Eleven

173 6 0
                                    

Si Rosean

Naghahanda na sila sa hapag nang dumating ako sa bahay. Nagmano ako kay Papa at Tita.

Narinig ko naman na may kaasaran si Rojun sa sala. "Umupo ka na Rensy at tatawagin ko lang ang kapatid mo at si Rosean." ani Tita. Rosean?
Baka iyon na ang pamangkin niya.
Inilapag ko sa tabi ng microwave ang cake na dala ko at pumwesto sa hapag kainan.

Bumungad naman sa akin ang isang babaeng sa tingin ko ay kasing tangkad ko lamang.
Maputi ito at maganda ang pangangatawan. Lamang lahat ng asset kumpara sa akin,
biglang sabi ng isip ko.

"Ito nga pala si Rensy. Renz, si Rosean." pormal akong pinakilala ni Tita kay Rosean.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Tila napansin ng mga kasama ko ang pagiging walang gana ko sa pagkain. Naging tampulan tuloy ako ng tukso ng aking napakabait na kapatid.

"Kagabi pa po iyan ganyan. Baka nagaway na naman sila ng jowa niyang siy lang nakakaalam na magjowa sila." napuno ng tawa ang kusina dahil sa sinabi ni Rojun. Alam kasi nila Tita ang tungkol sa kabaliwan ko kay Brent. Dahil din sa kagagawan ni Rojun.

"Bakit anong nagyari? Ni-break ka na ba?" isa pa itong si Papa. Napailing na lang ako at napangisi. Hindi talaga nila ako tinigilan hanggang hindi natatapos kumain.

"Tigilan niyo na si Rensy. Mabuti pa tikman natin itong cake na ginawa niya. Ito Rosean, tikman mo ito. Naku! Kung hindi niyo pa naitatanong, itong si Rosean ay baker din sa isang five star hotel sa Singapore." kinuha ni Tita ang cake at sinimulang hatiin.

"Wow! Masarap!" puri ni Rosean. "Bagong gawa mo ito Sis?" Tumango ako. "Kanina lang."

"Magaling iyang si Rensy. Siya ang baker doon sa shop sa isang kanto." ani Tita. Patuloy pa rin silang nag-uusap sa sala. Kami ni Rosean ang nagligpit ng kinainan namin.

" Sis, may nightlife ka ba?" biglang tnong ni Rosean sa gitna ng paghuhugas namin. "Minsan lang kapag nagkayayaan sa shop." tumango-tango lang siya.

"Gusto mo sama ka sa amin minsan ng friend ko. Actually, meron kaming pupuntahan ngayon. Saglit lang, may boyfriend ka na ba? Boyfriend mo ba iyong sinasabi ni Rojun kanina?"

"Naku! Hindi! A-ahh. Crush ko lang. Kaya tinutukso ako ni Rojun." "Ah ganoon ba? Ayan sakto! Sumama ka sa amin. Iyong friend ko kasi, may mga pinakilala sa akin kagabi. Ang
gagwapo. Type ko nga iyong isa eh. Kaso sobrang busy. Tsaka mukhang taken. Panay kasi ang paalala ng mga kaibigan sa isang pangalan ng babae. Hindi ko lang matandaan
kung anong pangalan. Pero ikaw, lahat silang magtotropa, mapopogi. Baka may matype-an ka doon. Sayang ang ganda mo te."

"Sa susunod siguro." sabi ko na lang.
Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan sa sala habang ako naman ay nagpaalam na para makapagpahinga. It's been a long day. Gusto kong bumawi ng tulog. Pero mukhang mapuprnada pa dahil hindi pa ako nakakapikit ay tumunog na ang cellphone ko.

Sweetiepie Calling...

"H-hello?" kumalabog ang puso ko nang marinig ang boses niya sa
kabilang linya.

(Are you home? Bakit hindi ka nagrereply?)

"S-sorry. Sakto kasing dinner na kanina nang dumating ako."

(Ah ganoon ba? Anyway iyon lang. Sige. Magpahinga ka na.)

Hindi na ako nakasagot dahil naputol na agad ang linya. Napatutop ako ng bibig nang makita ang notifications sa aking telepono.

Limang mensahe at tatlong miscalls na galing lahat kay Brent. Binura ko lahat ang mga mensahe nang hindi binabasa nang may duamting pang isang mensahe galing sa kanya.

Sweetiepie: Renz, prepare mo bukas iyong menu for the wed. Goodnyt.

Napabuntong hininga na lang ako sa aking nabasa. Ayaw tanggapin ng utak ko na hindi niya matandaan ang sinabi niya.

'Pero lasing siya noon Rensy. Maaaring hindi niya alam
ang sinasabi niya ngunit maari ring yun ang talagang nararamdaman niya.' sabi ng isipan ko.

'Ano ba ang iniisip ko? Kailangan ko nang matulog!'

Ilang ring na ang binalewala ko bago napagpasyahan na ng bangon.

'Haay! Magse-set ng alarm, hindi naman sinusunod.!'

puna ko sa sarili. Nagmadali akong kumain at magbihis.

Ngayon ko tuturuan si Glenn para sa mga recipe ng mga gagawin namin para sa kasal sa Sabado.

Halos dalawang oras na akong late sa shop. Buti na lang at wala pa iyong Boss ko.

Inasikaso ko muna ang mga ididisplay sa counter bago iyong mga gagawin kong samples para kay Brent. Sakto namanng paglabas ko ay nakita ko na si Glenn na dumating.

"Oi ganda! Long time no see ah!" bati ko sa kanya. "Oo nga po eh. Kamusta po?" napakagnda ng mata nitong batang ito. Mahaba ang pilikmata at bakat ang mga ito sa paligid ng mga mata niya.

"Heto, hinihintay ko iyong buwisit na boss ko. Siguro ay namiss niyang mambabae kagabi kaya antagal na naman niyang pumasok ngayon.

Kakauwi lang niya kasi galing ng Japan. Binisita nila iyong Papa nila. Nagkasakit daw kasi. Ayun, uuwi na yata sa katapusan. Next week."

"Naku ate, lagi ka na lang namomroblema sa kanya. Weeehh! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa eh." tukso niya sa akin. Aba! Pati rin ba siya ay nakikigaya na rin?

" Naku! Isa ka pa ah. Haay naku! Kung dati ay patay na patay ako doon, ngayon hindi na. Saksakan ng sungit!" pagkakasabi ko noon ay sakto namang pagpasok ni Brent.

Nanlaki ang mata ko ngunit agad akong nakabawi. "Sige, andiyan na iyong prinsipe. Sige balik lang ako ng pantry, baka pagalitan ako ng Boss ko." tatayo na sana ako ngunit mabilis na nakalapit sa amin si Brent.

"HI Glenn! Kamusta? Long time no see!" bati dn niya kay Glenn.

"And you? Why are you here? Hindi pa breaktime ay tumatambay ka na?" antipatiko talaga ito. Sarap ingudngod ang mukha niya sa mukha ko!!

" A-ahh, sorry." agad akong tumayo at tumakbo pabalik ng pantry. Bwisit talaga! Parang kagabi lang ay ang bait niya sa mga messages niya, tapos ngayon ay may paganyan-ganyan pa siya!

Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto at agad ding nagsara.

"Moshi moshi Rensy!" inikot ko ang paningin ko at nakitang papalapit sa akin si James. "H-Hi-" Hinalikan niya ako sa psingi. Katulad pa rin siya ng dati. Malambing ngunit mapanganib.

"Ang bango mo! Amoy tinapay!" aniya Narinig namin si Brent na tumikhim mula sa likuran. Automatikong lumayo ako kay James. Habang si James naman ay tatawa-tawang palipat-lipat ang tingin sa amin.

"Kung hindi ka lang gwapo ay iisipin kong abnoy ka!" nanggigigil kong bulong sa kanya.

"Nagseselos ang papa Brent ko?! Alam mo ba, may chicks iyan nung isang gabi?"

Lumakas ang tawa niya nang masabi niya iyon. Nakadampot ng spatula si Brent at inihagis kay James.

"Labaaas!" nanakbo naman agad ang isa habang tumatawa pa rin.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon