Twenty Two

191 3 2
                                    

The Purpose

I spent my two weeks guiding Rosean. Ibinilin ko sa kanya na dapat ay maging balanse ang sales ng mga ginagawa niya. Sa mga nakaraang araw ay nakukuha niyang magfocus sa maraming bagay ng sabay-sabay.

Pagkatapos ng oras ko sa S&T ay pumupunta ako sa resto ni Jake at James. Nagpresinta si Jake na doon ako sumubok ng iba't- ibang cuisines.

Wala namang violent na reaksiyon si Brent nang nagpaalam ako sa kanya. He became formal since then. Kinakausap niya lang ako kapag may itatanong siya o kaya kapag may kailangan siyang reports o inventories. Kapag kinakamusta ang ginagawa kong preparation.

As for Briana, kung ano man daw ang napag-usapan namin ni Brent ay alam na niya. Sinabi na raw ni Brent sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin. Kaya nga lang ay hindi pa rin talaga siya boto kay Rosean. Hindi raw siya kumportableng nakikita ito sa S&T. Kinakabahan raw siya sa stability ng store lalo na at malapit na siyang manganak. Hindi raw niya mababantayan pansamantala ang store kung kailan kailangan.

"We are not sure if Brent can handle this alone. Masyado siyang occupied ngayon sa feelings niya sa babaeng iyan." she wasn't really sure of letting Brent handle these all.

"Ikaw kasi. Ang dami mo nang pagkakataon, dapat ay inupuan mo na siya agad." she desperately said.

"Mas lalayo lang ang loob niya sa akin kapag pinilit ko ang sarili ko. Mas magandang friends na lang kami kung hanggang doon lang talaga ang tingin niya sa akin."

Like what I have promised to myself, titigilan ko na ang pamamakod kay Brent. Lalo na ngayong may Rosean na siya. I know he is happy. And I need to seek for my own, too.

" Specialty ng Pan Resort ang mga grilled cuisines. Siguro dahil nga resort ito, maraming tao kaya mga madaliang lutuin ang nagiging mabenta. I have a cousin working there. Sabi niya nga, halos lahat ng sineserve nila ay grilled meals on sizzling plates. So I think, if you can make new tastes of anything grilled, mas maganda."

I was too lucky that I have Jake as a companion. Lagi niya akong sinasamahan sa kanilang restaurant kapag may kailangan akong subukan na lutuin. He was always there to suggest kung ano man ang kailangan kong malaman lalo na nang isang linggo na lang ang kailangan ko.

Hindi niya tinatanggap ang offer kong bayad sa oras niya. Tsaka na lamang daw kapag nagkaroon na ako ng sarili kong negosyo.

" So, goodluck. How are you feeling?" ani Jake. Bukas na ng gabi ang lipad ko patungo sa Cebu. Pinilit kong ibangon ang nakayuko ko nang ulo dahil sa kapaguran at alcohol. Laging ganito sa loob ng tatlong linggo.

"Hindi ko alam. Excited? Kinakabahan?" tamad kong sagot. Bahagya siyang tumawa.

"Mukhang hindi eh." aniya. Pinapanood lang niya akong malunod sa alak. Pagkaubos sa isang baso ay napasandal ako sa sofang inuupuan namin. Kaming dalawa lang ang magkasama. Si James ay nasa paligid at inaatupag ang mga customer na chicks.

"Excited ako. Nagaalala lang ako sa S&T."

"Nagaalala ka sa S&T o kay Brent?" tukso ni Jake.

"Isang buwan lang naman iyan. Eh bakit, sure ka bang babalik ka sa S&T kapag naging successful ka sa training camp? Paano kapag magaganda ang offer sa inyo doon? Tatanggihan mo?" Jake made a point.

Kung si Brent ay iniisip ang negative side, siya naman ay ang positive. Hindi ko nga rin talaga alam kung anong gagawin ko kung sakaling successful. Gusto ko lang talagang mapalayo muna sa lahat. Sa kanya. Kailangan ko iyong isang buwan para matanggap ang lahat.

"Sabi niya kung magsucceed man ako o hindi ay papabalikin niya pa rin ako."

"Anong mangyayari kay Rosean sa tingin mo? Kung sakaling bumalik ka roon. Brent is I think, serious to Rosean. Lagi nga silang magkasama. Ayaw maihiwalay ng kupal." aniya.

" Oo na. Kailangan bang ipamukha ng paulit-ulit? Well, baka gawin na niyang manager?" natawa ako pero kasabay ding nakawala ang mga luha. Mabilis ko itong pinunasan. Tumingala ako para mapigilan ang mga susunod pang luha.

"Mahal na mahal mo siya 'no?" ani Jake.

"Dati, akala ko ay ipinipilit ka lang ni Briana kay Brent para ipang-harang sa mga lumalapit na babae sa kanya. Pero isa ka talagang baliw na babae eh." tumawa siya sa sinabi niya.

"Alam mo ba na kapag may pinapakilala kaming babae sa kanya ay natutuliro siya. Na baka dumating ka na naman at aawayin iyong babae. Mukha tuloy siyang nagche-cheat sa iyo.

Kahit si George nga ay iniiwasan na niya. George was his only girlfriend since highschool. Kahit ilang beses siyang iwan ni George ay hindi sia sumusuko. Well, binabalikan naman siya. And he's willing to take the chances kahit alam niyang hindi makukuntento si George sa kanya.

That was when I thought, is he falling for you? But Rosean came. The one related to you. What I'm surprized? You stopped chasing Brent. Every night, we expect you to appear like what it used to be. But you didn't. Kahit isama ka nga namin ay ayaw mo na. Bigla ka na lamang umiiwas. So I think that was why Brent became comfortable with Rosean. Why Rensy?"

"I think, Rosean is the one for him. Hindi siya katulad ng mga babae na umaaligid sa kanya. She's smart, successful, at alam mong may patutunguhan sa buhay. She's like George. Or maybe, better than George. Kaya bakit ko ipagdadamot iyong pagkakataon na alam kong magiging masaya siya. I know you know he is. All this time, lagi na lang akong nangingialam sa kanya. At alam kong naiinis na siya. I know he wanted me to just shut-up, to just disappear. Maybe that was really my purpose. Iyong harangin ang hindi karapat-dapat sa kanya and save the best for him."

Ipinikit ko ang mata ko kasabay ng mga luhang tumutulo na kanina ko pa pinipigil.

"And I think I did a great job."

How I wish that after a month, no tears will fall for the same reason anymore.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon