patingo sa kwarto ko. Nang isasara ko na ang pinto ay nakaharang na ang kanyang braso doon. His force by the door was evidently seen on his muscles.

"Kung hindi tayo mag-uusap, pwede ka nang umuwi." sabi ko sa kanya at nakipagmatigasan ng tingin.

"It's better if we'll talk with your father. He knows everything. They know everthing. Kasi kapag ako ang magsabi sa iyo, maaaring hindi mo ako paniniwalaan. " aniya.

Umirap ulit ako sa kanya.

"Tara na sa baba. Pag-uusapan na natin iyon pagbalik nila Papa." aniya at hinila ang kamay ko palabas ng aking kwarto.

Eksaktong pababa kami nang pabalik din sina Papa sa sala. Agad na tiningnan ang aming mga kamay. Malamang ay naramdaman ni Brent ang pagkailang ko kaya mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nang nandun na kami sa sala ay ako na ang unang nagsalita. Pakiramdam ko kasi ay hindi na naman matutuloy ito kung hindi ako ang mangunguna.

"Papa, Tita, pwede po bang mag-usap tayo? Kailangan ko po kayong kausapin." wika ko.

Nagtinginan muna sila bago tumango.

"Upo tayo. Tamang tama itong puding na ginawa ko. Habang mainit pa ay kainin na natin sabay ng pag-uusap natin." mahinahong sabi ni tita.

Sabay-sabay kaming umupo. Binitawan na ni Brent ang kamay ko.

"I'll let you talk to them alone first. Pwede ba munang sa kwarto mo ako? Puntahan mo na lang ako doon kapag tapos na kayo." aniya. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Ginawaran niya ako ng halik sa noo bago umakyat.

"Papa, nabibigla po kasi ako sa nangyayari. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko alam mung bakit ito nangyari. Gusto ko pong malaman. Gusto ko pong maintindihan."

Hindi ko alam kung ano ang meron sa sinabi ko pero parang matagal bago nila naabsorb. Masyado bang mahaba ang intro ko?

"Nung araw na pupunta ka ng Macau, nagpunta dito si Brent. Sabi niya ay pipigilan ka raw sana niyang pumunta doon. May- may nangyari raw kasi sa inyo  nung nakaraang gabi." si tita Reg ang nagsasalita.

"Nataranta kami ng Papa mo. Gusto ka na rin namin noon na pigilan. Gusto naming panagutin si Brent. Pero inamin naman ni Brent na mali ang iniisip namin. Iyon pala ay hindi raw natuloy." pagtatapos ni Tita Reg.

"Bakit hindi natuloy anak?" simpleng tanong ni Papa.

"Pa!" sigaw ko. Parang nanghihinayang pa siya. Magtatay nga kami!

"Mali po iyon. Kaya lumayo ako. Isa pa ay si Rosean ang girlfriend niya." sabi ko.

"Sorry anak. Alam ko kasing matagal mo na siyang pangarap." sabi ni Papa.

"Papa talaga! Pero noong naging girlfriend niya si Rosean, tumigil naman na ako eh. Ayaw kong makagulo. Alam kong nakakarating sa inyo iyong kabaliwan ko sa lalaking iyan noon. Pero alam ko naman kung saan ako lulugar." sabi ko.

"Rensy, iha! Kung talagang nagmamahalan sila ni Rosean ay dapat hindi dumating sa puntong may muntikang mangyari sa inyo."

Ito na naman sila!

"Kilala ko iyong pamangkin kong iyon. Hindi na bago sa kanya ang papalit-palit ng boyfriend. Mahilig iyan sa mga kagaya ni Brent na sanga-sanga ang negosyo. She even dared to link with married men. Nakikipaglive-in sa kung sinong mayayaman. Hindi rin naman maawat ni Ate dahil sinusumbatan siya ng batang iyon. " ani Tita Reg. It was a revelation. I took few moments to think of what she just said.

Si Brent. Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Rosean? Ilang taon ko siyang binakuran sa lahat ng mga babaeng lumalandi at humu-hokage sa kanya. Akala ko ay si Rosean na.

"Pero Tita. Nakapagtataka lang kasi na porkit muntikang may mangyari, mahal na ako agad?"

"Anak. Mas maganda kung siya na ang tanungin mo tungkol diyan. Hindi ko alam kung kailan pero I know his feeling is true. Kapag sinabi niyang mahal ka niya, mahal ka niyan. Maybe he just realized by now. Malay mo baka dahil nasanay lang siya sa pinapakita mo at natabunan ang nararamdaman niya para sa iyo."

"Pero Papa kasi sobrang biglaan. Akala ko nakalimutan ko na siya noong lumayo ako. Tapos pagbalik ko, ganito ang nangyari."

"Kahit ako naman anak. Noong sinabi niyang gusto ka niyang pakasalan ay hindi ako pumayag, for that one reason? Dahil lang may naudlot na moment niyo? No! There's no way I give my precious one. But the man really made his way to gain my trust. Araw-araw anak, pumupunta siya dito. Cleaning your room, staring at your pictures. He rushes and waits every night para lang maabutan ang skype call mo. When he found out about you and Kevin became official, he thought he had lost his chance. He was here. He heard it. He saw you smiling. Ngumiti rin siya nun. And then rant about how stupid you are to choose that man and how coward he was to let you go. Wala kaming nagawa ni Rojun kung hindi damayan siya nung gabing iyon. Kaso parang may lahi yatang witch iyon. Isinumpa ka yata niya na huwag magkaroon ng forever kay Kevin.    He was the one who informed us about your breakup. I don't know where he heard about that. Pero nung kinumpirma mo iyon, nandito na naman siya. Nakita niya kung paano ka umiiyak habang nagkukuwento ng nangyari. Pero ang lokong iyon, hindi umiyak. Kung anong kinalugi ng ngiti niya noon, parang nakabawi naman sa negosyo ang ngiti niya. He even anounced for a celebration. Edi wala na naman kaming nagawa ng kapatid mo kung hindi damayan siya. Pati iyong mga kaibigan niya ay kasama naming nagsaya noong gabing yun. Noon din nabuo iyong balak niyang pakasalan ka ng biglaan. I'm sorry anak. That was my idea."

"Ano? Papa?!"

"I'm sorry anak. I was drunk that time. And I probably rejoicing that time."

Wala akong nasabi sa huling sinabi niya.

"Inasahan ko rin kasi na mangyayari iyon. Na kayo rin. I hardly prayed for it whenever I saw you crying because of him. Na maiisip ni Brent na mahal ka rin niya."

Wow! Si Papa! Akala ko ay baliw na ako. Siya rin pala. Ngayon alam ko na.

Wala na akong nagawa kung hindi lumuha.

"Sa tingin niyo ba tama ito Papa? Sa tingin niyo ba magiging masaya na ako?"

"Try and see Rensy. Nandito lang kami kahit na anong mangyari." ani Tita Reg.

Pagkatapos nun ay nilingon ko sa taas ang aking kwarto.

Bahala na!

-----

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon