Chapter 24 - Bonding

388 17 4
                                    

Kyline POV

3rd day

"Bestii??!! Ano yung nababalitaan ko huh? Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?" -bestii

"Ang alin bestii?" -ako

"Kahapon pala pumunta ka sa bahay nila darren. Ayieeee! Ikaw ah!" Bulong ni bestii baka daw may makarinig.

"Huh? Oo pumunta nga ko kahapon. Ano naman?" -ako

"Wala lang bestii. Akala ko kasi may something na talaga sainyo eh. Hihi. Kayo ah. Dapat ako una makakaalam nyan." -bestii

"Ewan ko sayo bestii. Kung anu ano iniisip mo. Magchildhood friend kami at slash classmate. Wala naman masama doon." -ako

"Ikaw bahala bestii. Basta andito lang ako susuportahan kita." ngiting sabi ni bestii sakin.

Umiling na lang ako. Bakit ganun sila mag isip pag nagkakasama kami ni Darren. Malisya nga naman oh! Tsk.

--

4th Day

May P.E kami ngayon. Kasama ko ngayon sila bestii, darren, nathan at glenn. Andito kami sa bench.

Habang tumatagal. Nagiging close na talaga kaming lahat. Lalo na kami ni Darren.

Asaran, harutan, tawanan at kwentuhan. Yan ang mga nagagawa namin habang wala si Twittle.

Ewan ko ba dahil, napakadaming nagbago pag wala sya dito. Kasi mas nakakagalaw daw ng maayos si Darren. Nakakahalubilo na sya samin. Hindi tulad ng dati parang naiilang sya dahil lagi nakakapit sakanya si Twittle.

Di ko alam kung magbabago ulit ito kapag bumalik si Twittle.

Tsaka yung pinag usapan namin na iiwasan ko si Darren? Hindi ko na yun gagawin. Dahil napakahirap para sa friendship namin. Naapektuhan din kasi sila bestii.

Tsaka sabi ni bestii, hayaan nalang si Twittle. Pero naisip ko pa din yung mararamdaman ni Twittle.

Hayssst. -__-

"Guys! Tayo daw magkakagroup mamaya sa role play!" -bestii

"Talaga? Maganda kung ganun!" -nathan

"Sige, may naisip na ba kayo kung paano gagawin natin?" -darren

"Oo nga. Mag isip na kaya tayo ng idea." -ako

"Oo. Tamang tama may naisip na ko." -glenn

"Ano naman yun bro?" -nathan

"Eh kung gawin nating musical ang role play para mas kakaiba." -glenn

"Sabagay madami ditong singers. Si darren at nathan." -bestii

"Dalawa lang naman. Madami agad?" -nathan

"Sorna! Ok. Tamang tama, si bestii magaling umarte. Ako nalang sa props. Haha." -bestii

Nagtawanan kaming lahat. Magjojoke na nga lang si bestii, corny pa. Haha.

"Sige ikaw na bahala. Kahit hindi naman kailangan." -nathan

"Joke lang naman yun. Kaming tatlo nalang nila bestii at glenn ang aarte." -bestii

"Dapat magjojoke ka yung matatawa kami ah." -nathan

"Bakit hindi ba kayo tumawa?" -bestii

"Tumawa pero joke lang din yun. Ang corny kasi ng joke mo eh." -nathan

"Hayy. Iniinis mo na naman ba ako nathan?" -bestii

Nagtatalo na naman ang dalawa!

"Ayan na naman kayong dalawa. Tumigil na kayo!" -ako

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon