Chapter 31 - See you Again

197 8 3
                                    


Kyline POV

Waaaaaaahhh! Sabihin nyong hindi totoo tong nakikita ko!!

Imposibleng sya yung nasa harapan ko kasi medyo chubby,yun eh eto payat at matangkad at isa pa mukhang bad boy ang porma nya ngayon.

"Long time no see kyline." sabi nya na nakangisi pa.

Ba't lalo syang gumwapo ngayon? At nagbinata na talaga sya!

Tulala pa rin ako habang nakatingala sakanya. Mas matangkad na sya ng kaunti sa akin. Samantalang dati, magkapantay lang kami.

At ibang iba na sya ngayon dahil medyo maangas na sya kung kumilos. Samantalang dati malamya!! Shetnessss lang! Hindi ko na dapat sya nakita eh!

Naalala ko na naman yung ginawa nya saken!

Tinaas ko lang ang kilay ko at..

"Sino ka? Bakit kilala mo ko?" kunyare hindi ko sya kilala. Ano ngayon? Who you ka saken!

Ngumiti lang sya ng napakalapad.. at nakatitig sya saken. Bakit kasi nakakatunaw ang mga ngiti nya??? T_T

"Ako hindi mo kilala? Ikaw lang yata ang hindi nakakilala sakin. Ako lang naman ang sikat na total performer sa Pilipinas." taas baba na kilay nya.

Akala ko ba humble sya?? 3 years lang kami hindi nagkita, ang yabang nya na!!!

"Ang yabang mo naman! Eh ano naman kung sikat ka? Wala akong pakialam." sabi ko nalang at tumalikod na sakanya.

Nakakabanas ang pagmumukha nya. Ang lakas ng loob nyang magsalita ng ganun. Naninibago na ko sakanya!!

Tumakbo na ko para maabutan ko si Mianne. Baka magtanong pa yun kung bakit ang tagal ko.

*hinga malalim

"Salamat naman at dumating ka din! Kanina pa ko dito. San kaba nanggaling?? At ganyan itsura mo?" tanong ni Mianne.

"Tara umalis na tayo dito, tutal tapos na din ang rehearsal natin." sabi ko,kay mianne sabay hila ng kamay nya.

"Teka, ang hilig mo manghila ng kamay. Bakit ka ba hinihingal?" -mianne

"Pwede ba Mianne, lumabas muna tayo dito bago ko sabihin kung bakit ako nagkakaganito." sabi ko sakanya.

At lumabas na kami ng Hall, at pumunta muna kami ng Starbucks na malapit dito para makapagpalamig naman ako ng ulo.

At Starbucks.

"Oh pwede mo naba ikwento kung bakit nagkakaganyan ka! Parang binagsakan ka ng langit at lupa." komento ni Mianne.

"Teka. Give me 5 minutes para mag isip." sabi ko sakanya.

Hinilot ko ang sintido ko. Parang feeling ko sasabog na ko sa sobrang inis nung nakita ko sya.

"By the way, habang nag iisip ka jan. May ibabalita muna ako sayo." sabi ni Mianne habang patuloy ko pa rin hinihilot ang sintido ko.

Mukhang alam ko na ibabalita neto ah.

"Kung tungkol lang naman sa baklang Darren na yun ang ibabalita mo, wag mo na ituloy!" sabi ko sakanya.

"Yieeee! Pano mo nalaman? Tama ka tungkol nga kay Darren. andito na pala sya sa Canada for rehearsal." kilig na sabi nya.

Alam ko. Nakita ko nga sya kanina eh.

Yun dapat sasabihin ko pero baka paghalataan ako neto ni Mianne.

"And soooo???" sabi ko na nakataas ang kilay at sinipsip ko nalang ang Frappe na inorder kanina ni Mianne.

"Ay! Beastmode si ate!! Oh kanina pa pala tapos ang 5 minutes pwede mo na ba sabihin kung bakit ka nagkakaganyan?" -Mianne

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon