Thirty Seven

166 1 0
                                    

Plan

"So ibig sabihin. Rosean cheated on you? Iyon ba iyon?"

Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan habang magkatabing nanunuod ng panghapong programa.

"Yes. If we had a real one." tamad niyang sabi.

"Real one?" Tanong ko.

"I don't know how to explain. We went out together many times with George and the boys. I think that's when all started. Hanggang sa nakasanayan na lang nila siyang itabi sa akin, ipasama sa akin. When Briana announced her engagement, lahat sila tinanong kung kailan din ako. They know I haven't had a girlfriend after George. And then James told everyone about Rosean. They made me invite her for Yana's  engagement. Everyone thought she's my girlfriend. Hindi ko naman inamin pero hindi ko rin naman tinanggi. Well, I like her company. She's smart, persuasive and talkative. I just let myself go with the flow."

"So si Randy, paano niya nagawa iyon? Kaibigan ka niya." nagtataka pa rin ako kung bakit nagawa ni Randy na patulan din si Rosean.

"Randy and I are okay. He is smart to know what Rosean wants from him. Rosean probably knew na wala siyang mapapala sa akin. I mean if you check me and Randy, mas malaki ang investments niya. Maybe that was what Rosean figured out."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Tama nga siguro si Tita Reg noon. Na mahilig si Rosean na dumikit sa mga successful na tao. Sa mga lalaki.

"She was furious when she knew my plans for the branch." dugtong niya.

"I had to admit to her na ikaw ang unang pumasok sa isip ko nung nagbalak akong magpagawa ng branch. Nothing else. Not even her. Maybe because I was looking forward for you to come back after the training. And I hoped that you'll accept it. But then, you left again." aniya.

Then suddenly, a memory flashed on my mind. Iyong nangyari noong bago ang pangalawang alis ko. Mabilis na uminit ang aking mukha.

"Anong oras kaya darating si Rojun?" umasa akong mababaling ko sa iba ang usapan. Pero pinigilan niya ang paglingon ko sa orasan.

Ngayon ay nakakulong na ako sa kanyang braso. Tinaasan ko siya na kilay. Mapungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. My heart suddenly stamped.

"You left me hanging that night, Rensy." halos hindi ko na marinig na sabi niya. It was so intense that made me feel dizzy.

Bumaba ang kamay niya papunta sa aking baywang at mas nilapit ako sa kanya. Bahagya niya akong dinaganan para lamang maibalik ang bahagyang pag-angat ng likuran ko sa sandalan ng sofa. Pinahinga niya ang kanyang ulo sa aking leeg.

" When you stopped chasing me, I started missing you. I wasn't sure of my feelings until that night."

Ang gabing iyon ay halos ibinaon ko na sa isip ko.

"Hinayaan kitang umalis noon kasi kailangan. Kailangan kong patunayan ang nararamdaman ko. Kailangan kong magtiwala sa nararamdaman ko."

His hot breathe sends shiver all over me. A small groan came out of my mouth.

" So ibig mong sabihin, seryoso iyong nangyari nung gabing iyon? Seryoso ka sa sinabi mo? Hindi dahil lasing ka lang?" nang sa wakas ay nasabi ko.

"You doubted it? Lahat ng sinabi ko?" bigla siyang bumangon nang sinabi niya iyon nang may halong pagkairita. Kunot ang noo niya at tumataas ang kanyang kilay.

"Aba! Malay ko kung totoo iyon. Lasing na lasing po kayo noon. Kung ano-anong sinasabi mo." pinantay konang pagkairta ng boses ko.

"What!? Alam ko lahat ng sinabi ko sa iyo. I just confessed my feelings and what did you do? You skipped!" aniya.

" Ang tanga mo kasi! Sige nga ulitin mo lahat?"

Iba na ang init na nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay nakaliliyo, ngayon ay nakakairita na.

"Gusto mo ulitin natin lahat ng nangyari noong gabing iyon?" he dangerously glared at me. Tinulak ko siya at tumayo ako pero nahigit na niya ang kamay ko. Napatili ako nang bumagsak ako sa kandungan niya.

" Should we do it here?" aniya sa nanunuksong tinig.

" Brent! Huwag! Baka biglang dumating si Rojun." sigaw ko habang iniiwasan ang kanyang paghalik.

"He'll understand! We're married." pagpupumilit niya.

"Hindi. Hindi pa tayo official na married. Hindi ko pa napipirmahan ang contract!" tili ko nang palapit na ang kanyang mukha sa akin.

Ilang segundo pa akong nakapikit pero hindi ko naramdaman ang paghalik niya. Unti-unti akong nagmulat at nakitang nakatitig na lang siya sa akin. Halos maduling ako sa pagsulyap sa kanyang mata. Napalunok ako nang makitang bahagyang nakabuka ang kanyang labi.

"Okay! I'll behave." aniya at umayos na ng upo.

Umalis ako sa pagkakakalong sa kanya at umayos na rin ng upo. Bahagya pa niya akong hinila para bumagsak ulit sa kanya.

Nasa ganoong pwesto kami nang kumalabog ang pinto.

"Halla! SPG?" ani Rojun.

Nakatanggap ng urgent na tawag si Brent sa main branch ng S&T kung kaya ay nagmadali siyang pumunta. Samantalang nagpaiwan na lamang ako sa bahay.

Hapunan nang dumating sina Papa.

"Oh! Nasaan ang asawa mo?" tanong sa akin.

"Pumunta po diyan sa shop. Hindi na bumalik." sagot ko.

Natapos ang hapunan at wala pa rin si Brent.

"Bakit ba ako nag-aalala? Kung hindi siya bumalik edi hindi." bulong ko sa sarili nang makabalik sa kwarto.

Nag-ilaw ngunit walang tunog ang cellphone kong nakapatong sa side table.

Siam na misscalls at dalampung mensahe ang mula sa kanya.

Napamura ako nang napagtantong nakasilent pala ito at naiwan ko pa sa aking kwarto. Nang buksan ko ang telepono ay may dumating pang mensahe.

Sweetiepie: Pack your things. Bakasyon tayo.

Sweetiepie: Answer my call. I'm missing you already.

Sweetiepie: Hey! You done? Pabalik na ako.

Saan naman kaya kami pupunta?

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon