Twenty Seven

177 2 2
                                    

Run Run Run

"Brent please." mahina kong sabi na parang wala nang pag-asang dadating ang tinatawag ko. Halos isiksik ko na ang likod ko sa pintuan.

"Mogi!" napaupo ako sa pagbukas ng pintuan. Dumausdos pa ako papasok ng bahay para makalayo sa aso.

Nang mapakalma ni Brent ang aso ay umalis na ito. Nang sinarado ni Brent ang pintuan ay tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag.

Noon pa man ay takot na ako sa aso. Sa una ay magugustuhan ko sila pero kapag tinahulan na ako o umambang mangangagat ay ayaw ko na sa kanila. Maski ang aso ni Rojun sa bahay ay hindi ko rin kasundo.

"Bat sumunod ka pa hanggang dito?" inis niyang sabi.

Dahan-dahan akong tumayo. Salo-salo ko ang puwet kong bumagsak.

"M-makiki-CR lang sana ako. Sabi ni James sundan kita. Hindi mo naman pinapansin ang pagtawag ko sa iyo kanina." paliwanag ko.

"Hindi ko narinig." tinalikuran niya ako at naglakad ulit. Ngumiwi siya at bahagyang tumawa.

"Tingnan mo nga. Pati aso ko ayaw sa iyo." aniya habang naglalakad siya papasok.

"Halika dito." aniya.

"Babalik na lang ako doon." tumalikod ako at akmang bubuksan na ang pintuan palabas. Bahala na ang aso kung sasakmalin ako.

"Halika na dito. Walang CR doon." aniya.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi niya. Oo, alam ko naman na ayaw niya sa akin. Kailangan pa bang isampal sa mukha ko iyon? Ng paulit-ulit. Siya na nakaregister ng unli. Ang yabang!

"Okay lang. Hindi na ako magsi-CR." sabi ko. Binuksan ko ang pintuan at tumakbo na ako palabas. Sumunod ang aso sa akin habang kumakahol.

"Rensy! Stop running!" sigaw sa akin ni Brent.

"Mogi!"

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Alam kong malapit na ang aso sa akin. Pero hindi ko alam kung dahil doon kung bakit ako umiiyak na ako na lalong nagpabagal sa pagtakbo ko.
Hindi lang isang beses akong natapilok, sa huli ay napasubsob ako sa ugat ng puno. Kumapit ako doon at doon na humikbi. Hindi na alintana kung maabutan man ako ng aso. Gusto kong huminga dahil para na akong nalulunod.

Sumulpot bigla si Brent sa harapan ko. Lumuhod siya at hinawakan ang pisngi ko. Malalim ang paghing niya.

"Sabi ko huwag kang tumakbo eh. Buti na lamang at napatigil ko si Mogi." aniya habang pinupunasan ang aking mga luha na hindi nauubos.

"Bakit ganoon? Nagmo-move on na ako eh! Pero nasasaktan pa rin ako. Sinasaktan mo pa rin ako eh." I sounded like a child yelling at her mother who promised to buy her something but didn't make it. Seconds after, I already feel his warmth.

"No, don't say that." aniya. Habang hinahaplos ang ulo ko. Habang yakap ako.

"Kailangan na kita talagang kalimutan. Akala mo siguro hindi ako seryoso sa nararamdaman ko sa iyo pero totoo ito Brent. Kaya nga lumalayo na ako sa iyo kasi alam kong hindi na pwede ito. Ayaw ko na ring masaktan. Durog na durog na ito."

For the first time in two years, nasabi ko sa kanya ng harapan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nakawala lahat ng mga hinanakit na matagal kong kinulong sa puso ko.

"I'm sorry." bulong niya.

He carried me back to the house. Ni hindi ako nakaangal dahil sa ginaw at pagod kakatakbo. Ang paghikbi ko lang ang naririnig pagpasok ng bahay. Nilapag niya ako sa sofa sa sala kung saan kami dumiretso. Iniwan niya lang ako saglit. Pagkabalik niya ay may dala na siyang baso na may tubig.

"Inom ka. Tama na ang iyak. Hihingalin ka lang." aniya. Itinabi niya ang kamay kong nakaharang sa baso. Napilitan akong kunin ang baso at uminom.

We just stayed looking at each other. Minsan ay ako ang bumibitaw sa tingin. Minsan ay siya.

Nakakabawi pa lang ako ng lakas nang may sumulpot ulit na aso sa likuran ni Brent. Nilingon ito ni Brent. Inabot niya ito at hinaplos haplos.

"This is Gimo. Kambal ni Mogi. This is Briana's dog. Mogi is mine. Mas malambing ito kaysa kay Mogi. Unlike Mogi, you can hold him. Hindi siya nakakatakot." iginiya niya sa akin ang aso. Mukha talagang maamo. Hinaplos ko lang
ng isang beses.

"You can use the restroom." mahinahon niyang sabi. Umiling lang ako. Brent left me at nagpunta sa kung saang bahagi ng bahay. Nanitili lang sa tabi ko ang aso.

Few minutes, hindi pa rin ako binabalikan ni Brent. Tumayo ako para hanapin ang CR.

"Gimo, magsi-cr ako. Saan ba ang CR dito?" mukhang tanga akong kumausap sa aso. Tumayo naman ito at naglakad. Sinundan ko ito. Eksakto namang tumigil siya sa isang pintuan at tiningala ako. Ito na nga siguro ito.

Pipihitin ko na sana ang pinto nang bumukas ako. And there, I saw a half naked Brent at the door. Drying his hair.

"I thought you're not gonna use it." aniya. Tumagilid ako para makadaan siya. Hindi ko mapigilang magbaba ng tingin.

Ano ba Rensy!

At parang nanadya rin itong isa na hindi pa rin umaalis sa pintuan.

Tsaka lamang ako natauhan nang may kumatok sa pintuan.

"Brent, pakibalik na si Rensy. We're going." sigaw ng nasa labas. Malamang ay si Ron iyon. Doon lamang galaw si Brent papuntang pintuan. Nagsuot siya ng tshirt at jacket.

"Oh shit! Did we disturb you?" rinig kong sabi ni James mula sa labas at tumawa pa.

Nagmadali akong sumunod sa labas. Kasama rin nila si Kevin na hawak hawak ang gloves ko. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.

"Rensy!" tawag niya sa akin. Nilagpasan ko si Brent na nakasunod ang tingin sa akin para puntahan si Kevin. Agad niyang sinuot ang gloves sa kamay ko.

"Tara na?" aniya. Tumango lang ako. Bago ko siya sinundan ay nilingon ko sina Brent. I realized na wala naman akong sasabihin. I can't think of anything to say kaya tiningnan ko na lamang sila.

"So paano, una na kami. See you sa Pinas." dinig kong paalam nina Ron.

Habang papauwi sa daan ay binalikan ko sa isipan ang mga nangyari ngayon araw. I felt relieved na wala nA si Brent sa paningin ko pero I never expected this heavy feeling on my chest.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon