Thirty Two

174 2 1
                                    

Kiss And Tell

9 months later.....

"Kevs anong maganda? Itong Cream o itong white?"

"Just choose kung ano iyong kumportable sa iyo. Bakit kasi kayong mga babae, kailangan iba-iba ang susuotin. You bought another one last month. Bakit hindi iyon ang gamitin mo?"

"Oh, bakit ka galit? Masanay ka na sa akin. Kapag kayo na ni Anissa ay mukhang mas mapapadalas ang ganito."

As usual, hinila ko na naman si Kevin para samahan akong bumili ng damit na gagamitin sa binyag ni baby Nicolo bukas. It's been nine months since I decided to leave S&T.

I refused Brent's offer. Sumama ako kay Kevin dito sa Macau. A friend offered him a job in a hotel ship at tinulungan din akong makapasok. Anim na buwan ang naging kontrata ko. I was ready to take my chances in love and career. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Anissa, Kevin's first love, is here. Knowing that they have unfinished business made me uncomfortable. Believe me when I say I know my stand. Sanay na ako diyan. So ang ending, imbes na magka lovelife ay pinag-ayos ko na lang sila.

Ganyan na siguro talaga ang drama ng buhay ko. Ang maging cupid. Kaso nga lang ay naiinlove ako sa mga tinatamaan ng pana ko. It took me two months to get over with Kevin. Talagang push na push na ako eh. Eh, kaso wala talaga. As usual, hanggang halik lang ako.

"Okay. Iyang cream na lang."

Tingnan mo ito?

"Bilisan mo at magiimpake ka pa." aniya.

"Ah! Talagang gustong gusto mo na akong umalis ha."

Kakatapos lang last week ng kontrata ko sa restaurant nina Anissa. I worked for them as a temporary replacement para sa nagbakasyon na chef nila for three months.

Iisipin ko pa lang na makikita ko na ulit sila ay pinaghalong saya at kaba ang nararamdaman ko. Tuloy-tuloy naman ang communication naming dalawa. Kaming dalawa lang. Kahit papaano ay nasubaybayan ko si Nicolo na lumaki. Iyon nga lang ay medyo may pagsisi sa part ko dahil si Briana ang sumalo sa inoffer sa akin ni Brent.

At dahil si Briana iyon, siyempre may kapalit na parusa. Gabi-gabi ay bukas ang skype ko nang magdamag. Bawal magmute kaya kapag magloloko si baby Nicolo ay nagigising din ako. Damay ako sa puyat ni Briana at ni Paul.

For months, I wondered kung ano nang balita kay Brent. Alam ni Briana na iniiwasan ko na magtanong ng tungkol sa kanya. Basta ang huling balita ko ay on the rocks ang relationship nila ni Rosean. That was weeks after kong umalis. Wala namang nasasabi sa akin sina Rojun. Hindi naman daw kasi napapadaan doon si Rosean. Si James ay galit sa akin. Hindi ko alam kung ganoon din si Jake. He was ignoring my messages. I remebered how James made those threats on our friendship. Na nagkatotoo. He said he will never call or message me and he did. Frienship over.

"I regret I couldn't come. Send my regards to Briana and Baby Nicolo. Send me a message when you arrive home." Just for hours ay makakabalik na ako sa Pinas. Sinamahan ako ni Kevin at Anissa habang hinihintay ang boarding.

"Ate Renz, thank you for everything. I will miss you. Promise will keep in touch."

"Sure thing. Take care. Take care of that little brat behind you. Just call me if you have any problem caused by him. Alright?"

Few moments later ay kasama ko na sina Rojun, Tita Reg at Papa. It was already late kaya naman ay rumeretso na kami sa bahay at roon na lang kumain at nagkuwentuhan.

I don't have much to tell dahil alam naman nila lahat ang mga nangyari sa akin doon. They were too kind to just let me have my rest.

And besides, tomorrow, I have something  to attend to. Before I sleep, tinawagan ko muna si Briana.

Na sana hindi ko na lang ginawa.

" Hello Yana. Nandito na ako. I'll be early tomorrow."

"Hello my Runaway Princess. Good that you're back. "

"B-brent? H-hello. Nasaan si Briana?"

"Hmm? Yes sweetheart. Why I feel you're hesitant to talk? After what you've done?"

"Ano bang sinasabi mo Brent? Nasaan ba si Briana?"

" Sige na, magpahinga ka na. I'm excited to see you tomorrow. And...
One more thing... Don't run away again. I won't let you anyway,

if you try again.

So, tomorrow.

See you."

----------

Ano kaya ang ginawa ni Rensy kay Brent?

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon