Chapter 15 - Ouch

450 28 4
                                    

Kyline POV

1 week na ang nakalipas after nung nagsample sila Nathan at Darren!

Sa 1 week na yun, sumasabay na magrecess samin sila Twittle at Darren.

Isama na din natin sila Kuya Zac at Ate Stacey. Pati pala si Ate Cassy.

Si Kuya JK naman. Minsan lang sya sumasama samin. Ewan ko dun.

Maraming nagbago this past few weeks.

Naging si Kuya Zac at Ate Stacey na. Mabait naman sila kaso medyo badboy lang kasi si Kuya Zac. Close na din namin sila.

Si Ate Cassy at Kuya JK? Super Close na din. Lagi nga kinukulit ni Ate Cassy si Kuya JK eh. Pero walang something sakanila huh. Medyo boyish kasi si Ate Cassy eh. At hindi daw sila talo! Haha.

At si Nathan at Andrea naman, medyo Ok na sila.. Napapagod na daw sya magsungit kay Nathan eh. Ang totoo daw talaga hindi naman sya naiinis kay nathan. Naiirita lang daw. Haha

Ayun si Glenn at Nathan lang naman ang lagi namin kausap at kasama ni bespren.

Pag wala sila Darren at Twittle.

Si Twittle nagiging close na lahat kami sakanya. Friendly kasi sya at sya lagi ang nag eentertain sa aming lahat. Pati si bespren hindi na din naiinis kay Twittle. Si Darren naman, komportable na din ako sakanya. Hindi na ko naiilang or nahihiya pag kausap sya.

Kaya lahat sa amin ay wala ng ilangan at hiyaan. Si Twittle kasi gumawa ng moves para magkaclose kaming lahat.

Pero alam nyo ba may sinabi sakin si bespren na ikinagulat ko. Satin satin lang ah. Nagseselos nga daw sya dati nung lagi kaming magkausap ni Nathan. Pero wala naman something samin eh. Close lang talaga kami. At inamin na din ni bestii na may Crush sya kay Nathan. Haha

At alam nyo din naman na may gusto si Nathan kay bespren. Lam na this! Hahaha!

Si Twittle at Darren lagi magkadikit at parang hindi mo mapaghiwalay. Si twittle naman kasi lagi dumidikit kay Darren. Napapansin kasi namin yun at Si Darren parang gusto nalang umiwas pero hindi naman nya kayang gawin yun.

Tapos every weekend naman lagi ako nasa taping kasama si Twittle.

Yun lang naman ang mga nangyari this past few weeks. Nakakatuwa nga kasi madami na akong kaibigan at mababait pa.

Ngayon naman recess na namin. At sabay sabay kaming pumunta ng cafeteria.

"Andrea, Kyline! Hindi muna kami sasabay kumain sainyo kasi pinatawag kami ni Glenn sa Principal Office." sabi samin ni Nathan.

"May ginawa na naman kayong kalokohan ni Glenn noh?" tanong ni bespren kay Nathan.

"Wow andrea! Sa gwapo namin ni Glenn gagawa ng kalokohan?" sabi ni Nathan at tinuro pa nila ang kanilang mukha.

Natatawa ako sakanila. Buti nalang at medyo Ok na si bespren kay Nathan medyo nag aasaran lang.

"Nako. Kapal din ng mukha mo nathan! Gutom lang yan!" sabi ni bespren.

"Haynaku! Mauna na kami sainyo. Baka pagalitan kami lalo ni Glenn ng principal." paalam ni Nathan at Glenn samin.

"Sana nga!" pahabol na sabi ni bespren.

"Oh girls! San pumunta si Nathan at Glenn? parang nagmamadali ata?" tanong ni Twittle na kakalapit lang samin kasama si Darren.

"Principal Office daw." sabi ni bespren.

"Ay ganun ba. Tara kain na tayo sa cafeteria." sabi nya.

---------

Darren POV

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon