Four

327 6 1
                                    

Jealous

Sweetie Pie: '2pm. I'll pick you up.'

Me: Okay sweetie. Mwuah!

Weeeeeee!!! Kung pwede lang akong gumulong gulong dito sa loob ng bahay dahil sa sobrang kilig ay ginawa ko na. Mamaya ay magpaparty ang isa nilang kaibigan sa bahay niya. Nag-open kasi siya ng resto. Halos lahat yata silang magkakabarkada ay involve sa ganitong business.

Halos dalawang buwan na rin akong nakikidama sa kanila. Simula noong gabing oyon ay sinasama na nila ako sa lakad nila. Hindi ko alam kung magpapasalamat pa ako sa nangyaring.. Eherm.. Alam niyo na. Simula kasi noon ay naging malapit na sa akin si Brent.

Nalaman namin na ipinagpalit siya ni Georgina sa isang mayamang kaklase niya. Bali-balita na anak daw ito ng isang sikat na modeling agency at minsang kinuha si George para magmodel. Ang sabi ni Briana ay ganun naman daw talaga si George noon pa. Pag may nahahanap na mas napapakinabangan niya ay doon siya sumasama.

Natapos na ang klase namin. Si Briana ay hindi pumasaok ngayon dahil may aasikasuhin daw. May dalawang oras pa akong maghihintay kaya nagpasya akong sumaglit muna sa computer room para magresearch ng mga recipe na pwede naming gawin sa presentation next week.

Habang ako ay nagtitipa ay napapaisip din ako kung saan kami pupunta ni Brent. Hindi ko na naman kasi tinanong kung saan kami pupunta.

Basta nang tumawag siya kagabi  at nagpapasama ngayon ay um-oo na lang ako agad ng hindi tinatanong kung saan kami pupunta. Ako pa ba ang choosy? Masasabi ko bang "wait lang ah, pag-iisipan ko.' baka mamaya pa ay magdalawang isip siya at bawiin ang lakad namin.

Pakiramdam ko ay biglang namula ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari nang una akong sumama sa kanila 2 months ago. Halos malaglag na ang lahat ng salawal ko sa sobrang kilig nang matumba siya at nakatulog sa sobrang kalasingan. Hindi ko nga alam kung naalala niya ang ginawa niya, este namin dahil hindi naman niya binabanggit sa akin. Basta simula noon ay sinasama na nila ako sa mga lakad ng barkada nila. Naroon iyong minsan ay may kasama sila ni James na mga babae pero nang ipinakilala ako ni Ron bilang girlfriend ni Brent ay umalis lahat sila. Marami raw kasi ang nagkakagusto kay Brent kahit dito sa eskuwelahan ay marami akong makikitang sumusulyap sa kanya at kasama na ako doon.

Bigla akong napatingin sa telepono ko nang umilaw ito. Pinatay ko ang monitor at nag-ayos ng gamit bago ko sinagot ang tawag.

"Hello Sweetie. Asan ka na?"

(Dito ako sa  labas ng Campus. Sa Cafe. Can you please come here na lang? Hindi na kasi kami makapasok ni James.)

"Sige. Palabas na rin ako."

(Oryt! See you.)

after naming mag-usap ay nagmadali na akong puntahan si Brent. Nakita kong kumaway si James nang nakarating na ako sa Cafe. Inabutan niya ako ng maiinom at pinaupo sa gitna  nila.

"Anong nangyari at hindi man lang kayo nagpalit ng mga damit?" sabi ko agad sa kanilang dalawa dahil basang-basa sila ng pawis. Siguro ay sumama na naman siya sa condo ni James. Malapit lang kasi ang condo ni James sa  school. Narinig ko minsan na sinasama siya ni  James sa  condo niya para makag-gym dahil kinakantiyawan siya nila Jake na payatot ito kaya ipinagpapalit sa iba. Panay naman ang tawa ni James at biniro niya akong parang nanay daw ako kung magsalita.

Mabilis naming naubos ang maiinom. nagpaalam na si Brent kay James. Tumango lang si James dahil may kausap ito sa telepono. Nang nasa sasakyan na niya kami ay hindi ko na napigilan tanungin kung saan ang lakad namin.

"Ahhhm. Brent, saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba nabanggit sa iyo ni Yana? Meron kasing pa-party ang Club Orion ngayon. 25 years Anniversary." nagulat ako at nag-alala dahil sa pagkakaalam ko ay bigatin ang kumpanya ng mga magulang nila.

My Sweet Monster Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon