Chapter 33 - Jealous

224 12 5
                                    


Kyline POV

Bakit simula nung magkita kami ulit ni Darren. Parang nagulo na yung buhay ko.

Imbis na gawin ko nalang ang mga daily routine ko na walang iniisip. Dumagdag pa sya!

Papunta kami ngayon ni Mianne sa hall, dahil sa mismong stage na kami magrerehearse. Kasama ang ibang guest din at back up Singer at dancer.

Sabi ng choreographer namin ay may makakasama daw kami galing sa Pilipinas na magiging guest din sa concert.

"Ang gwapo talaga ni Darren noh?" sabi ni Mianne habang pinapanood namin sya nagrerehearse ng sayaw.

Introduction palang kasi ang ginagawa nila kaya mamaya na kami papasok.

Hindi ko nalang sinagot si Mianne at uminom nalang ako ng Mineral Water.

"Bakit mo ko dinideadma?" tanong Mianne.

"Kasi sa tuwing kasama kita puro Darren nalang binabanggit mo. Nakakasawa na.!" -ako

"Ayy. Aminin mo bitter ka lang!" sabi nya.

Hindi ko nalang sya pinansin.

.
.
.
.
.

Nang matapos kami sa rehearsal, buti naman at hindi na nya ako kinulit.

Nagliligpit na ko ng gamit para makauwi na agad. Pero laking gulat namin ang dumating dito sa hall.

Mga celebrity lang naman galing sa Pilipinas. Siguro guest sila sa Concert ni Darren.

Pero biglang napukaw ng atensyon ko ay yung babaeng bigla nalang bineso si Darren.

Nang mamukhaan ko ay si Twittle pala.

Bakit andito yang babaeng yan?

Mas lalong bumabalik sa ala ala ko ang mga ginawa nya sakin noon.

Hindi ko namalayan, na nakatingin na pala ako sakanila habang masaya silang nagkikwentuhan at nagtatawanan. Parang namiss nila ang isa't isa.

Nakaramdam ako ng inis ng makita sila. Hindi ko alam kung bakit. Sana talaga hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkikita kita kami muli.

Kung sana, andito sila bestii para samahan ako sa mga ganitong pagkakataon at sitwasyon. Atleast may kakampi ako kung sakaling awayin na naman ako ni Twittle.

Speaking of bestii, tatlong araw na hindi kami nakapag videocall dahil busy daw sila sa mga projects dahil Graduating na sila.

Ako din gagraduate na. Pagkatapos ay makakauwi na din ako ng Pilipinas! ^__^

"Ok guys!! Before you leave, Please welcome Twittle Dizon and other celebrity from Philippines!" sabi ng organizer ng concert na to.

Isa isa namang kinamayan ni Twittle lahat ng canadian back up dancers at singers.

Dahil sa malapit na sa pwesto namin si Twittle.

Parang gusto ko na umalis sa pwesto at ayaw syang makamayan. Dahil baka mahawaan lang ako ng kasamaan ng ugali nya.

Kaya wala na akong naisip na pwedeng gawin kaya nanatili nalang ako at tanggapin ang sitwasyon na 'to.

Ayan na sya. Walang nagbago sa kanyang mukha, pero napansin kong lumiit ang kanyang nunal.

"Ohhh! Kyline? Is that you? Mas gumanda ka ngayon!" -twittle

So parang sinasabi nyang pangit ako dati? kaplastikan nya! Pwe!

Tipid na ngiti ang binigay ko sakanya. Kahit papano ay may manners ako. Ngayon lang yan, pero kapag nagawa nya ulit ang ginawa nya noon. Hinding hindi ko na talaga sya aatrasan.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon