Chapter 1 - Audition

833 33 4
                                    

Kyline POV

"Bunso! Gising na! Nakahanda na breakfast mo!!" Sigaw ni mama.

Sobrang aga naman yata ako gisingin ni mama. Weekend naman ngayon at walang pasok. Haysssst >...<

Ganyan si mama. Gigisingin ako kapag may mga raket o kaya audition.

Mas updated pa saken si mama sa mga ganyan. Sya nalang kaya mag artista!

Peace mama! ^_^v Hehe :)

"Susunod na ko ma! Inaantok pa ko eh."

Nakahiga pa ko sa kama at nakayakap sa unan habang sinisigaw iyon kay mama. Nasa baba kasi sya. Kaya nagsisigawan kami dito. Haha

Aissshh -.- Basta gusto ko pa matulog!

Eh kasi naman pagod ako lagi sa school at dagdag mo pa ang mga raket at audition na yan. Tsss. Makatulog na nga lang ulet..

Tok ~ tok ~ tok ~ tok

Katok ni mama sa kwarto ko.

"Nak, gumising kana may maganda akong ibabalita sayo!"

"Mama naman ehh... Next time na kasi yan!"

Argggghh! Makatayo na nga at pagbuksan si mama. Hindi ko sya matiis eh. Lahat talaga gagawin nya para saken.

Yung effort nya na lagi akong sinasamahan sa mga audition at paghahanda lagi ng pagkain araw araw..

Oh diba? Yan mama ko! Kaya lagi ko sya sinusunod sa gusto nya.

Kasi pinangako ko din sakanya 5 years ago na balang araw magiging sikat din akong artista at susuklian ko lahat ng sakripisyo nya samen magkapatid at tutulungan ko sila mama at kuya.

Yung papa ko kasi wala na sya, baby pa lang ako. Nakakalungkot man isipin na hindi ko sya naabutan :( Kahit papano dumadalaw naman kami sa puntod nya every weekend or may okasyon.

Si kuya naman laging nasa kwarto, nagbabasa ng libro at nag gigitara. Hindi ba sya nababagot dun sa loob ng kwarto nya? At mas mahal nya pa ang mga libro kaysa saken na bunso nyang kapatid. :(

Awtssuuu. :(

"Nak, Kailangan mo ng maligo at mamaya aalis na tayo. Mahaba na daw pila sa *toot* network. Audition nga pala pupuntahan naten. Sayang din yun kasi balita ko kukuha sila ng bida sa isang teleserye."

Walang bago sa sinabi ni mama. Sa dinami dami ng pumipila sa audition swerte mo kapag nakuha ka. Kailangan magsakripisyo nalang sa pila. Pero buti nalang kahit papano, may experience na ko sa mga ganyan. Pasalamat nalang ako anjan lagi si mama sa tabi ko. Supportive Mother eh! :)

"Ma, sa tingin mo ba makukuha ako dun?"

"Think positive nak! Ganda ganda mo eh at talented pa. Tsaka wag ka mag alala kasi may magmamanage na sayo. Kumbaga may manager kana at madali ka ng makapasok sa industriya! Taray! Magiging sikat na anak ko!!"

Proud na sabi ni mama at sabay hug saken.

Natutuwa talaga ako kay mama, may pataray taray pang nalalaman. Haha. Sweet talaga ni mader! Hihi ^^

"Ok ma, maliligo na ko basta ikaw!" sabay kiss ko sa cheeks nya.

"Sige nak, hinanda ko na lahat ng gamit mo. Labyu! Hintayin nalang kita sa baba"

Bumaba si mama at nagsimula na ko maligo.

----

At Audition,

Eto nakapila kami ng mama ko. Ang Haba ng pila!! Tapos ang init pa. Tss.

Buti nalang GirlScout si mama, laging handa. Haha. Halos dalhin nya na buong bahay namen eh. Pano ba naman kasi nagdala sya ng mga pwedeng gamitin para hindi mauso ang salitang "HAGGARD" Haha.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon