Seventeen

182 3 0
                                    

Love Sick

Maaga akong nagising nang umagang iyon. Dahil sa pabango ni Brent. Naabutan ko si Brent na nagliligpit ng gamit.

"Morning. How are you feeling? Just incase. " itinuro niya ang gamot sa side table. Nandoon din ang damit kong ginamit kagabi na pinalaba ko. Meron din dalawang breakfast set doon.

"Salamat." hindi naman masakit ang ulo ko. Pero ramdam ko pa rin ang hilo at medyo mabigat ang pakiramdam ko. Ininom ko ang gamot at sumaglit sa restroom.

Pagkalabas ay nandoon pa rin siya sa kama at nagliligpit ng gamit.

"Balik ka nang Manila?" tanong ko. Umupo ako sa tapat niya at tinulungang magtupi ng damit.

"Yes. Mamaya ay susunduin ko sila Papa. I also need to monitor S&T." aniya.

"Alam mo naman siguro ang mood ni buntis." he said pertaining to Briana.

"Sige. Ingat ka. " sabi ko sa kanya.

"Mauna na ako." paalam ko.

"Pinabantayan ko kayo sa handler ng bar ha. Kaya huwag kayong magpapasaway." bilin nito. Napasimangot naman ako. Ano ako, bata?

"Kunin mo na iyang food. Nasa baba pa si Glenn." kinuha ko ang food at nagpaalam ulit.

"Sige. S-salamat. Thank you kagabi."
Iyon na lang ang nasabi ko.

"Ate, ano pala ang nagyari kagabi? Bakit bigla bigla ka na lang nawala?" tanong ko sa kanya.

"Haay! Naku! Naku! Huwag mo na nga ipaalala iyan. Lalo lang ako naiinis." sagot nito. "Alam mo bang hindi ko naenjoy ang pagrampa ko kagabi? Yung Monster na si Brent kasi iniuwi ako tapos.. ah-ahmm.. tapos sabi niya pinabantayan daw niya tayo sa handler ng bar kaya magbebehave daw tayo kung ayaw nating maireport sa kanya. Pag hindi daw tayo nagbehave, icacancel daw niya accomodation natin dito.Halimaw talaga! Tapos aalis alis."

"Uuwi na po ba ng Manila?"

"Oo. Mamayang gabi dadating ang papa nila kasama si Jhinno. Wait lang? Bakit wala ka doon? Di mo ba siya sasalubungin?"

"Hindi po." aniya. Napakamahiyain talaga ng batang ito.

"Ano naman kaya ang gagawin natin ngayon. Bawal magpakawild. Baka umuwi tayo ng wala sa oras." Wala akong maisip na gawin. Wala din akong gana dahil mabiga pa rin ang pakiramdam ko. Hapon na nang maisipan naming sumama na lamang ulit sa race ni Yui.

Natapos ang gabi namin na hindi masyadong pagod. Paano ay talagang hinigpitan kaming gumalaw galaw sa bar. Isinumbong ko kay Briana ang ginawa ng kapatid niya. Tinawanan lamang niya ako.

Kinabukasan ay inubos na lang namin ang oras sa pamamangka at pagsuswimming.

Nasa labas ng resort kami at namimili ng mga pwedeng ipasalubong sa Manila nang tumawag si Brent sa akin. Tinanong niya kung anong oras kami makakabalik ng Manila. Ako daw kasi ang Magluluto ng dinner sa kanila. Pasok naman ang oras nang makabalik kami ng Manila.

Alas kwatro nang nakarating kami. Dumiretso na ako sa bahay nila Brent. Doon na ako pinagpahinga ni Briana.

"Sure ka, okay ka lang?" aniya nang ihatid niya ako sa kwarto niya.

"Oo. Pahinga lang ang kailangan ko." sabi ko sa kanya. Hinayaan na niya ako nang masigurong kumportable na ako.

Bago ako natulog ay nag-set ako ng alarm. Mahirap na. Baka mapasarap ang tulog ko.

Naalimpungatan ako ng marinig ang tunog ng alarm ko. Parang hinihila ako ng kama nang sinubukan kong tumayo. Nag-ayos qko bago nanakbo papunta sa kusina.

Naabutan kong naghahanda na ng mga lulutuin ang mga kasambahay. Si Aling Luz ang madalas kong nakikita doon.

"Nay, ano po ba ang ipapaluto ni Brent?" eksakto namang pumasok aa kusina si Brent .

"Gusto ni Papa ang seafoods salad mo."aniya. Sinundan ko siya sa outdoor kitchen. Nakalahad sa mesa ang sari-saring seafoods at iba pang sahog para sa salad. Andoon din si James na seryosong nag-iihaw ng isda.

"Ako ang magpe-prepare. Ikaw ang magtitimpla." aniya. Sinimulan na niya lagyan ang isang bowl ng mga sahog. Ang iba ay hinahawi pa sa kalan. Pinakialaman ko ang ibang natapos niya. Hindi kasi pantay-pqntay ang laman. Nakangiting umiiling lang siya nang makita ang ginagawa ko.

Simula nang dumating ako kanina ay hindi ko pa nakikita ang papa niya. Hindi rin naman ipinakilala sa akin ni Briana kanina.

"Nasaan ang Papa mo?" hindi ko napigilang tanungin.

"Nandoon sa kabila. Kasama ang mga kapatid niya." aniya. Nang matapos na namin lahat ay lumipat naman si Brent aa ibang niluluto. Habang ako ay umupo na lamang sa gilid at pinapanood si James. Nang sa tingin ko ay hindi ko na kaya ay nagpaalam na akong umuwi. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ko hanggang ngayon.

"Rensy! Bakit uuwi ka na? Malapit nang magsalo-salo." ani James na una kong sinabihan.

"Inaantok na kasi ako. Pagod sa byahe." tinapik ko ang balikat niya at tumungo na sa loob para makapagpaalam sa iba pa.

"Oh, hindi ka na kakain?" ani Briana. Umiling ako at sinabing inaantok na ako.

"Oh! Sige. Sayang naman. Sorry. Naabala ka pa namin." aniya.

"Okay lang iyon. Ano ka ba?" hinaplos ko ang tiyan niya para magpaalam din sa baby. Hindi ko na hinanap pa si Brent para magpaalam. Dumiretso na ako ng gate. Gusto ko nang magdive sa kama at matulog.

Pakiramdam ko ay talagang pipikit na ang mata ko. Namumuti na rin ang paningin ko.  May papasok doon at tumigil sa harapan ko. Pinilit kong kilalanin iyon. Nakita kong gumagalaw ang bibig niya pero wala akong naririnig na salita. Bumagal ang lahat sa paningin ko bago dumilim.

----
Hopyalayket

-Jel

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon